AJ's POV
Sa wakas, nasa bahay na ako. At nakatakas na ako sa unggoy hahaha. Kairita yung unggoy na yun feeling gwapo. Makapunta nga sa kusina, Na-aamoy ko yung paborito kong fried chicken. YES! Hahaha.
"Mommy, andito na ako!" sabay halik sa pisngi ng nanay ko.
"Nak, kamusta lakad niyo ni Cash?" tanong niya.
Nagsimula na akong magkwento kay nanay kahit natatawa siya sa pangyayari. Inis na inis pa rin talaga ako sa unggoy na yun. Pero napaisip ako, bakit kaya bumilis yung tibok ng puso ko nung nag eye contact kami? Naku. Ayaw ko nito. Baka magalit si Cash.
"Babe, nakauwi kana? Text ka pag nakarating ka na. I love you! -Cash"
Hala. Nakalimutan ko magtext. Jusko baka kanina pa to naghihintay. Ayan kasi Artlett eh. Puro kalandian na naman iniisip mo.
"Nasa bahay na ako babe. I love you too."
Bakit ako nagui-guilty? Okay. Artlett focus kay Cash. Kalimutan mo na nung nangyari kanina. Wala yun. Unggoy yun. Masungit na unggoy hahaha. Pero seryoso kasi, Artlett. Tumigil ka na sa kaharotan mo. Okay tigil ko na rin to. Kinakausap ko na sarili ko. Baka mapagkamalan pa akong baliw.
"Hi tita!" may bumati sa nanay ko. "ARTLETTTTTT JACEYYYY! Lumabas ka. Hahahaha" at yun na nga nakilala ko na yung boses na yun. Si Amarah talaga to. In 3-2-1---
"Hoy girl! Ano na! Labas naman tato bukas oh" And sakto talaga ako haha. Laki ng bunganga netong babae na to. Bat ko kaya to naging bestfriend?
"Oh? Saan naman tayo pupunta?" tanong ko. "sa park nalang, mag hu-hunting ako ng mga gwapo. Hahaha"
"as if naman kung papatol sila sayo." "Aray ko ba. Bakit kaya kita naging bestfriend? Sakit mo magsalita ah. Tagos na tagos!"
YOU ARE READING
Almost
Teen FictionHer life was almost perfect. Almost. Until something broke her life. And all she needed was the person who loved her the most.