Hello guys!
Before you start reading this chapter I just want to say thanks sa mga bumasa at bumoto.
And sa mga nagcocoment maraming salamat po sa pagpapalakas ng loob ko, and this chapter is dedicated to ALL Of YOU guys.
Love you all...
CORRINE;
Aray! Ko po, ang sakit ng balakang ko.
Matapos ang mahabang gabi ay mukhang okay naman ako.
Oo nga, matapos ang birthday party na di ko naman na enjoy.
Sayang ang cake, ang sarap pa naman nun. Huhuhu!
Matapos akong ihatid nung Mik dito sa condo ni Klein e,, panay pa ang tanong kung bat ako dito nakatira.
Wala akong maidadahilan kundi
"Naglilive in na kami ni Klein, ikaw ang best man sa kasal namin ha Mik?" Pagpapalusot ko.
Assuming nga diba?
Walang masamang mangarap.
"Wow! Ano yun Barbie doll? Anak mona bago kasal?"
Sabay ngiti na tila napakadumi ng nasa isip niya."Bakit lahat ba ng naglilive in ganon??? Anak agad! Huh?!"
Malamang na mali ata na yun ang naging dahilan ko, pero di na umangal pa si Mikhail ng magsungit ako sa kanya. Mukha daw akong angry bird paggalit.
Langya lang e no?
Ginawa pa akong ibon e wala naman akong pakpak, tsk!
Kaya ito ako ngayon, naglalaba ng damit at kobre kama na sing bigat ng isang sakong bigas.
Bat kasi kailangan ganito kakapal ang kobre kama niya?
Bat nga pala ako naglalaba nito?
Wala lang, feeling ko kasi marumi ito. Baka ginawa rin ni Klein na magpalipas ng gabi dito kasama ng babae niya gamit nitong kobre kama, iba na kasi ang amoy...
Aaaaaahhh!!!!
Nakakainis!
Kagabi pa akong walang tulog.
Para kasi akong binabangungot nung tinig ng babae na pinaliligaya ni Klein.Bat ganito?
Parang magiging sakitin ata ako dito sa puder niya.
Yung tipong sakit sa puso
Para kasing may sumasaksak sa puso ko.
Ano ba to?
Sana hindi naman,
Sana mali ako.
Sana nga.
Matapos kung maglaba ng kobre kama at mga ilang damit, buti na lang may palanggana na malaki dito sa palikuran niya.
Kulay puti at malinis, yung ginawa kong swimming pool noon.
Kung hindi dahil dito, di ko alam kung saan ako maglalaba.
Ang problem ko ngayon ay?
San ko isasampay?
Argh! Lagi na lang problema, simula ng magkaisip ako ay problema na ang pasan ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire in Disguise
General Fiction( Completed ) # 5 in disguise as of 03/18/2019