CHAPTER 05- The Magic Red Lipstick

6.8K 278 12
                                    

CHAPTER 05- The Magic Red Lipstick

ISANG mala-halimaw na halakhak ang pinakawalan ng matanda nang sa wakas ay kunin ko na ang ibinibigay niyang lipstick. In-spread pa niya ang dalawa niyang kamay at nagpaikot-ikot. Natumba pa siya dahil nahilo siguro.

“Oh, gaga!” sabi ko. May paikot-ikot pa kasing nalalaman. “Bakit ba nag saya niyo diyan, lola?” curious na tanong ko habang tumatayo siya.

Pinagpagan niya ang kanyang sarili. “Masaya ako kasi may subject na ako sa aking mission na may mapasayang tao dito sa lupa. At ikaw iyon, Ella Panti! Ikaw na ikaw!” aniya.

Napipilitan akong nag-smile. “Well, congrats po,” sabi ko na lang.

Ang lakas siguro ng tama ng droga na natira niya. Sakyan ko na lang ang trip at baka kung anong gawin niya sa akin. At para lubayan na rin ako. Isa pa, itatapon ko rin naman itong lipstick kapag umalis na siya. Ayokong gamitin ito at baka kung saan niya lang ito nabili. Baka mamaga or magkaroon ng allergy ang lips ko. Kakatakot!

“'Wag mo na akong tawaging lola. Call me Matandang Hukluban!”

“Wow, ha! Hindi naman bagay sa hitsura mo ang pangalan mo, Matandang Hukluban!” sarcastic na sabi ko.

“Wala kang pake. At huwag na huwag mong itatapon ang magic red lipstick, Ella! Sinasabi ko sa’yo, magsisisi ka.”

Napamaang ako sa sinabi niyang iyo. “Paanong--”

“Nababasa ko ang nasa isip mo dahil isa nga akong fallen angel.”

“For real? Sige nga, basahin niyo ang iniisip ko…”

Hmm… Baka naman naka-tsamba lang siya. Masubukan nga. Nag-isip na ako habang nakatingin siya sa akin.

“Ang sabi mo sa isip ay isa akong matandang sinungaling! Hinayupak ka!”

Naitutop ko ang dalawang kamay ko sa aking bibig. Totoo nga. Iyon nga ang nasa isip ko. Hindi nga kaya nagsasabi talaga siya ng totoo at totoo rin ang magic red lipstick?

Napahawak ako sa braso niya at nagsalita habang nanlalaki ang mga mata. “Totoo ba? Mapapayat ako ng magic red lipstick na ibinigay mo, Matandang Hukluban?” Ngayon ay medyo-medyo naniniwala na ako sa sinasabi niya.

“Well, why don’t you try it?” Nagyayabang na sabi niya.

“P-paano ba ito gamitin? Tell me!”

“Maniniwala ka rin pala ang dami mo pang kuda, taba!”

“Ikaw din! Bakit hindi mo pa sabihin kung pa’no? Ang dami mo pang kuda, matanda!”

At talagang naglaitan na kami.

“Naku! Kung hindi lang ito para makabalik na ako sa langit, e! Oo na, ituturo ko na. Simple lang naman. Ipahid mo sa labi mo ang lipstick at pagkatapos ay sambitin mo ang magic words…”

Napahawak ako sa aking dibdib. “May magic words pa?”

“Malamang. Magic red lipstick nga, 'di ba?”

“Sabagay… E, ano naman ang magic words, Matandang Hukluban?”

“Ganito ang sasabihin mo… Ang dating majubis, ngayon ay ninipis. Sa aking alindog, ika'y mahuhulog!

Inulit ko ang sinabi niya. “Ang dating majubis…” Pero napangiwi ako dahil nakalimutan ko agad. “Pakiulit nga.”

“Ang dating majubis, ngayon ay ninipis. Sa aking alindog, ika'y mahuhulog!”

Inulit-ulit ko sa utak ko ang sinabi niya. Hanggang sa ma-memorize ko na.

“At dapat feel na feel mo ang pagkakasabi, ha. Aura-aura rin habang sinasabi nag magic words. At dapat hindi mabura ang magic red lipstick sa labi mo dahil kapag nangyari iyon ay babalik ka na sa pagiging mataba!”

“Opo, Matandang Hukluban! Tatandaan ko!”

