TAMA NGA ang hinala ni Kendra na maiintindihan ng mga kasamahan ni Clyde ang pag-alis nito sa C.U.P.I.D. para gampanan ang responsibilidad nito bilang tagapagmana ng E.O.S. Entertainment. Dahil doon ay nagkasundo silang magkaroon ng last outing bilang magkakagrupo. Nagpaalam sila kay President at pumayag naman ito. Kaya, heto sila ngayon at papunta sa luxury island resort na pagmamay-ari nila Dave – ang La Isla Esmeralda na sinunod sa pangalan ng nanay nito.
Nang makarating sila sa dalampasigan niyon ay isa-isa silang bumaba mula sa yateng sinasakyan nila kung saan sila sinalubong ng Mama ni Dave.
"Mama!" puno ng pananabik na tawag ni Dave sa ina nito.
"Hijo!" tawag naman ng nanay ni Dave sa anak nito.
Tumakbo naman si Dave palapit sa sariling ina at niyakap ito nang mahigpit. Bigla niya tuloy na-miss ang mga magulang niya. Parang gusto niya tuloy maiyak.
"Cómo estás, hijo?" tanong ng ina ni Dave sa anak nito.
"Estoy bien, Mama (I'm fine, Mama)," sagot naman ni Dave sa ina.
Nagpatuloy pa ang dalawa sa kumustahan ng mga ito. Pero, wala siyang maintindihan dahil Espanyol ang salitang ginagamit nila.
"Oo nga pala," wika ni Dave. Pagkatapos ay nilingon nito sila. Mukhang naalala na nitong kasama nito sila. "Guys, this my mother – Doña Esmeralda Castañeda."
"Magandang araw po, ma'am," bati ni Kendra rito. Gayundin naman ang mga kasamahan niya.
"'Ma, I would like you to meet my groupmates," pagpapatuloy nito sa pagpapakilala sa kanila kay Doña Esmeralda. "This is–"
"Save the formalities, hijo," Doña Esmeralda interjected. "Kilala ko na silang lahat except for one."
Pagkatapos ay lumipat ang paningin nito sa kaniya. Nilapitan naman siya ni Dave at inakbayan. "'Ma, this is Kendra – our friend."
Kendra looked at Dave puzzlingly. Dave just gave her a smile of assurance. Nginitian din naman niya ito. Hindi niya akalaing hindi lang pala teammate ang turing nito sa kaniya kung 'di isang kaibigan.
"Good afternoon po, ma'am," magalang na bati ni Kendra kay Doña Esmeralda. "Nice to meet you po."
"Nice meeting you, too, hija," nakangiting wika rin nito sa kaniya.
"Sa bahay na lang natin ipagpatuloy ang pagki-kwentuhan," aya ni Doña Esmeralda sa kanila. "Alam kong gutom na kayo. Vamos!"
Nilapitan naman sila ng mga resort staffs para tulungan sila sa pagdadala ng mga gamit nila. Pagkatapos ay naglakad sila papunta sa isang Safari Jeep na nakaparada sa hindi kalayuan at sinakyan iyon papunta sa bahay nila Dave kung saan sila manananghalian. Habang nasa biyahe ay nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-sightseeing.
"Ang ganda po pala rito sa island resort n'yo," Lea praised as her eyes were roaming around the surroundings. "Pang-mayaman."
"Actually, La Isla Esmeralda is a luxury island resort," Doña Esmeralda clarified.
"Wow!" manghang usal ni Lea. "Kaya pala. Magkano po pala ang membership fee rito?"
"Three million pesos annually," sagot ni Doña Esmeralda na para bang three hundred pesos lang ang sinabi nito.
Mabuti na lang pala at sinama siya rito ng C.U.P.I.D. dahil kahit kailan ay hindi niya kakayanin ang magbakasyon dito gamit ang sarili niyang pera.
"Pero, justifiable naman ang price dahil binibigyan namin ng pagkakataon ang bawat members na mag-stay dito for fourteen days, either consecutive or installment, in any of the themed villages of the resort," pagpapatuloy ni Doña Esmeralda sa paga-advertise ng luxury island resort nito. "Kung bibili ka kasi ng sarili mong beach property, it will probably cost five to seven million pesos. Idagdag mo pa ro'n ang pagpapagawa mo ng dream beach house mo which may cost seven to fifteen million pesos. But, if you avail a membership in our resort, you get your own part of the island, live in your chosen different village and experience its amenities for free without the hassle of maintaining a beach house."
BINABASA MO ANG
His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]
RomanceThe C.U.P.I.D. Boyband Series Book 1 Nang palayasin si Kendra Sanchez ng kaniyang tiyahin at pinsan mula sa bahay ng mga ito ay nagkaroon siya ng trabaho bilang stay-in maid sa isang dormitory. Lingid sa kaniyang kaalaman ay tirahan pala iyon ng C.U...