Magkahawak kamay kami ni Harris na naglalakad sa isang magandang hardin, maraming magagandang bulaklak, at may napakaganda rin na fountain kami na nadaanan kanina. May mga puno pero hindi ganun kadami para matakpan ang napakagandang sunset. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Sabay namin pinagmasdan ang napakagandang sunset. Maya-maya pumunta siya sa harap ko. Di ko masyado maaninag ung mukha niya dahil sa araw. Pero isa lang ang sigurado ko. Nakangiti siya. Iba ung ngiti niya. Ung ngiting masyadong masaya. Ung pang in-love na ngiti. Kinilig ako at napangiti din. Pansamantala kaming nagtitigan, hinawakan niya ako sa chin, and he slightly lift it up. Unti-unti lumapit ang muhka niya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga noo at ang mga labi namin. Nakangiti pa rin siya. Una siyang bumitaw at niyakap ako ng napakahigpit. Then he said:
"My Jade. I love you, forever and always.."
Unti-unti dumidilat ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking labi. Panaginip lang pala. Pero parang naramdaman ko talaga ung halik niya. Bigla nalang ako napangiti. Napansin ko naman ang alarm clock sa may side table. 6:45 na ng gabi. Napahaba pala ang idlip ko. Naalala ko na may usapan kaming pupunta siya dito sa bahay ng alas 8.
Kaagad naman akong tumayo at inayos ang higaan ko. Nang matapos iyon agad akong lumabas ng kwarto para magluto. Dito un magdidinner panigurado. Nung naalala ko siya napangiti nanaman ako. What a good dream, maybe something good will happen this night.
Nagluluto ako ng biglang lumabas si mama sa kwarto nila.
"Aba Jade. Mukhang masarap yan! Patikim nga!" kumuha ng kutsara si mama at kumuha ng konting sabaw. Nagluluto ako ngayon ng tinola. Paborito yun ni Harris eh.
"Ano ma? Masarap ba?"
"Hmmm.. Pwede na?"
"Ayy? Hindi masarap?"
"Ano ka ba anak. Hahaha. Jinojoke lang kita. Syempre Masarap."
"Mama naman. Baka jinojoke niyo lang ako ah! Baka sinasabi niyo lng na masarap kasi anak niyo ako."
"Promise anak. Masarap talaga. Haha. Maswerte talaga si Harris sayo!"
Kinilig ako sa sinabi ni mama, kaya napaiwas ako sa kanya ng tingin. Ngayon ko lang napansin na nakapang-alis pala siya. San kaya siya pupunta?
"Ma, san lakad mo?"
"Ah! May date kami ng papa mo. Magkikita nalang kami sa sinehan. Anong oras na ba?"
Napatingin naman kami ni mama sa orasan. 7:35 na ng gabi.
"Hala anak! Alis na ko. 8 ang usapan namin ng papa mo, baka magalit un pag na-late ako."
"Sige po mama. Pupunta po dito si Harris mamayang 8 ah!"
"Alam ko anak."
Ngumiti si mama ng nakakalokong ngiti at hinalikan naman ako sa pisngi. Dali-dali siyang lumakad papalabas. At nung palabas na siya ng pintuan lumingon siya muli sakin at sinabing..
"Jade! Tiran mo kami ng papa mo ng ulam ah! Iwan mo sa ref. Iuulam namin bukas."
"Opo mama! Hahaha. Ingat po kayo ni papa!"
Naglakad na ulit si mama palabas, kaya tumalikod na ko at naglakad papunta sa kwarto para kunin ung twalya ko at makaligo, pero nung isasara na ni mama ung pintuan ay tinawag ulit niya ako..
"Jade. Totoo ang sinabi kong masarap ka talaga magluto. Pwedeng pwede ka na magasawa."
Sinara na niya ang pinto at lumarga. Napangiti nalang ako sa sinabi ni mama. Pumasok nanaman sa isip ko ung panaginip. Napahawak sa aking mga labi at kinilig. Makaligo na nga.
BINABASA MO ANG
8 (Forever And Always). *One Shot*
RomanceFor with our love, there is no letting go. *inspired by "Forever and Always" of Parachute