IMSTAR19 & KIMchi

2.2K 72 55
                                    

GENERAL POV

Friday evening at kakatapos lang maghalfbath ni Kim. Pagod sya dahil may pasok sya kanina. 3rd year college na si Kim at kasalukuyang busy sya dahil sa madaming paper works, isabay mo pa ang nalalapit na major examination ng school nila.

Oo nga pala, si Kim ay isang butch. Lalaki kung manamit, maski buhok nya panglalaki na din dahil maiksi. HRM and course nya, di mayaman si Kim pero sapat naman para makapag-aral sya sa private school..

So ayon na nga, balikan natin sya. Anong oras na din nakauwi si Kim dahil sa inabot sya at ang kapartner nya sa thesis ng 6:30 sa library. 4:30 ang talagang uwian nya ng Friday ang kaso, kailangan na nilang makumpleto ang isang chapter ng thesis nila para masimulan na ang pagt’type.

Ilang araw na din syang puyat dahil sa inaabot sya ng 3 ng madaling araw sa tapat ng laptop nya para lang matapos ung sa feasibility nila. Tapos kinabukasan ang pasok nya umaga. Sinong di mapapagod nun???

Sanay naman si Kim sa puyatan, sabi nya nga… KAPE LANG ANG KATAPAT NYAN…

“Be Kim, matutulog na ko. Ung pinto pag dumating mga kuya mo sabihin mo isara a.” sabi ng nanay ni Kim

“Ok..” sabi ni Kim habang nakatapat sya sa laptop nya..

Yan ang buhay nya.. LAPTOP. Kahit isang araw syang nakaupo lang at nakatapat sa laptop ok lang sa kanya. De joke! Hahaha! Ginagawa nya kasi ung thesis so no choice sya kahit pagustong gusto na nga katawan nyang humiga di pwede, pinipigilan nya sarili nyang matempt sa kama nya since nasa likod nya lang ito…

“A!! TANGINA!! ANG SAKIT NA NG LIKOD KO!” angal ni Kim sabay kutkot sa mata nya na pabagsak na

“Pucha! KAilangan ko na ng kape.” Sabi nya at bumaba sya para magtimpla ng kape nya…

Anong oras na naman syang natapos…

2:00AM

“SA WAKAS!!” sabi ni Kim at ayon pinatay na nya ung ilaw sa kwarto nya at nahiga na…

Gusto nan yang matulog dahil 6 ng umaga gigising na naman sya para magready papasok ng school.. ANG PROBLEMA…

“AISH!!! DI AKO MAKATULOG!!” umepekto na ang kape..

-_____________-

Goodluck fre.. HAHAHAHA!

At dahil sa di sya makatulog kahit anong pikit nya…

Kinuha na lang nya ang cellphone nya at naisip na maglaro…

May nagwechat naman sa kanya…

Ung kaibigan nyang si Nicole.

TINING! (kunwari tunog ng notif ng we chat. HAHA!)

Tol gising ka pa???- NICOLE

We chat sa kanya ni Nicole…

Oo tol. Bakit???

Hindi tibo si Nicole, sadyang tol lang tawagan nila…

Anong gagawin kay bigsot bukas???

Si bigsot e ung prof nila kinabukasan… Medyo badass e, walang ma’am ma’am sa kanila.. Surname lang. HAHAHA!

Abay malay ko dun. Basta sigurado akong walang laboratory kasi di naman sya nagsabi tsaka di pa natin alam kung anong lulutuin.

Sabi ni Kim..

A….. ok. Cge, matutulog na ko. Inaantok na ko..

Sabi ni Nicole hanggang sa nagkagoodnightan na sila..

WE CHAT, WE SHAKE (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon