It hurts (One-Shot)

116 3 0
                                    

"Bakit nga ba di pwede? Dahil may mahal siyang iba? Pwede ba ako na lang? Kasi ako mahal na mahal kita higit pa sa kayang ibigay niya sayo"

XXXXXXXXXX

"Kathy mahal na mahal kita"

"Di nga tayo pwede Christian mag pinsan tayo!! Di ba kaya nga kita binasted dahil third cousins tayo?! Saka may boyfriend na ako"

"Alam ko!! Pero dapat sinabi mo pa yan sakin noon pa hindi ngayon na kung kailan mahal kita saka mo sakin yan isusumbat!!"

"Please Christian mag move on ka na kahit kailan di pwedeng maging tayo" sabay hawak sa kamay ni christian. Kitang kita ko na pumapatak na ang mga luha nila. Ganyan naman sila araw araw. Ganyan palagi si Christian. Nagmamakaawa na sana sila nalang. Baket di pwedeng kami na lang? Mahal ko siya. Matagal na at dinudurog ang puso ko pag nakikita ko siyang nagkakaganyan.

----------

"Christian umiyak ka nanaman dahil sa kanya no? Tama na nga yan para kang bakla diyan" Biro ko sa kanya sabay hampas sa kanya. Pero imbis na tumawa siya kitang kita ko sa kanya na nasasaktan siya.

"Uyy sorry na wag ka nang umiyak dyan. Nandito naman ako" sabi ko sa kanya. Sabay akbay sa kanya. Parang iiyak nanaman ehh.

"Salamat Angel. Salamat nandiyan ka" sabi niya sabay yakap sakin. Yinakap ko rin siya. Alam ko kailangan niya nun.

"Sus okay na yun. Ngiti naman diyan" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng pilit. Bakit ba kasi di pwedeng ako na lang? Ganun niya ba kamahal si Kathy?

Araw-araw ganun sila. Minsan nakakasawa. Kakausapin ni Christian si Kathy at hihilahin niya ito sa likod nang school at dun magmamakaawa. Di niya ba maiintindihan na di pwede? Magpinsan sila. Lagi kasi niyang tinitingnan si Kathy hindi niya man alang ako matingnan, ang babaeng nagmamahal sa kanyang ng totoo.

Mag be-bestfriend kaming tatlo. Ako si Kathy at si Christian. Sa panahong yun di pa namin alam na magpinsan si Kathy at Christian. Bata pa lang kami magkakakilala na kami. Close kami as in sa hindi kami mapaghiwalay. May kaunting paghanga na ako noon kay Christian. Lagi niya kami prinoprotektahan. Yun siguro ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

"Kathy, christian laro tayo ng bahay bahayan" yaya ko sa kanila.

"O sige ba, ako ang tatay si kathy ang nanay at ikaw ang anak namin" suhestiyon ni Christian.

"Ehh. Ako naman yung nanay parati na lang si Kathy ehh." Sabi ko sa kanila. totoo naman pag naglalaro kami parati na lang si Kethy. Mas matangkad pa nga ako sa kanya tapos ako ang anak. Napaka-unfair.

“Gusto ko siya ang asawa ko” sabi ni Christian sabay hawak sa kamay ni Kathy. Si Kathy naman namula. Tss. Bakit ba hidi pwede an ako na lang? Simula pa nang mga bata kami palagi nilang pinaparamdam sakin na ako ang pangalawa. Mas maganda siya, maganda lang ako. Mas mabait siya, mabait lang ako. Mas maputi siya, maputi lang ako. Mas matalino siya, matalino lang ako at ang pinakamasakit sa lahatmahal siya ni Christian, kaibigan lang ako.

Hanggang sa high school na kami. Mas lalo ko nakita ang pagmamahal ni Christian sa kanya. Hindi pa din nila alam na magpinsan sila. Hanggang sa isang araw nalaman ko na nanliligaw na si Christian sa kanya. Parang pinapatay na ako nun. First love ehh.

“Uyy angel sasagutin ko na si Christian sa tingin mo matutuwa siya?” tanong ni Kathy.

“H—ah? O—o naman panigurado baka magpaparty yun sa sobrang saya” sabi ko. Tss. Labas sa ilong yun. Gusto ko ngang sabihin na wag na lang pero baka ako pa ang magmukhang masama

“Talaga?”

“Oo naman” at ngumiti ako. Isang pekeng ngiti.

