V : Mi Mente

427 31 8
                                    


My Mind

Someones POV

"Tuloy ka lang bukas naman yang pinto." Magiliw na sabi ng tao sa loob ng silid.

Marahan kong pinihit ang knob ng pinto, totoo nga't bukas ito. Dahan dahan ko itong binuksan at bahagyang sumilip kung may tao sa loob nito.

Eeeekkk! Pinilit kong wag lumikha ng ingay ngunit tila bigo ako.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at hindi na nagabala pang isara ang pinto.

Muli ay narinig ko itong nagsalita. Ang boses niyang nakakairitang pakinggan. Bakit pa ba kasi siya salita ng salita kung papatayin ko na rin naman siya.

Nagtago ako sa loob ng isang aparador. Ang pinto nito ay gawa sa salamin kayat nakikita ko parin ang mga bagay sa labas.

Muli siyang sumigaw mula sa kusina na waring nakikipagusap. Pero nanatili lang akong tahimik at naghihintay ng tamang tsempo.

Kung tutuosin kitang kita ako ng sino mang tao sa labas ng aparador. Ngunit sa labis yata na kamangmangan ng babaeng ito ay hindi niya manlang ako napansin.

Minamasdan ko siya habang dahan dahang dumudungaw sa sala. Nang makita niyang walang tao at bukas ang pinto ay agad siyang nagtungo paroon.

Mabilis niya itong isinara, at minabuting naka locked ang mga kandado. Sinamantala ko naman ito at mabilis na lumabas ng aparador. Mabilis akong pumwesto sa kanyang likuran habang hawak ang malaking flower vase. At nang makalingon na siya paharap ay mabilis ko siyang pinalo sa ulo.

Mabilis ang mga naging pangyayari. Agad na bumagsak ang katawan niya sa sahig at nagkalat ang mga dugo mula ulo.

"Ang dali mo namang patayin. Di ka manlang nakalaban."

Sobrang saya ko ng makitang nangingisay pa ito habang nakadilat. Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat na halos nakangiwi siya ng mga oras na yon.

"Mamatay ka na!" Sigaw ko habang malakas siyang pinagpapalo sa ulo. Hindi ako tumigil hangang sa mabasag ang maliit niyang bungo.

Halos wala na akong makita dahil sa mga dugong nakabalot sa aking mukha. "Aahhh, pinaliguan mo ko duon ah?"

Nang makita kong hindi na to gumagalaw ay dahan dahan ko siyang hinila papunta sa kusina. Naamoy ko ang pagkaing nakasalang at may bagay na pumasok sa aking isipan.

"Magluluto ako."

Itutuloy...

A/N: A very short update but a very important part. Enjoy.

READ, VOTE, & COMMENT.

TAKASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon