CHAPTER 26

747 6 1
                                    

Sela Kim's Point of View 

Andito kami sa isang boutique nina Xiumin at Kris nag papasama ako at bibili ng susuotin mamaya. Summer dress lang naman daw. Kinuha ko yung color white floral dress at cream version.

"which one is better?" sabi ko sabay taas nung dala kong dress.

"white/cream" tumaas ang dalawa kong kilay. Nagkatiningan silang dalawa tapos sabay ngisi sa isa't-isa.

"bagay sayo ang white Sela" nakangiting sabi ni Xiumin. Na kinontra naman ni Kris "no mas bagay ang cream" 

Sasagot pa sana si Xiumin pero sumabat na ako. 

"never mind, heto nalang off shoulder ang kukuhanin ko" kinuha ko ang dress at nagdiretso sa counter. Ipapatong ko palang sa counter ay hinawakan na nong dalawa 'yung dress. 

"ako na magbabayad" nakangiti niyang sabi sa saleslady at inunahan naman siya ni Xiumin mag-abot ng credit card. 

"no miss, take my money. Hayaan mo na ang dalawang 'yan" litong-lito na ang saleslady dahil sa gulo ni Xiumin at ni Kris. 

"keep the change" aagawin pa sana sa akin ni Xiumin ang paperbag pero iniwas ko na.

"baka pati pagdadala pag-awayan niyo pa tss" nauna na akong umalis dahil naiirita ako. Buti nalang hindi sila nakilala dahil sa disguise nila hay. 

Oh Sehun's POV

Mabuti naman at dumating na si Lay. Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib geez. 

"okay na yan 'wag mo lang masyadong pwersahin kasi masama yun" paalala ni Lay

"okay salamat" he smiled at me and mouthed welcome. "by the way pwede ka naman um-attend mamaya sa party. See ya later" tapos nag salute na siya paalis. Sa aming 12 siya ang pinaka may kwenta kasi gamit na gamit ang power niya haha. 

"Sehunnie!" sigaw ni Juno na ikinagulat ko pagtingin ko tulog pala? Weird mahilig ata siyang mag sleep talking teka bakit naman pangalan ko ang tinawag niya? napahawak na naman ako sa dibdib ko na bumilis ang tibok ano ba kumalma ka dyan tss.

Napagdesisyunan ko nalang na maghanap ng susuotin para mamaya. Tiningnan ko ang mga damit ko sa cabinet and na spottan ko ang black summer polo na may print na pineapple. Okay pwede na 'to. Inilabas ko na at sinabit sa handle ng cabinet para mabilis ko nang makuha mamaya. 

Napatingin ako kay Juno na bahagya pang nakanganga habang natutulog.

"hoy Juno" binato ko siya ng unan kaya napabangon siya. Kumakamot pa siya sa ulo niya nang tingnan niya ako. 

"ano ba Sehun? hindi ba uso sayo ang kalmadong pag-gigising?" hindi ko na siya pinansin at humilata ulit sa kama. Masarap palang humiga nalang ngayon ko lang napagtanto. 

"may party mamaya diba? mag-ayos ka na ng susuotin mo mamaya. Baka ako pa ang sisihin mo kapag mukha kang out of place dahil sa suot mo mamaya" sinimangutan niya lang ako at ibinalik ang unan sakin. Lumabas na siya ng kwarto ko at after 15 minutes ay bumalik na siya. 

"mukhang exciting yung party" excited niyang sabi. Bakas naman sa mukha niya na excited siya halos makita ko na yung gilagid niya joke. 

"tch" ayaw ko na siyang kausapin. Kakasabi ko palang na ayaw ko siyang kausapin ay narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Naramdaman ko pang sinundot niya ang braso ko. 

"oh ano na naman?" hinigit niya ang kumot ko kaya nagkatitigan kami. Sakto kasi na nakatapat sa mukha ko ang mukha niya. Maya maya napansin kong namumula na ang mukha niya. 

"a-ano ba kailangan mo?" nauutal kong tanong sa kanya. "ack w-wala!" tapos tinulak na niya ako. Gusto ko siyang asarin kaya lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

My heart's beating with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon