College
Pagkatapos nang aking nakagugulantang na panaginip ay hindi na ako muling sinaniban ng antok. I checked my phone for the time and for the messages also. It's early 4 in the morning. Di na ako makakatulog so I checked the messages. Well, it's from my loving cousins. Whom will I expect nga naman diba? I checked all the messages that has been sent to me.Chanel:
Hey, Cass! Heard that you're already back from Paris. How's it going? Make sure you'll make kwento okay? See you around. :)Chance:
Cassy! I miss you. See you tomorrow at school. Good night and sleep well. :)Cannon:
Cassandra babes! What's up? We missed you and your fucking brothers so much. Bond tomorrow? Good night!Claire:
Cassy! You missed a lot of things. Make sure that you'll be on school tomorrow. We missed you all. :( :)Natigil ako sa pagbabasa dahil natawa ako sa mga messages nila. Halatang di pinagplanuhan ang pagtetext eh. Ang dami pang messages pero tinatamad na akong magbasa. Di na rin ako nag abalang magreply dahil kagabi pa naman ang mga messages na iyon kaya nagpasya na akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Patay ang lahat ng ilaw sa labas. Malamang ay tulog pa silang lahat. Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko at humiga ulit.
Second week na ng pasukan ngayon sa Blackwell Colleges pero para sakin at sa mga kuya ko na sina Caleb at Camper ay first day palang. Paano ba naman kasi, we attended Craig's graduation at Paris. Also we held there the opening of the new branch of our company that will be handled by Craig, which is my eldest brother. Yan ang dahilan kung bakit namiss namin ang first week namin sa school.
As I looked at the clock, 5:30 na. Grabe ang bilis ng oras pero no need to rush naman. 8am pa ang klase ko. Hays. Walang pagaalinlangan akong bumangon at dumeretso na agad sa banyo. Naligo na ako. Tinatamad na akong maghintay pa ng mahabang oras. Feeling ko kapag naligo na ako ay mas dadali pa ang oras. So after kong maligo, syempre nagbihis na ako at nag ayos. Nag blowdry lang ako ng hair. I really love my hair kasi it's medyo curly sa ends and medyo brown din kaya ang cute lang talaga. So ayun tapos na ako sa aking ritwal na pagaayos. First day ko ngayon kaya kinakabahan ako yet I'm excited. Namimiss ko na din yung mga pinsan kong AB-normal. Lumabas na ako ng kwarto ko at di ko inaasahan na may maririnig akong mga ingay.
"Shh. Don't be so noisy guys. Baka magising sila tito at tita." ani ng pinsan kong si Chance.
"What's with the noise?" ani Caleb na kakalabas lang ng kwarto at namumungay pa ang mga mata.
"Our cousins downstairs." I said.
"Whut the?" napataas siya ng kilay. "Okay, you go there at sabihan mo silang wag masyadong maingay. Baka maistorbo sila mommy." sabi ni Caleb.
Bumaba ako at biglang... "Cassandraaaa!" tili ni Camilla. "Camilla! Shut your mouth. 1 week lang kayong di nagkita. Wag OA." bulong ni Camille na kakambal niya. Pero imbis na manahimik, inirapan niya lang ito at muli nang nagtanong ng kung ano-anong bagay about sa nangyari sa Paris. "Check out Craig's IG and Facebook. It's all there." Sagot ko sakanya. Maya-maya pa ay narinig na namin ang sabay-sabay na pagbukas ng pintuan ng mga nasa taas. Lumabas sina Kuya Craig, Caleb at Camper doon na nakabihis na at nakaporma na ding tulad namin. Pagbaba nila ng hagdan, umalingawngaw na ang boses ng mga babae at lalaki naming pinsan. "Woah! The big three!" sigaw ni Connor. Nagtawanan silang lahat. Nagtaas ako ng kilay at inagaw ko ang atensyon nilang lahat. Excuse me? The big four kaya kami." sabi ko sabay tabi sa tatlo kong kuya. Tumawa ulit silang lahat at this time nakitawa na ako. "Kalimutan niyo na kasi lahat wag lang si Cassy." sabi ni Camper. (Pangatlo kong kapatid) Nagkulitan na kami at maya-maya pa ay narinig na namin ang pagbukas ng pinto ng kwarto nila mommy.
"Dad, nandito pala ang mga bata." ngiting sambit ni Mommy. "Good morning C Squad!" bati naman ni Daddy na napa tawa pa.
"Good morning po, Tito, Tita!" bati nilang lahat.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni mommy.
"Hay nako Tita! Nagmadali po si Cannon kaya hindi na kami nakapag breakfast." paliwanag ni Claire.
"Osya, tara na at sabay sabay na tayong kumain." aya ni Dad.
After years sa dining area, nakatapos na kami sa pagkain. Paalis na sana kami nang biglang magsalita si Daddy.
"C Squad, balik kayo later dito sa bahay after school okay? Dito dederecho ang parents niyo after work. May mahalaga tayong pag uusapan. At isa pa, pag wala kayo mamaya di niyo matatanggap gifts niyo galing kay Craig." sabay halakhak ni Dad.
Hindi maalis sa mukha ng mga pinsan ko ang malaking ngisi sa mga mukha nila."YES!!!! Thank you, Craig!" sigaw ni Cannon.
"Okay po, Tito." ngising sabi ni Chanel.
"Osya, malelate na kayo. You go ahead na." sabi ni Dad at lahat na sila ay bumeso sakanya. Syempre ako, kiss. Well.
Carpool kami ngayon kaya walang kapayapaan sa loob ng van. Si Craig ang nagdadrive at katabi niya sa front seat si Caleb. Ako at ang mga pinsan kong babae na sina Chanel, Claire at Coreen ang magkakatabi sa harap. Sa likod namin ay sina Chance, Cannon, Camper at Calyx. Sa likod nila ay sila Carson, Camille, Camilla at Crane. Di kami kumpleto dahil nasa school na ang iba naming pinsan. At dahil sa ingay, di ko namalayan na tumigil na pala ang sasakyan sa tapat ng isang prestihiyosong gusali. "We're here guys." Sabi ni Craig at siya namang sabay ng pagbukas ni Coreen sa pinto ng van. Pagbaba ko ay sumunod na kaagad ako sa mga pinsan ko papuntang front door. Pagkatulak ko sa pintuan, bigla akong kinabahan. Omygad! This is it! College na talaga ako.