CHAPTER 01- Invitation

22.8K 502 66
                                    

BABALA: Ang kwentong ito ay may deleted parts kaya kung ayaw ninyong mabitin ay huwag niyo nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Nasa DREAME po ang complete version ng story na ito. Maraming salamat!








CHAPTER 01- Invitation

BUKAS ang aircon sa kwarto pero bigla akong pinagpawisan nang buksan ko ang isang email mula sa unknown sender. Nakalagay doon na one month mula ngayon ay gaganapin ang grand high school reunion namin sa isang kilala at sosyal na hotel sa Manila. Busy'ng busy kasi ako kanina sa pagsusulat ng latest novel ko tapos tumayo lang ako sa harap ng laptop para kumuha ng donut sa mini-refrigerator tapos pagbalik ko ay nag-pop-up ang naturang email.

Pinanghinaan ako bigla ng loob. Ang drive ko sa pagsusulat ay sandaling nawala dahil namrublema ako bigla.

Napatingin ako sa hawak na donut sabay tingin sa malaking salamin sa tabi ko. Nakita ko ang aking bilog na mukha at matambok na pisngi. Ang aking dalawang baba na nakikipagpaligsahan ng laki sa aking eyebags. Hindi naman ako singkit pero dahil sa nagsusumiksik na taba sa mukha ko ay naging ganoon na ako. Hindi rin naitago ng over-sized shirt na suot ko ang mataba kong katawan. Nagsusumigaw ang tatlong layer ng bilbil ko. Sumisigaw ang mga ito: "Tama na ang pagkain, Ella! Ipit na ipit na kami! Ipit na ipit!"

Ibinagsak ko ang donut sa sahig.

Hindi ako pwedeng pumunta sa high school reunion na ganito ang aking hitsura. Baka pagtawanan na naman ako ng mga hinayupak kong kaklase. Tawagin na naman nila ako ng: "Ella Panti, elepante!". Bakit ba naman kasi Ella pa ang ipinangalan ng mga magulang ko sa akin? Swak na swak tuloy sa laki ko. Napredict ba ng nanay at tatay ko habang nasa kasarapan ang mga ito ng paggawa sa akin na magiging mataba ako kaya ganoon ang ipinangalan nila sa akin? Leche!

Bakit ba kasi hindi ko naisip na after ten years na maka-graduate sa high school ay magkakaroon kami ng reunion ng batch namin? Bakit ba hindi ko pa sinimulan noon ang pagda-diet at pag-e-exercise?

Naisipan kong tumayo at nagpunta sa medicine cabinet. Kinuha ko ang slimming pills na nabili ko sa kanto noong isang araw. Isa pa lang ang bawas niyon. Unang subok ko pa lang ng naturang pills ay hindi ko na nagustuhan ang epekto dahil nagtae lang naman ako nang bonggang-bongga.

Siguro nga, oras na para seryosohin ko na ang pagpapayat.

Kumuha ako ng tatlong slimming pills. Napailing ako. Kulang pa ito. Dinagdagan ko pa ng sampu dahil hindi ako nakuntento. Kailangan kong pumayat ng mabilis sa loob ng isang buwan. Kumuha ako ng isang basong tubig, inilagay ang lahat ng slimming pills sa bunganga at inubos ang tubig sa baso.

-----***-----
ANG sumunod na ingay na narinig ko ay ang palahaw ng bakla kong bestfriend na si Pepita. Matapos kong laklakin ang napakaraming slimming pills ay nahilo ako at nagsuka nang nagsuka. Nawalan nang malay at ngayon, heto ako. Nakahiga sa stretcher at isinusugod ng mga nurse sa emergency room.

"Ella! Bakit ka nagpakamatay?!" Akala mo ay isang best actress na iyak ni Pepita.

Hindi na siya nahiya. Talagang isinugod niya ako dito sa hospital na putok na putok ang make-up. Sigurado ako na siya ang nakakita sa akin sa bahay na inuupahan namin habang ako ay nakabulagta at bumubula ang bibig. At alam ko rin na bago niya ako isinugod sa ospital ay nag-make up pa siya. Hindi kasi siya lumalabas ng bahay nang walang make up dahil mukha siyang multo. Walang kilay at maputla ang balat.

At ang gaga niya lang talaga, ha! Inakala niya talaga na nagpakamatay ako. Nakakahiya. Baka isipin ng mga nurse na nasa paligid ko na nagpakamatay ako dahil sa sobrang taba ko. Kung hindi lang ako nanghihina, bibigwasan ko talaga ng tatlo sa mukha si Pepita. Kahit kailan talaga ay walang preno ang bunganga niya!