Pagkatapos ng pag uusap naming na  yun napagpasiyahan kong lumayo sa kanila. Mahihirapan akong makamove-on nun. Bawat panahon na Masaya sila ay panahon ng pagluluksa ko. Pero may di inaasahang mangyari

“Ano?! Magpinsan kayo?!” gulat kong tanong. Pano ba kasi pumunta sa amin si Kathy at kinuwento niya sa akin na third cousins daw sila. Nalaman niya lang daw kahapon sa  lola niya tinanong nya daw kasi kung kilala niyasi Christian tapos sabi naman ng lola “Oo naman db third cousins kayo?” at dn na nga gumuho ang mundo niya.

“Oo. Ang sakit lang. Bakit kami pa?! “ Sabi niya habang umiiyak. Niyakap ko na lang siya. Kahit kaagaw ko siya, di ko maitatago nanaging mabuti siyang kaibigan.

“Anong gagawin mo? Db pwede naman kahit third cousins kayo?” tanong ko. Pagkakaalam ko kasi pwede pa yun ehh.

“Ayoko. Saka hindi siya gusting pamilya ko”

Doon lahat nagsimula. Ang paghahabol ni Christian kay Kathy at ang patuloy pagmamahal ko para kay Christian. Simula kasi nun nagkaroon ako ng pag asa nab aka isang araw magustuhan niya rin ako.

Pero parang baliktad lang ang nangyare. Mas lalo niya pang minahal si Kathy.

----------

Umaga nanaman papasok nanaman ako sa paaralan. Madadatnan ko nanaman silang dalawa. Nandito ako naglalakad punta sa likod ng school. Panigurado ako nandoon nanaman sila.

“Tigilan mo na nga ako!”

“Mahal na mahal kita!!”

“Pwede ba isa na lang masasapak na kita!!”

“Tayo na lang please”

“Raymonddd!! Iwan na natin siya dito” narinig kong sigaw ni Kathy. Pagkatapos nun iniwa na nila si Christian na nakaluhod. Nilapitan ko siya.

“Diba sabi ko sayo kalimutan mo na siya? Nandito naman ako ehh.” Sabi ko sa kanya. Habang sinusubukan na itayo siya.

“Salamat at nandyan ka. Isa ka talagang tunay na kaibigan” Kaibigan.Baket ang sakit marinig yan mula sa kanya?

“Hanggang kaibigan na lang ba ako sayo Christian?” hindi ko na mapigilan. Lumabas nay an sa bibig ko. Punong-puno na kasi ako ehh.

“A—anong ibig mong sabihin?” tanong niya na halatang naguguluhan

“Mahal kita noon pa. Ang sakit na Makita kang nasasaktan dahil sakanya. Please ako na lang. papasayahin kita at hindi kita sasaktan.” Sabi ko habang niyayakap siya.

“Angel hindi pwede” napahiwalay ako sa kanya sa sinabi niya.

“Bakit naman? Dahil mahal mo siya? For god’s sake magpinsan kayo!! Hindi pwede!! Bakit di mo ba maintindihan ha?! Ganyan mo nab a siya kamahal at di mo siya kayang kalimutan?!” sagot ko habang umiiyak.

“Hindi sa ganun angel—“

“Eh ano?! Sabihin mo na kasi!!”

“HINDI KITA MAHAL!! KAIBIGAN LANG ANG TINGIN KO SAYO!!” natigilan kami sa sinabi niya.  Aray. Ang sakit. Ang sakit pala pag sa kanya niya mismo nanggaling. Parang lahat ng pag asa ko na mahalin niya ako. Nawala, pinamukha niya sakin na hanggang magkaibigan lang kami.

“Angel hindi sa ganun—“

“Okay lang Christian . Maraming salamat  at sinabi mo yan sa akin. Madali na sakin para kalimutan ka. Ha-ha-ha. Kaibigan. “ sabi ko habang tumatawa. Tss. Mukhang akong baliw.

“Eto oh” abot ko sa kanya ng papel “Basahin mo pag nasa bahay ka na. Hayaan mo kakalimutan na kita bigyan mo lang ako ng panahon”

Naglakad na ako patalikod sakanya. Hindi ko na nakita kung ano ang nagng reaksyon niya. Sana makahanap ako ng isang taong magmamahal sa akin. Yung hindi lang ako aasa na mamahalin niy ako. Yung sa simula pa lang minamahal at pinaparamdam niya sa akin ito.

XXXXXXXXXX

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It hurts  (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon