Masakit isipin na lahat ng bagay na ginagawa ng isang taong kilala mo ay dinadaan niya sa trip. Puro kalokohan. Puro kabalustagaan. Kahit ung mga totoong gusto niyang sabhin ay dinadaan niya parin sa trip. Nakakaasar kaya, lalo na kung ikaw ang biktima.
First day of the week. Nalate akong pumasok at nakita ko yung mga lalaki galing sa section ko dun ay nakatambay sa pintuan. Bawat dumadaan ay sisitsitan nila at pagtritripan. Tulad nung isa kong batchmate na dumaan.
"Eli, crush ka daw ni Markos." At sabay silang nagtawanan ng mga kabarkada nila. Kung alam niyo lang kung gaano ka well, unliked si Eli; maiintindihan niyo kagad na trip lang nila si Eli. Kawawa naman.
Papalapit na ako sa section ko. Ginulo ko yung buhok ko at yumuko na lang. Dumaan ako ng diretso, humihiling na hindi nila ako mapagtripan..
pero pinagtripan parin nila.
Echo: *inayos buhok ko.* Ang gulo ng buhok mo. Halika ayusin natin.
Feel na feel ko na umiinit mukha ko. Ewan ko. Kasi hindi naman talaga kami close nito ni Echo eh. Ngayon nga lang year kami naging magkaklase.
Markos: Naks Echo. Lumalovelife. >:)))
Nagsalita si Markos na halata namang nangsmismirk siya.
Nilayuan na ako ni Echo at tumingin na lang kay Markos.
Echo: Inggit ka? *akbay sakin* Cute niya noh? >:)
At ramdam ko yung tension between them. Samantalang ako, naiirita at nahihiya. Sa lahat a naman ng tao, ako pa yung napagtripan nila.
Inalis ko na yung kamay ni Echo at ngumiti na lang ako at tumakbo na ako papunta sa upuan ko. Sana talaga walang nakakita nun. Kungdi, patay ako. -.-
Middle ng discussion na may biglang kumulbit sa akin. Paglingon ko si Markos. -.-
Si Markos at si Echo ay ang PINAKA.
Pinakamalakas ang trip. PInakamaingay. At pinakamasarap patayin. =____="
"Bakit ba?!" Sabi ko sakanya.
"I love you daw sabi ni -.-- Yun na lang yung naging mukha ko at tinalikuran ko na agad siya.
Hindi ko na siya pinatuloy dahil alam ko naman si Echo yun.
Nagpatuloy ang mga pantritrip nila sa akin. Mga mahigit dalawang buwan pa nang mga kalokohan nila ang gumulo sa buhay ko..
Isang araw. Habang kumakain ako ng lunch sa classroom ramdam ko na may tumabi sa akin. At nakita ko si Echo pala yun. Bigla na lang pumait yung mukha ko..
"Maasim ba yang kinakain mo?" Tanong niya sakin. Tiningnan ko siya at sabay sabi "Hindi. Bakit?"
Natawa naman siya at sinabing: "Bakit nangangasim mukha mo? :))" Ang sarap lang sabihin ikaw kasi. Pero hindi naman ako ganun kasama kaya sinabi ko na lang "May nakain kasi ako." Tumango na lang siya.
At nagkaroon ng dead air.
Complete silence.
But he broke that silence. -.-
"Magpakilala ka naman.' Hindi niya ako tinitingnan at nakatingin lang siya sa floor.
Naguluhan naman ako dun. Matagal na kaming magkakilala nito ni Echo. Childhood friend ko siya. 2 taon ako nawala dahil kailangan kong pumunta ng Germany. Pagbalik ko; hindi ko ineexpect na magiiba siya ng ganun. Dati kasi hindi yang ganun ka sira ulo di tulad ngayon.
BINABASA MO ANG
Short stories. <3
Teen FictionI'm a fan of short stories that's why I decided to make one myself. Sana magustuhan niyo yung different short stories na ginawa ko para sainyo. SImple lang naman 'tong mga storyas 'to. Don't expect too much because I don't see myself as a writer. HA...