-----***-----

NAPAKUNOT ang aking noo nang makita ko ang bill ko sa hospital. Palabas na ako at kasama ko si Pepita. May nakita kasi ako sa ibaba ng bill ko sa ibaba. May one thousand pesos na naka-note doon.

"Pepita, para saan itong one thousand?" tanong ko sa kanya.

Nasa labas na kami at naghihintay ng tricycle pauwi.

"Ah, 'yan ba? Alam mo kasi, bes, dalawang stretcher ang nasira mo bago ka nadala sa emergency room. Kaloka ka talaga! Kaya may additional fees ka."

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam iyon, ha!

"Oo nga pala, bes... Bakit ka nga pala lumaklak ng slimming pills? Anong meron?"

"Siguro, gusto ko pang magpataba lalo!" sarcastic na sagot ko.

"Gaga! Alam ko na gusto mong magpapayat! Pero bakit naman parang in an instant ay gusto mong pumayat? I just wonder why..." Akala mo ay si Kris Aquino na ngumuso pa siya sa akin.

Nakakairita ang pagi-inarte ni Pepita. Sarap hilahin ng nguso ng baklang ito!

"Naalala mo ba iyong ikinukwento ko sa iyo na classmate ko noong high school na si Arkin Andres?"

"Ah, 'yong crush mo noon. Tapos nang umamin ka sa kanya ay ni-reject ka niya dahil ang baboy mo sa taba noong high school ka!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Well, hanggang ngayon naman ay majubis ka pa rin, bes. Nothing changes!"

"At talagang nilait mo pa ako, ha? Baka gusto mong umuwi tayo ng bahay na kulay ube ka at hindi na humihinga?!" banta ko. "Siya na nga. Si Arkin! Next month kasi ay may high school reunion kami at sinabi ko noon kay Arkin na kapag nag-krus ulit ang landas namin ay hindi ko na siya papansinin dahil payat na ako that time. Itinaga ko iyon sa bato! Gusto ko kapag nagkita kami ulit ay paglalawayan niya ako! Pero, look at me! Ang taba ko pa rin, bes! Kaya nilaklak ko iyong slimming pills!"

"Now I know. But I think, maglalaway pa rin naman si Arkin kapag nakita ka niya ulit dahil mukha kang lechon!" Tumawa nang tumawa si Pepita.

Hindi na ako nakapagpigil at sinapak ko na siya. Sa lakas ay halos humiwalay na ang ulo sa leeg niya.

"Sige! Lait pa more, Pepita! You're not helping me."

"Ikaw naman, hindi ka na mabiro! Ang sakit no'n, ha! Bakit kasi hindi mo pa inumpisahan ang pagpapayat ten years ago. Talagang ngayon mo lang naisipan gawin iyan. You only one month left at sa tingin mo ba ay papayat ka agad sa loob ng ganoon kaikling panahon? I don't think so!"

Matalim ko siyang tiningnan. "Pwede ba? Be supportive na lang? Ano kaya kung magpa-lipo ako kay Doktora Belo? Magkano kaya magagastos ko?"

"Nagpapatawa ka ba, bes? Sa dami ng taba sa katawan mo baka next year pa matapos si Doktora Belo sa pagsipsip ng mga 'yan. 'Wag ka na lang kasing um-attend sa reunion na iyan kung ganiyan lang din naman pala. Ang dali ng solusyon sa problema mo sa totoo lang! Kaloka ka!"

"E, sa gusto kong um-attend! Paki mo ba? Gusto kong ipakita kay Arkin kung ano ang sinayang niya!" sabi ko sabay fierce look.

Tinampal-tampal ni Pepita ang pisngi ko. "Bes, gising. Anong ipapakita mo kay Arkin, e, ang taba-taba mo pa rin. Wake up, girl!"

Oo nga, ano. Tama si Pepita. Nakikita ko na sa aking imagination na pagtatawanan ako ni Arkin kapag nakita niyang mataba pa rin ako hanggang ngayon. Ang yabang pa naman ng mokong na iyon at ang lakas mang-alaska. Porket alam niyang gwapo siya at crush ko siya ay palagi niya akong inaasar noon. Actually, siya ang nagpasimuno ng tawag sa akin na "Ella Panti, elepante!"

Ang gusto ko lang naman ay mag-revenge sa kanya para ipakita na mali siya na binully-bully at tinanggihan niya ako before. Mapagtanim pa naman ako ng sama ng loob. Gaya na lang ng sa mga magulang ko. Kaya nga ako nakabukod sa kanila ay dahil may sama ako ng loob sa kanila. Well, ayokong isipin sa ngayon iyon. Ang dapat kong patuunan ng pansin ay ang high school reunion namin at kung paano ako papayat sa loob ng isang buwan!

TO BE CONTINUED...

That Oinky Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon