Dapat hindi kita ginawang mundo ko.

2 0 0
                                    

Minsan sinubukan kong lumayo.
Iisipin kong baka hanapin mo ako.
Bumilang isa hanggang tatlo.
Bakit hindi mo pa rin ako sinusuyo.

Nagtatatanong ang aking isipan.
Tama ba tong inisip ko?
Bakit ko ginawa to.

Doon namulat ang mundo ko
Doon ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko.
Kung hindi ko sana naisipang gawin ang pagpapakalayo ko sayo edi sana nandito ka sa tabi ko.
Edi sana nagtatalo lang tayo na hindi humantong sa puntong totoong iiwan mo na ako.

Pagtapos ng tatlong araw nainip ako sa pag'asang baka ako'y suyuin mo.
Pagbalik ko ng tatlong araw, kasabay rin pala ng pagiisip isip ko kung maalala mo ako kung paano mo ko kalimutang totoo.

Pagbalik ko pagdating ng pangatlong araw parang hindi na ako ang kilala mo.
Parang hindi na ikaw ang dating minahal ko.
Iyo pa bang naaalala na sinabi mong ikaw ang siyang dapat ang mundo ko.
Kaya't agad na sinunod ko.

Dapat pala hindi.

Dapat pala nasa sarili ko lang ang mundo ko para kung gumuho man ang iyo ay hindi ako apektado.
Dapat pala hindi kita ginawang mundo ko na, kahit lumayo ka man sa ibang planeta ay wala akong pake sayo.

Ngunit sabi mo.

Ang mundo'y mo'y dat mundo ko rin.
Upang isa lang ang ating gagalawan.
Upang hindi na tayo magkakahiwalay kailanman.
Upang patunayang wala tayong pake sa iba basta tayong dalawa lang.

Ngunit umalis ka.
Nangalahati ang siyang mundo ko. kaya't pilit kong hinahanap ang kabiyak ng aking mundo.
Pinilit kong buoin ang aking mundo. dahil nakita kitang may iba nang bumubuo sa iyong mundo simula ng umalis ka saaking mundong ginagalawan.

Ang ika mo'y ako lang..
Naghanap ka ng iba kahit alam mong may tao pa sayong nakalaan .
Naghanap ka ng iba at sino na ako sayo.
Kung paano mo nakalimutang may ugnayan pa pala tayo.

Ang bilis mong tinapos.

Pagalis ko akala ko'y hahabulin mo ako
Ngunit pagbalik ko wala na pala akong babalikan at puwang sa puso mo.

At dahil dito.
Diyan tayo nagtapos.
Walang pero pero
Walang usap usap tapos.

Dito.
Dito nawasak ang aking mundo.
Ang mundo natin noong merong tayo.

Ang tulang para sayo😔Where stories live. Discover now