“Sana ay matagpuan mo ang tunay na kaligayahan, Ella. Aalis na ako!” Tatalikod na sana siya pero muli siyang humarap sa akin para kunin ang natitirang sandwich ko. “Akin na lang ito, ha?” At tuluyan na siyang umalis.

Aba’t-- Talagang kinuha pa niya ang sandwhich ko! Nagugutom pa kaya ako!

Ah, 'di bale na. Binigyan naman niya ako ng magic red lipstick, e. Wish ko lang ay nagsasabi siya ng totoo dhail kung hindi ay hahanapin ko siya at bubugbugin. Dadaganan ko pa siya! Makikita niya!

-----***-----

TUMAMBAY lang ako ng kaunti sa park tapos ay umuwi na rin. Hindi na ako nag-jogging. Kung totoo man ang magic ng red lipstick na ibinigay sa akin ni Matandang Hukluban ay hindi ko na kailangang magjogging at magdiet at magpunta sa gym. Isa pa, makakapunta na rin ako sa reunion!

Halos takbuhin ko na ang daan pauwi. Excited na talaga akong gamitin ang magic red lipstick, e.

Pagkapasok ko sa apartment ay sinalubong agad ako ni Pepita. May hawak siyang dalawang t-back.

“Bes, anong mas maganda sa dalawa? Itong red o pink?” tanong pa niya.

“Wala! Mangilabot ka nga, Pepita! Seryoso? Magsusuot ka ng t-back?!”

“Why not? Hmp! Bakit ba sa iyo pa ako nagtanong? Sa Facebook na nga lang ako magtatanong!” irap niya at pumasok na siya sa room niya.

Ako naman ay takbo na rin agad sa room ko at nag-lock. Humarap ako sa full body mirror habang hawak ang magic red lipstick. Gusto ko kasing makita with my own eyes kung magiging payat nga ako kapag ginamit ko ito.

Talagang nanginginig ako habang hawak at nakatitig sa magic red lipstick. Wala naman sigurong masama kung maniwala ako kay Matndang Hukluban.

Huminga muna ako ng malalim at tinanggal ang takip ng magic red lipstick.

Bigla akong napatingin sa reflection ko sa salamin at nakita ko na naman kung gaano ako kataba. Nalungkot ako… Nalungkot ako dahil masakit mang sabihin pero naging malaking sagabal sa buhay ko ang pagiging mataba ko. Hindi ko natupad ang gusto ng mga magulang ko para sa akin na maging isang stewardess dahil sa taba ko. Nasaktan ako nang sabihan nila ako na malaking disappointment sa kanila. Literal na malaki. Kaya naman bumukod ako sa kanila at pinasok ang pagiging ghost writer. Isa pa, ang pagiging writer ko. Marahil, kung payat at maganda lang sana ako, hindi ko na kailangang maging mukha si Jenna Rolling. Ano pa ba? Hindi rin ako nagka-jowa dahil siguro sa takot ang mga lalaki na mapagastos dahil feeling siguro nila ay malakas akong kumain. Well, totoo naman iyo. Pero kahit na! At ni-reject din ako ng hinayupak na si Arkin dahil mataba ako. Ang paasang damuho na iyon! Ilang beses na ba akong nagbayad ng doble sa jeep dahil pandalawang tao ang inuupuan ko? Ilang beses na ba akong nilait, tinawag na baboy at kung anu-ano pang masasakit na salita dahil sa mataba ako?! Maraming beses na! Sobrang dami na!

Pagod na pagod na ako…

Pagod na pagod na akong mag-diet, mag-gym at uminom ng diet pills na parang wala namang epekto sa akin!

Pago na pagod na ako!

At ngayon, hawak ko na sa aking kamay ang maaring sagot para mapawi ang pagod ko. Sana, totoo ang kapangyarihan ng magic red lipstick na ito. Huwag sanang paasa ang Matandang Hukluban na iyon.

Pumikit ako sabay mulat agad. Baka makatulog ako kapag tinagalan ko ang pagpikit, e.

Marahan kong iniawang ang aking labi at buong puso na nilagyan iyon ng magic red lipstick. Pagkatapos kong mag-apply niyon ay nag-pout ako. Fi-neel ko na sobrang ganda ko at nag-aura pa more sa harap ng salamin. At sinambit ko na nga ang magic words…

“Ang dating majubis, ngayon ay ninipis. Sa aking alindog, ika'y mahuhulog!”

TO BE CONTINUED…

That Oinky Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon