First Flames

1 0 0
                                    

Unedited

"Imma!!" tawag ni mama galing sa baba at oo nakamegaphone palagi yan kaya kahit dito sa pagtulog ko ay rinig na rinig ko.

Huhuhu inaantok pa ako e.

"Ma five minutes." antok ko pang sabi at umisog ng onti sa kama.

"Abat! Kanina ka pa five minutes ng five minutes at hindi ka pa bumabangon!!"

Napabangon ako bigla ng sobrang lakas ng boses ni mama.

Huhuhu kailangan ba talagang sigawan ako sa tapat ng tainga ko?

"Ikaw Immaculate ha! Hindi ka na nagtanda! Pano na lng pagwala na ako? Sinong magpapakain sayo?"

And yep, Immaculate ang name ko. Masyado naman ata iyong banal ano?

"Mama naman. Bat naman po kayo mawawala e kabisado niyo naman po ang pasikotsikot sa syudad?"

"At kelan kita tinuruang mamilosopo?" sigaw ni mama habang nakapamaywang.

Kailan lang!

Gusto ko sanang sabihin pero masyadong akong inaantok.

"Ma naman eh! Pwede po bang Absent po muna ako ngayon?" sabi ko habang nagpapacute.

Alam ko yan si mama. Hindi yan makakaresist sa charm ko. Mehehehe

"Huy! Tigil tigilan mo ako ha! Ilang araw ka nang absent!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Uuyy hindi na gumagana.

"Anong oras na ba?" childish kong pagkakasabi.

"Alas otso y medya na."

Pagkarinig ko nun para atang blumangko ang isip ko.

Abaattt!!!

Nahimasmasan agad ako ng marinig ko ang oras.

Omeged!! May quiz kami ngayon sa science. Ang malala long quiz pa. Naku po!!

Kaya dali dali akong bumangon at naligo't nagbihis. Rinig ko pa si mama "Etong batang to talaga. Manang-mana sa kanyang ama. Tsk tsk tsk" iiling iling niya pang sabi.

Si mama talaga palagi nalng bukambibig si papa.

And by the way, wala akong nakikilalang ama. Sa madaling salita ulila ako sa ama. And yep, si mama Petrice lang ang meron ako.

At minsan naman ay hindi ko talaga mapigilang macurious. Nagtatanong ako about kay papa.

Sabi naman niya iniwan daw ako noong bata pa ako. At talagang bitter siya sa pagkakasabi. Halatang ayaw  pag usapan ni mama.

Nakakalungkot lang na ganun ang nangyari sa akin. Sabi kasi ng mga class mates ko masarap daw magkaroon ng ama and whats more napakasarap daw magkaroon ng kompletong pamilya.

Nalulungkot talaga ako tuwing maliligaw ang aking isipan tungkol sa kanya.

Haayyss



Pagkatapos ng quiz sa science subject ay dumiretso agad ako sa safe haven ko. And yes. Alam niyo na siguro. Sa library.

Binati ko ang Lib assistant  at dumiretsi agad sa paboritong puwesto ko sa tabi ng may window.

Tanaw na tanaw kasi dito ang kabuoan ng field at ang mga naglalaro.

Hinaplos ko agad ang side ng bawat libro hanggang sa mahaplos ko ang tatlong librong miss na miss ko na.

And yes, I'm a bookworm.  I love reading especially ang trilogy ng Lord of the Rings.

Wreathed In FlamesWhere stories live. Discover now