XI : Almas Envidiosas

290 21 1
                                    


Envy Souls

Brianna's POV

Tagaktak ang pawis ko habang nagmamadaling iimpake ang mga gamit ko. Walang dapat na makaalam ng mga ginawa ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto. Kung saan nailalabas ko ang lahat ng galit at sama ng loob. Mga hinanakit na matagal ng nakakubli sa aking kalooban. Ito ang impyerno kung saan nakatago ang lahat ng poot at galit ko.

"Aalis ka?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran.

Ang mas ikinagulat ko ay ng makita ang babaeng nakatayo malapit sa may pintuan na siyang pinangalingan ng boses.

"Ikaw?" Gulat kong saad.

Gaya ng dati, simple at mukang inosente pa din ang dating nito. Na siyang mapanlinlang sa mata ng lahat ng tao. Dahil ang totoo ay isang masamang halimaw ang nakatago sa likod ng maamong tupa na nasa harapan ko ngayon.

"Mukang nagulat yata kita, wag kang magalala di naman kita sasaktan." Saad niya na halos walang pagbabanta.

Tumalikod muna ito saka isinara ang pinto ng aking silid. Isang malaking gunting naman ang napansin ko sa may kanang bahagi ng kama.

"A...anong, ginagawa mo dito?" Nagsimula na akong kabahan.

Nakatalikod pa din ito habang unti-unting sinasara ang pinto ng aking silid. Kaya dali kong kinuha ang malaking gunting at mabilis na itinago sa aking likuran. Habang sinisiguro niyang nakasara lahat ng kandado ng aking pintuan.

"Ako ba? o ikaw ba dapat ang tanungin ko?" Dama ko na ang panganib sa kanyang tono.

Tumingin siya derekta sa aking mga mata, animo'y hinuhuli ako sa isang bagay.

Bahagya akong napaatras nang lumapit siya. Napalunok ako at hindi alam ang tamang gagawin. Hindi ko hawak ang sitwasyon, lalo't mukang may alam na siya sa mga bagay na itinatago ko.

Yumoko na lamang ako at napangisi. "Ano pa nga ba ang magagawa ko, eh mukang wala na naman akong maiitatago?" Saad ko na waring isang bata na nakikipagusap sa kanyang kalaro.

Pag angat ko ng tingin sa kanya ay mabilis ko siyang inatake ng gunting na hawak ko. Pero mukang alam na niya ang plano ko kanina pa. Pagkat agad siyang nakaiwas. Pero hindi ako tumigil hangat hindi ko siya nadadali.

Hindi ko namalayan na naitarak ko na pala ang gunting sa kaliwang bahagi ng kanyang braso. Isang malakas na sigaw naman ang umalingawngaw sa silid. Marahil sa labis na sakit na naramdaman niya.

Pagkakataon ko na iyon para makalabas ng kwarto, ngunit sa kasamaang palad ay nahirapan ako sa pagtanggal ng mga kandado. Isa na lamang ang hindi ko pa natatangal ng bigalang.

Aaahhhhh!!! Sigaw ko ng maramdaman ang pagtarak ng gunting sa aking laman.

Bumagsak ako sa sahig, dala ng labis na sakit. Nakita ko ang gunting sa aking binti. Hindi ko ito maigalaw. May ilang mga luha na ang namumuo sa aking mata ng mga oras na'to.

"Tatakas ka?" Tanong niya ng nakakaloko.

Natatakot na ko sa mga pwedeng mangyari sa akin.

"Tama na!" Pagmamakaawa ko.

"Hindi! Diba sabi ko naman sayo hindi kita sasaktan?" Saad niya na para bang sangol ang kausap.

Habang hawak niya ang brasong dumudugo ay dahan dahan siyang lumapit sa akin. Sinubukan ko namang gumapang palabas ng kwarto nagbakasakaling makakatakas pa ako sa ganitong sitwasyon.

"Baliw ka na!" Sigaw ko sa kanya.

"Baliw? Teka, sino ba sa atin ang pumatay kay Clarissa?" Para na talaga siyang nawala sa sarili. Habang nagsasalita.

"Hindi ba ikaw? Kaya ikaw ang baliw." Dugtong pa niya.

"Hindi ko siya pinatay!" Depensa ko.

"Anong hindi? Hindi ba't ikaw ang huling nakasama niya bago ang mga nangyari. Kaya't ikaw lang ang pumatay sa kanya."

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumigaw. Nagbabakasakali na meron pang sasaklolo sakin. Nang biglang may grupo ng mga armadong lalake ang mabilis sumulpot. Agad nila akong binitbit.

"Tulungan nyu po ako." Saad ko sa kanila.

Pero nabaliktad ang sitwasyon. Dahil ang tulong na inaakala ko ay siya palang magdadala sakin sa masalimuot kong katapusan.

"Bitbitin nyo na yang baliw na mamatay tao na yan."

"Yes ma'am. Nasa labas na po ang medic natin para gamutin kayo." Rinig kong paguusap nila. Bago ako makaramdam ng pagkahilo.

Habang unti unting lumalabo ang lahat ay nakita kong muli ang nakakaloko niyang mga ngiti. Habang hawak ang isang bote na animoy lalagyan ng lason. Duon ay tuluyan na kong nawala sa sarili.

Itutuloy...

A/N: I will finish making this story no matter what. Enjoy.

READ, VOTE, & COMMENT.

TAKASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon