#1

1.6K 15 1
                                    

Maling Laro

(para po ito sa mga ONE SIDED LOVE at naniniwala sa WALA)

Sinulat ko to kase gusto ko makalimot
kahit naba ramdam ko at alam ko ba andito pa yung kirot
nagbabakasakali na mabawasan yung lungkot
pero mahal,teka MAHAL? o. ako lang talaga ang nagmahal?
di ko alam pero gusto ko isalaysay ang kwento
kasama ang saya at kirot
minsan ba na isip mo yung halaga ko?
habang sinasabi mo sa akin yung sandaang dosena mong pangako
pero ano pa nga ba gagawin ko?
syempre ako si gaga na patatawarin ka
kahit na magmuka na akong tanga
habang ikaw ang saya saya.

Di ko alam pero siguro dahil ito sa naglaro tayo ng taguan.
taguan sa dilim habang mga ulap ay mahimbing at nananahimik
nagkamali ako.
dapat di nalang ako nakipaglaro.
tama nga, ang pagibig ay hindi isang laro na pag pagod kana aayaw ka nalang.
at yun.
wala akong napala dahil di ko alam kung sino ba talaga ang taya
oo.
nawala.
di kita nahanap.
nawala.
kasama ang pagmahahal mo sakin.
NAWALA.

isang pahina na ang nasusulat ko
pero napakadumi ng mga salita.

ayoko na.


ayoko na.

hindi ako yung babaeng nanghihinayang sayo,HINDI AKO.
hindi ako yung babaeng sayo nagpakatanga,HINDI AKO.
hindi ako yung tumanggap ng mga kasalanan mo at ipinagpatuloy ang mala teleseryeng pagibig na ito.HINDI AKO

PERO AKO DIN ANG NASASAKTAN.
ayoko magsinungaling sa sarili ko kase sa huli,ako lang din naman iintindi sa sarili ko.
kase nga WALA KANA.
wala na yung lalaking minahal ko.
nawala sa larong taguan sa dilim.
ngayong araw kung san ang ulap ay makulimlim
sinasabayan ang aking damdamin habang umiiyak at di magawang humalakhak.

kaya mahal bago ko tapusin ang tulang ginawa ko para sayo.
ma- IKAW
oo.
IKAW kase ako lang naman ang totoong nagmahal.
paalam sayo.
patawad kung di kita nahanap.
patawad kung naniwala ako sa mga sinabi mo.
patawad kung pinanindigan ko lahat ng iyong pangako.
patawad.
patawad.
pero ayokong nakikita mo kong umiiyak.
ayokong nakikita mo kong nasasaktan.
ayaw din kitang nakikitang lumuluha.
patawad  kung isa ako sa mga dahilan ng pag gulo ng mundo mong dati payak at ngayon ay komplikado.
patawad kung mas inuna mo pa kong intindihin sa mga bawat pag putak ng aking bibig kahit alam kong wala naman kwenta ang sinasabi ko.
at ngayon.
sa huling sandali na ito.
gusto kong pakinggan mo ko.
para masabi ko sayo na.



MALAYA KANA.

Spoken WordsWhere stories live. Discover now