CHAPTER 27.3

699 7 2
                                    

Juno Choi's Point of View

Natapos na ang party at heto ako nasa tapat ng bonfire kasi nilalamig na ako. Umiinom sila ng soju 'dun. Hindi ako nakikisali kasi hindi naman masaya uminom haha. 

Biglang humangin ng malakas kaya niyakap ko ang sarili ko. Sisipunin ako nito bakit ba kasi ako naka backless? 

"stupid girl" napalingon ako kung saan nanggaling ang boses ni Sehun at may lumipad na tshirt sa mukha ko. Oo literal na binato niya sa mukha ko ang polo niya. Nanuot sa ilong ko ang pabango niya, ang manly ng amoy niya! Shit hubad ba siya? bakit niya binibigay sakin 'to?

"stupid, may sando ako sa loob. Ipatong mo 'yan sa suot mo baka magkasakit ka. Ang hilig niyo kasing magsuot ng ganyan tss" hindi na ako nagsalita at ngumiti nalang. Concerned din naman siya sakin hahaha. 

"b-baka ikaw ang lamigin" hindi na niya ako pinansin at umupo na siya sa tabi ko. OO sa tabi ko! 

"i'm fine hindi mo ako kasing weak" sinimangutan ko nalang siya. Tumingin ako sa starry night at ngayon lang na appreciate 'to. Paano ba naman kasi sa Seoul may light pollution hindi na ako makakita ng stars. 

"Juno" lumingon ako kay Sehun na nakatingin din sa bituin. "ano 'yon?" 

"ikakasal ka na pala" nasamid ako sa bigla niyang pag oopen ng topic na 'to. Teka nga muna "paano mo nalaman?" 

"narinig ko 'nong kausap mo ang tita mo" he shrugged his shoulders "may pagkachismoso ka din ehh" tapos sinundot ko yung tagiliran niya.

"ano ka ba? kasalanan ko bang sa tabi pa kita nakipag usap?" niyakap ko ang sarili ko dahil malamig. "hindi sabi ko nga kasalanan ko nga" 

I sighed "yeah, totoo 'yun. Kaya ako uuwi sa Italy para makilala ang ipapakasal sakin" 

"what? hindi mo kilala?" umiling ako "nope" I popped the p part. 

"you are impossible" nagkibit balikat nalang ako at napayakap lalo sa sarili ko dahil ang lakas ng hangin.

"Sehun! ang lamig ano ba 'yan" reklamo ko sa kanya dahil as far as I remembered he can control the wind. Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Sehun. I looked at his face na nakaiwas ng tingin sakin. "bumabawi lang ako noong panahong nilalamig din ako" I can't move mas nilamig ata ako sa ginawa niya. 

Bakit ganyan ka Sehun? 

*black out

Fatims Amelie Villamonte's Point of View

Nag-iinom kami dito except Sehun and Juno. Hinayaan na namin ang love birds na 'yun haha. 

"spin the bottle!" napailing ako sa childish na suggestion ni Tao. Pumayag naman sila kaya go with the flow nalang ako. 

"oh Fatims truth or dare?" si Suho pa ang magtatanong sakin. Alam ko namang hindi niya ako papahirapan sa tanong niya haha.

"truth" or maybe I spoke too soon dahil napansin ko ang evil smile niya 

"Nagkaron ka ba ng first love?" traydor ka Suho! akala ko magkakampi tayo dito hmp. "meron" sabay irap sa kanya. 

Inikot ang bote at tumapat na naamn 'to sakin. "hoy ang daya naman" nagtawanan sila

"crush ka 'nong bote Fatims 'wag ka nang magreklamo" pang-aasar ni Denny. "truth!" inikot ang bote at tumapat kay Luhan oh great! 

"do you still love your first love?" napalunok ako at tumingin kay Luhan bago sumagot "I still love him" 

"alam niya ba na mahal mo siya?" umiling ako "hindi, alam ko kasing friendzone ang kahahantungan ko kapag umamin ako" narinig ko naman ang pagkasamid ni Baekhyun sa gilid. 

My heart's beating with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon