Finley, Riley, and Who?| How to meet the Twins

201 3 4
                                    


A/N: Because I'm actually curious about how the other Suarez kids will turn out :D

- - - - - - - - - -X

"Riley, Mama's been calling you," the other twin said to catch Riley's attention. Pinansin naman siya ni Riley pero agad ding nabalik yung atensyon niya dun sa cake atsaka menudo na kinakain. Pinagsasabay niya pang kainin kahit yung isa malinamnam tapos yung isa matamis.


"Riley..." naiinis na tawag niya ulit. Riley only grunted then continued munching his food. Tinignan ako nang masama ni Finley at nagtago naman ako sa lunchbox na pinaglagyan ko nung pagkain.


Magkaiba talaga 'tong magkapatid na 'to. Minsan, mostly actually, talaga kase ay 'di ko tinitignan si Finley kase laging nakakunot ang noo at laging masama ang tingin sa'kin; 'Di gaya sa kapatid niyang napakasunny ng disposition at basta bigyan ko ng pagkain natutuwa na.


"Who are you again?" nakakunot noong tanong niya sa'kin. Medyo nabigla pa ako kasi sa dami ba naman ng beses na sinamaan niya ako ng tingin kapag nakikita akong pinapakain si Riley, ni hindi niya pa pala alam ang pangalan ko.


I told him my name then he nodded, the crease between his brows disappearing. I was too relieved to not question yung pagkaalis ng sama ng tingin niya sa'kin.


"Good. Come with us." Biglang sabi niya sabay kuha dun sa ibang gamit ko na nakalapag sa bench. Napanganga ako sa kanya habang kumakain pa rin si Riley.


"A-Ano?" I stuttered. Alam kong mabait si Riley sa'kin pero I can't say the same with Finley. Malay ko bang bigla kaming pumunta sa bridge at itulak ako nito habang distracted pa'rin sa pagkaen yung kapatid niya?


"Because Riley will move if you're coming with us," sabi niya na para bang nagmi-make sense iyon. Source of food lang naman ako ni Riley at hindi girlfriend niya, ah!


"Hindi naman niya ako..." Natigil ako nung sasabihin ko na yung girlfriend. Baka akala niya iyon 'yung motibo ko sa kapatid niya. ".. friend ni Riley..." mahina kong sabi pero base sa isang segundong pagtigil ng pagkain ni Riley, narinig niya pa rin iyon.


"Do you think I care?" sabi lang ni Finley sabay lakad palayo habang nakasukbit sa kanya yung handbag. Kung hindi lang niya kinidnap yung mga gamit ko, kanina ko pa silang magkapatid na tinakbuhan. Ba't hindi pa kasi ako umalis nung kumakain pa si Riley?


"Let's go." Nabigla ako at agad napatingin nang magsalita si Riley. Sinara niya muna yung tupperware na may lamang pagkain na ginawa ko at pagkatapos linagay dun sa lunchbox na madali niya lang nahablot sa kamay ko.


"You look like a deer in the headlights!" sabi niya sabay tumatawa habang may nakadikit pa na icing sa pisngi niya. Agad kong pinunasan kase ang duming tignan. Narealize ko lang that I crossed the line nang tumigil siya sa pagtawa. Agad akong namula.


"So-Sorry," I stuttered, again. Bakit ba kasi ang bait niya kumpara sa kapatid niya? Edi sana kung pareho silang masama sa'kin, hindi ako ganito kumilos at pagkamalan na naman na flirt! Ba't ba kase pag mabait yung babae sa lalake, iniisip kaagad ng mga tao na may masamang balak? Hindi ba pwedeng mabait lang talaga? Nakakasura!

Just The Strings: What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon