Chapter 5

52.7K 1.8K 322
                                    

Heira's POV;

Namimilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko si Dark. Dahan-dahan kasi niyang hinubad ang suot niyang T'shirt. "Shit! Bakit ba hanggang ngayon hindi parin masanay ang mga mata ko sa Hot niyang katawan. Parang akala mo ngayon ko lang ito nakita. Samantalang ilang beses ng dumampi ang kamay ko sa matiponong dibdib niya.

"Ate Heira!"

"Hey Ate!

"Oh? Bakit John Axle?" Tanong ko ng hindi ko ito sinulyapan.

"Ate, bakit nakanganga ka?"

Halos mapalundag ako sa pagkagulat ko kay John Axle. Bigla ba namang humarang sa magandang view na nakita ko. Haist! Sayang!

"Ano ba ang kailangan mo?"

"Wala naman po Ate Heira. Nagtataka lang kasi ako sayo. Nakatulala ka tapos nakanganga? Si Kuya John Ace ba ang tinitiningnan mo?"

"Bingo! Alam mo naman pala humaharang ka pa sa magandang view!"

"May iniisip lang ako masarap na pagkain nagkataon lang na nakatuon ang tingin ko kay John Ace."

"Ganoon ba ate." Umupo siya sa tabi ko at inumpisang kainin ang hawak nitong Ice cream.

"Penge naman ako Axle." Bigla kasi akong natakam sa kinakain niya.

"Sabi ni kuya wag daw kitang bigyan ng pagkain ngayon."

Sumimangot ako kay Axle. Simula ng pinagbawalan ako ng O.b gyne ko na magdiet sa pagkain. Tinitipid na ako ni Dark na kumain. Nakakainis kasi nagugutom ako. Ang daming bawal unang-una ang malalamig na pagkain. "Hindi naman malalaman ng kuya mo na bibigyan mo ako. Sige na Axle kawawa si Baby sa loob ng tummy ko gustong kumain ng Ice cream.

Salubong ang kilay niya ng tumungin sakin. "Wala pa naman yan ngipin si Baby sa tummy mo ate Heira niloloko mo lang ako."

"Ay ganon ba? Haha! Ang talino mo talaga bunso. Hindi kita maloko manang-mana ka sa Kuya mo." Sinadya ko pang hinaan ang huling sinabi ko.

"Kumain ka na lang ng apple ate masustansya yan." Ngumiti pa siya sakin. "Hmmm.. Ang sarap talaga ng ice cream."

Napalunok tuloy ako habang pinagmamasdan ko si Axle na kumakain ng Ice cream bigla akong natatakam. Nakaramdam tuloy ako ng pagkirot ng t'yan ko. Napahawak tuloy ak sa t'yan ko. "John axle.. Ang t'yan koo!! Aarayy!!"

"Ate anong nangyayari sayo?" Lumapit pa siya sakin.

"Ang kuya mo! Tawagin mo please!"

Nagmadali namang tumakbo si Axle papunta sa kuya niya. "Kuya! Kuya! Si Ate Heira sumasakit ang t'yan!" Narinig kong sigaw ni John Axle. Agad na umahon sa swimming pool si Dark gayon din si Shawn at tumakbo palapit sakin. Hinawakan ako ni John Ace. "Namumutla ka Asawa ko." Sabi pa niya.

"D-dalhin mo ako sa Hospital manganganak na yata akoo!"

Tumango sakin si John Ace at kinarga niya ako papunta sa kotse. Hindi na nagawang magbihis ni John Ace sa sobramg taranta niya.

"Saan kayo pupunta Son?" Tanong ni Papa Frits. Kararating lang nilang dalawa ni Mama Ally.

"Manganganak na po yata si Heira."

"Ano? Teka! Ipasok mo siya sa kotse! " Tarantang sabi ni Papa Frits.

Agad naman akong ipinasok ni John Ace sa kotse. "John Ace! Magbihis ka kami na ng Daddy mo ang magdadala sa hospital sa asawa mo." Sabi ni Mama Ally.

"Pero Mom? Kailangan po ako ng asawa ko."

"Tingnan mo ang itsura mo? Maligo kana at sumunod ka na lang sa hospital. Wag mong kalimutang dalhin ang gamit ng baby mo."

KING OF CASANOVA BOOK 2 ( MANEBKC BOOK 3.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon