Hanggang sa napag-isipan ko na hindi pumasok sa paaralan at sumama nalang sa aking mga barkada.
Edukasyon? Pag-aaral? Isang hamak lang iyan. Walang kwenta.
Ano namang silbi kung mag-aaral ako at makakuha ng mga matataas na marka? Wala namang pakialam ang mga magulang ko.
Si Mama puro trabaho lang ang inaatupag. Si Papa naman ay nagpapakasaya sa bago niyang babae. Buhay nga naman! Mabuti na lang at nandito ang mga barkada ko na handang tumulong na kalimutan ang mga problema ko.
"Oh! Lanie, subukan mo ito. Siguradong masarap at hindi mo pagsisisihan," alok sa akin ng kabarkada kong si Daniel.
"Hindi ko kaya, e! " tanggi ko sa alok niya na alak.
"Kaya 'yan! Go Lanie! Go Lanie!" sigawan nila sabay bigay ni Veronica sa'kin ng isang basong alak. Buong tapang ko itong kinuha at ininum.Wala na akong nagawa kundi sundin ang nais nila.
"Oh! Ito pa!" sabay bigay sa akin ni Jake ng isang istik ng yosi. Kinuha ko ito at ginaya ang ginawa nilang pagsisigarilyo.
Sa simula ay kakabahan at maninibago ka talaga pero habang tumatagal ay lalong sumasarap ika nga nila.Nakaramdam ako ng init na tila ba ay parang lalagnatin ka.Ito pala ang tanda kapag nasobrahan kana ng pag-inom ng alak. Hindi ko na alam at parang ang lahat ng aking paningin ay umiikot. Namalayan ko lamang na pumasok kami sa isang kwarto at pagkatapos ay humiga.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Mistake
Short StoryLanie Cruz finds herself drowning in the island of mistake she chose. Will she rise against pain that world throws at her? Or will she accept the destiny that her life will come to its near end? Her Greatest Mistake Story by: Zurichian Date Starte...