Chapter 3

57K 1.8K 135
                                    


Heira's POV

"Nay! Hindi po pwede! No way!" Paulit-ulit ang pag-iling ko kay Nanay habang pinipilit niya akong mapapayag sa gusto niyang mangyari. Hinawakan pa ni Nanay ang braso ko at nagsusumamo siya sakin.

"Psh! Nay! Alam nyo ba ang hinihingi nyo saking pabor? Mag-aaway lang po kami ni John Ace nyan eh."

Sinalubong ni Nanay ang tingin ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagsusumamo sakin. Kaya naman mas lalo akong mahirapang magdesisyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagpalakad-lakad ako habang ang mga kamay ko ay nakahawak sa balakang ko. Nahihirapan na kasi akong maglakad dahil malaki na ang tyan ko.

"Heira.."

Bumuntong-hininga ako tapos tumingin kay Nanay. "Kakausapin ko muna si John Ace Nay. Ayoko talagang pag-awayan namin yon."

Bagsak ang balikat ni Nanay ng sabihin ko yon. Nakiusap kasi si Khyzzer Ace kay Nanay na kung pwede pilitin akong dumadalaw sa bahay nila kasama naman daw siya at si Hairu. Gusto ko sanang pagbigyan si Nanay para magkaroon sila ng pagkakataong makapagbonding ng Bestfriend ni Nanay na nag-ampon kay Khyzzer Ace. Ayoko lang talagang magalit si John Ace

"Bakit kasi kailangang ipaalam mo ang lahat ng ginagawa mo sa asawa mo na si Frodie?"

Sabay pa kaming napalingon ni Nanay si Khyzzer Ace kasama si Hairu.

"Nay, pinapasok ko na po kasi hinahanap po kayo. Kanina pa siya nasa labas." Tinapunan pa ako ng tingin ni Hairu.

Nagmano siya kay Nanay. "Nay! May dala po akong pagkain meryenda po." Itinaas pa nito ang box ng Yema cake na hawak niya.

"Salamat Khyzzer mukhang masarap yan ah." Sagot pa ni Nanay.

"Bakit po hindi natin tikman Nay para malaman natin."

"Mabuti pa nga kung gano'n Khyzzer." Tapos tumayo si Nanay upang magtungo sa kusina. Iniwan nila akong dalawa na mag-isa sa Sala. Noon pa naman kasi close na close si Nanay at Khyzzer Ace. Madalas siyang nasa bahay noon minsan pa nga tumutulong si Khyzzer Ace pamimili ng paninda. Palagi din siyang nasa tindahan kasama kong magbantay kaya nahulog ang loob ko sa kanya. Bigla nga lang nagbago ang nararamdaman ko ng mainlove ako sa isang John Ace Santiago
Lahat ng nararamdaman ko para sa kanya noon naglaho. Ngayon kaibigan na lang ang turing ko sa kanya.

"Ang sarap ng Yema cake. Saan mo binili to Khyzzer?"

Nagkandahaba-haba ang leeg ko para lang silipin sila at baka sakaling maalala nila ako. Maambunan ng kahit konting yema cake. Ngunit talagang Ang madhid nila hindi man lang ako naalala.

"Si Nanay talaga basta pagkain nakakalimutan na ako!"

Sa inis ko nanood na lang ako ng Tv kesa mainggit sa kanila.

"Oh! Baka sumakit pa ang tyan mo. Kumain ka. Pinagtimpla pa kita ng Juice."

"Salamat Khyzzer." Sabi ko ngunit hindi ko naman yon tinikman. Naalala ko kasi ang sabi ni Dark. Wag daw akong kakain ng bigay ni Khyzzer may gayuma daw yon at gamot nakakapalaglag ng bata.

Umupo siya sa tapat ng kinauupuan ko at nakatingin sakin. Napansin nya siguro na hindi ko ginagalaw ang dala niyang pagkain.

"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain na yan?"

"Eh.. Baka kasi may gayuma."

Humalakhak siya na kinainis ko.
"May nakakatawa ba?"

"Hindi ka parin nagbabago Irish. Komedyante ka parin."

"Wag mo nga akong tinatawag na Irish!"

Lumapit siya sakin at tinitigan niya ako. Yumuko naman ako. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya hindi ko siyang kayang titigan. "Namiss kita Irish."

KING OF CASANOVA BOOK 2 ( MANEBKC BOOK 3.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon