Prologue
"Punyeta Aeryk bumaba ka nga, nakikipaglandian ka na naman dyan sa FB! Eh kung sakalin ko kayong dalawa niyang malantod na hipon na yan!"
Hala ayan na naman si wifey, bumubunganga na naman ang aga-aga.
"Oo bababa na ako, sandali lang log out lang ako."
"Dalian mo! isapak ko yang laptop sa mukha mo eh!"
Hala wag naman labs. Gusto mo bang magalusan ang gwapo kong mukha, eh di wala ka ng pagnanasaan nyan. Pero syempre di ko na sinabi yan, baka malintikan pa ako eh.
Siya nga pala, "ako si Aeryk Monteverde, ang pinakagwapo sa balat ng lupa."
"Mukha mo Aeryk babasagin ko na talaga yan, mahiya ka nga sa pinagsasabi mo dyan! Baba ka na nga. Daldal mo! Sampolan kita dyan eh!"
Ang sumisigaw naman eh ang wifey ko, mag-asawa kame. Obvious naman ata no.
Sya lang naman ang pinakamaganda at pinaka-hot na babae sa mundo ko, si Demonica Keira-Monteverde.
Isa akong, well sabi nila womanizer daw ako at ang asawa ko naman ay
model? hindi
artista? hindi din
doctor? hindi parin
nurse? hindi parin yan
lawyer? lalo namang hindi
sige sasabihin ko na, isa syang.....
"Aeryk bababa ka o babarilin kita?"
"Ah sige wifey bababa na po."
"Dalian mo, maglalaba ka pa!"
Oh pasensya na galit na si wifey ko, kailangan ko pang maglaba nyemas na layp. Oh di ako under ha, sadyang nagmamahal lang kaya ganito set-up namin.
Ganun talaga pag nagmamahal gagawin ang lahat para sa taong minamahal, kahit na magmukha ka pang tanga, baliw o katatawanan ok lang. Basta para sa ikakasaya ng mahal mo para kang globe, go lang ng go.
Oh sya subaybayan niyo nalang yung update ni author sa kwento namin ng wifey ko. Paalam na baka barilin pa talaga nya ako. ciao!
-----
Itutuloy o itutuloy? xD
Please support :D
BINABASA MO ANG
The Woman Wrapper and The Mafia Heiress
HumorSi lalake playboy, happy go lucky, gwapo, hot, mayaman, may walong pandesal that will make every woman drool. He's a complete hottie and he is a WOMAN WRAPPER. Si babae naman matapang, maldita, mayaman din katulad ni lalake, maganda at sexy. She's o...