Lunes,Na-late si Darius sa Pagpasok sa School.
Sinadya niyang magpalate kasi ayaw niyang maulit yung nangyari nung SABADO.
Pagdaan niya sa hallway ay nakita niya na may mga estudante sa mga classroom.
Pero pagpasok niya sa kanilang room ay walang kataotao.
Kaya umalis nalang siya at nag computer.
Habang nagcocomputer, tinext siya ni Katarina."May sakit ka ba?, Beh,Bkt di ka pumasok?"
"Ehhhh.... wala naman tayong pasok di ba?"-D
"Meron kaya beh."-K
"Kung meron bkt walang tao sa classroom?"-D
"Nasa Laboratory kaya kami beh"-K
Matapos niyang mabasa ang text ni Katarina ay nag facepalm siya at tinawag niyang tanga ang sarili niya.
Di na ni-replyan ni Darius si Katarina.
at nag-computer na siya buong araw.
Pag-katapos niyang mag computer.
Ay umuwi na siya.
Pero walang tao sa bahay nila at naka-lock.
Bigla niyang natandaan na Anniversary pala ng mga magulang niya na pumunta sa Baguio at magbabakasyon.
Nakalimutan niyang kunin yung susi sa tapat ng banyo.
Nagugutom siya at gusto niya bumili ng pagkain kaya pumunta siya sa 7-11.
Habang nakapila siya ay natandaan niya na wala siyang pera kasi naubos sa kaka-computer.
Kaya binalik niya ang mga kinuhang pagkain.
Gusto niyang i-text ang kanyang ina pero di niya na charge cellphone niya.
Gusto niyang makitulog sa bahay ng pinsan niya na si Draven.
Pero naki-sama sila sa selebrasyon ng ina ni Darius.
Nakita siya ni Katarina na naglalakad at pinuntahan niya si Darius.
"bakit di ka na nag reply kanina beh??" sabi ni Katarina.
"Kasi low-batt na ako",Palusot naman ni Darius.
"Pwede bang makitulog sainyo" Dagdag pa ni Darius.
"bkt beh? pinagalitan ka ba ni mama mo?" sabi ni Katarina.
"Umalis sila ehh" ubod ni Darius.
"wait lang i-text ko ate ko" sabi ni Katarina.
sabi Darius "May ate ka?? ano pangalan?"
"oo naman beh, di mo ba alam?" sabi ni Katarina.
"Kaya nga nag-tatanong di ba?" sagot ni Darius.
"Cassiopeia ang pangalan niya" sabi ni Katarina.
"Okay lang ba sa parents mo?", tanong ni Darius.
"wala naman sila dito,nasa Zambales sila", sagot naman ni Katarina
"Ahhhh... Okay" Sagot ni Darius.
"Pwede daw,pero sa sala ka matutulog,Okay lang ba sau beh??" tanong ni kat.
"Okay ba okay, Salamat ahh" Sagot ni Darius.
Pag dating nila sa bahay ni Katarina ay naligo na siya.
Habang si Darius naman ay nakikinuod ng T.V.
Pag-katapos maligo ni Katarina ay tumabi siya kay Darius.
Habang Nanunuod sila ng The Reunion: Eraserheads Tribute ay nakatulog si Katarina habang nakasandal sa balikat ni Darius.
Dahan-Dahang binuhat ni Darius si Katarina sa Kanyang kwarto.
Dahang-Dahan ring inilapag ni Darius si Katarina sa kama ni Katarina.
Inilatag niya ang isang kumot kay Katarina.
Sinindi niya ang Electric Fan, Ni-lock niya ang pintuan, Lumabas siya,sinara niya na ang pintuan, at dumiretso na sa sofa.
Nag-Dasal siya.
Matapos niyang mag Dasal ay Nag text si Jax na may sabing "Boobs"
Di niya na nireplyan at natulog na siya.