Malabong Maging Kami.

104 4 0
                                    

Hi guys first story ko to. sana magustuhan niyo. para  to sa lahat ng nagmamahal, nagmahal at iniwan. ipupublish ko na sa wakas! 3 months nakatago sa drafts hahaha.

Pa vote naman. I need 40 votes try lang bago ko ituloy sa next chapter :)

*MajandaKo*

------------------------------------------

Kriiiing Kriiing Kriiing Kriiing*

"Ano ba yan?! Sino ba naman tatawag sakin ng ganito kaaga?"

fishsteak naman oh! inaantok pa kaya ako. nagtalukbong ako at dinaganan ng unan ang tenga ko.

*Kriiing Kriiing Kriiing Kriiing*

Ang Kulit! Sino naman kayang nilalang to? Sagutin ko na nga at baka emergency pa.

"Mm. H-hello Sin--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko e may biglang sumigaw sa kabilang linya.

"HOY KUYA ROBBY! Gising na aba! Late ka nanaman! Midterm exam kaya ngayon? Nakalimutan mo nanaman no? HAYNAKU! Magasikaso ka na at bilisan mo na pagpunta dito! Osige na! Bilisan mo na kilos mo ha! Loveyou Kuya ! Ba-bye.

"JAQ--"

*Tooot Tooot Tooot Tooot"

For the nth time binabaan nanaman niya ako. Teka anong oras na ba? Lumingon ako sa side table para tignan ang oras.

"Naku! 7:48 na pala! malapit na mag first subject!!!" Nagdali-dali na akong tumayo para maligo at mag asikaso. Lagi akong ganito nagmamadali kumilos, As usual late ako laging nagigising.

Teka, ako nga pala si Robby, Robby Hernandez, 18 years old. Ang nag iisang Mr. Pogi sa lugar namin. Isa akong Singer sa banyo, Dancer sa salamin sa kwarto ko, medyo artistahin pero di madisco-discover. Meron akong sikreto, satin-satin lang to ha! NGSB kasi ako, as in No Girlfriend Since Birth! Hindi ako torpeng lalaki, madami nang dumaan, nadaanana, pero lahat sila nilagpasan ko lang, ewan ko b? hinihintay ko lang siguro si Ms. Right, di ka makapaniwala no? Sa panahon ngayon bihira ka nalang makatagpo ng tulad ko. Mas excited pa nga sakin ang kapatid iko na magka GF ako.

Kapatid? Ah oo may kapatid ako! Si Jaqui. Yung tumawag kani-kanina lang? Actually, kambal kame, nauna lang ako ng 8 minutes sa kanya. Astig no? mas matanda ako pero kung makaasta siya saken parang nanay ko siya.

Speaking of nanay, nasa states si mommy kelangan niya magtrabaho para samin ni Jaq, lalo't ulila na kami sa ama, 6 years ago nung namatay si Daddy. Kaya nag decide si mommy na bumalik ulit ng states para mapag aral kami ni Jaq sa College. Oh no! Speaking of School? Male-late na nga pala ako! Kaylangan ko na magmadali.

Malabong Maging Kami.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon