Chapter One

42 6 2
                                    

Aliyah's PoV

"HOY!"

Napaangat ako ng tingin sa lapastangang umiistorbo sa'kin. Hindi n'ya ba nakikita? Nagsisipag-sipagan akong mag-aral ngayon dito sa library dahil sa lintek na pinag-usapan namin ni Daddy.

flashback

"Dad, you can't do this to me." Pagmamaktol ko.

Hindi n'ya ko pwedeng tanggalan ng allowance. Hindi ako mabubuhay sa mundo ng pagtitipid. Palagi akong gutom. Papayat ako. Masasayang lahat ng pinaghirapan ko para lang makuha ang ganitong ka-sexy-ing katawan. NO WAY! Hindi ako papayag.

"Dad please, i'll do whatever you want. Just please. Please, don't do this to your baby." Pagmamakaawa ko.

Halos lumuhod na ko kay Daddy para lang 'wag n'yang gawin ang naiisipan n'yang hindi ko alam kung kaninong ideya nanggaling.

"Okay, Ali. Kapag naipasa mo ang exam mo ay papayagan kitang makuha ang credit card mo plus ibabalik ko sa'yo ang susi ng kotse mo. Pero, pag bumagsak ka, sorry honey," mahinahong sabi ni daddy saka ako hinalikan sa noo.

"Pero sa ngayon, akin na muna itong kotse mo." Pahabol n'ya saka tuluyan akong iniwan.

No... daddy. Bakit mo ginagawa sa'kin 'to? Ayoko mag commute. Maliligaw ako, Dad! Di mo ba naisip 'yon? Omygad! Life is so unfair! Argh!

Napailing nalang ako ng maalala ang nangyari kahapon.

"O Ali, balita ko napatawag 'yung daddy mo kahapon. Hahaha," Pang-aasar sa'kin ni Maxine.

"Ready ka na ba, Max?" tanong ko kay Maxine habang pinaglalaruan ang ballpen sa aking kamay.

"Ready saan?" takang sagot naman nito.

"Sa kamatayan mo."

Kitang-kita ko kung pano nanlaki ang mata n'ya sa gulat at ang biglaang pamumutla ng kanyang mukha matapos kong isaksak sa harapan nya ang ballpen na hawak ko.

Ang kamalditahan ng babaeng ito ay minsan naapakasarap pagtripan.

Bigla na lamang n'ya kinuha ang kanyang bag saka nagmamadaling lumabas ng library. Napatawa nalang ako habang hinahatid ko s'ya ng tingin.

Reyna Ng SablayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon