Chapter 1

8 0 0
                                    

                    

Chapter 1

"Take care,babe! I love you."  sabi ng boyfriend ko. 

Pauwi na ang boyfriend ko habang ako may bibilhin pa. Palakad-lakad ako sa mall, at tinitignan ang bawat store na makikita ko. Nabighani ako sa mga damit na binebenta nila. Pero sadly, nagbubudget ako. Hahaha. 

"Aray ko!" sinabi nung nabunggo ko. 

"Hala! Sorry po!" sabi ko sakanya. Dahil inaamin ko, kasalanan ko yun dahil hindi ko ako nag ingat. Nangangarap kasi habang naglalakad eh. Ayan tuloy, may nabunggo. 

"Ano ba! Hindi mo man lang tinitignan yung dinadaanan mo!" Sabi niya habang nakahawak sa noo niya. Sa tingin ko, yan yung natamaan ko kanina. 

"Sorry naman kasi. Pogi sana. Masungit naman." bulong ko. 

"ANO SINABI MO?!" sigaw niya.

"Bro, chill. Init ng ulo natin ah. Sorry na kasi. Artlett Jacey pala. Wag ka ng sumigaw please." sabi ko sakanya ng mahina. Eh kasi naman, pinapanuod na kami ng mga tao dito sa mall. 

Pagkatapos non, hinila niya ako palayo sa mga tao. "Naku, lagot ako sa boyfriend ko nito, pag may nagsumbong sakanya." Sinabi ko sa sarili ko. Wait- ano?! Di ko naman to kilala ah. Ba't ako sasama sa kanya?! Tsaka, ba't ba kasi niya ako hinihila?! 

"Teka nga muna! Sino ka ba? Nagkabunggo lang tayo at ngayon hinila mo ko sa kung saan mo may plano akong dalhin!" Sumbat ko sakanya. Kasi naman. Paligoy-ligoy tong tao 'to. Di nga nakuhang magpakilala e. 

"Ako si Stanley Torres." sagot niya.

"Wala akong pake! Saan mo ba kasi ako dadalhin?! Ha? May plano kang masama sakin ano?! Sorry na kasi! Simpleng pagkabunggo lang natin may gagawin ka na sakin!" sigaw ko.

"Woah there miss, slow down. Hinila kita palayo kasi pinapanuod na tayo ng mga tao doon. Gusto mo yatang pagpiyestahan tayo doon e!" sagot niya pero dahan-dahan ng tumataas ang boses niya.

"Mag usap nga tayo ng matino." tsaka hinila ko siya papunta sa paborito kong cafe.  Nag order kami ng drinks tsaka nag usap-usap.Tsaka ngumiti siya sakin.

"oh ba't ka ganyan?" tanong ko.

"wala lang. Simpleng pagkabunggo lang natin, pero para na tayong aso't pusa kung mag away. Daig pa ang magkakakilala ng 10 taon. Hahaha" tawa niya.

"Ewan ko sayo. Uuwi na siguro ako maya't maya pagkatapos kong bilhin ang gagamitin ko para sa project ko." Sabay ng pagkasabi ko non, tumayo na ako. 

"Uyyyy, kita tayo minsan ah?" sabi nya tas ang laki ng ngiti niya.

"Baliw na nga. May pagkamaniyakis pa." Bulong ko. "Oo na, sige na may bibilhin pa ako."

Habang naglalakad ako patungong National Bookstore. Pakiramdam ko may sumusunod sakin. Pero binaliwala ko nalang. Ang daming tao ngayon sa National bookstore ah. 

Kinompleto ko ng ang mga materials ko tsaka pumunta sa cashier. May iba talaga akong nararamdaman ngayon. Sa palagay ko may nakasunod sakin. Tinitignan ko naman ang paligid ko pero wala naman.

AlmostWhere stories live. Discover now