Hi im Lea, simpleng babae na may simpleng pangarap. Alam ko marami aa atin ang may pangarap na sana maguatuhan ka rin ng taong gusto mo, Oo napaka childish pero yun talaga ang pinapangarap ko.
May ibang pinapangarap din ako tulad ng makapagtapos ng pag aaral at maging isang doctor, pangarap ko na sana wag magkasakit ang pamilya ko.. Hindi lang naman puro lalaki ang inaatupag ko, in fact top student ako sa klase.
Kasama ko ngayon sina Belle, Nica, at Jen, sila ang kasa kasama ko ngayong 3rd year high school.
"Lea, nakatingin sayo si Joseph oh!" sabi ni Belle sa akin
"Hay nako, ayoko ng umasa" sabi ko sa kanyaSi Joseph, sya ang pinapangarap ko.. Simula Grade school gusto ko na sya.
Ayun nga lang nagka girlfriend sya nung last year. Ayun ang first heart break ko.. Kaya lang pinagtatagpo ulit kami ata ng tadhana kasi itong 3rd year, kaklase ko sya..Pero..
napagod na ako..
Pagod na akong sunod ng sunod, pagod na akong abutin si Joseph..
Kaya sabi ko sa sarili ko, Sinasayang mo lang ang oras mo sa kanya.. Masasaktan ka na naman.Eto.. Medyo naka move on na ako...
Nandito kami ngayon sa classroom naghihintay ng sunod na subject."Guys! Guys! Wala daw si Ms. Estacio ngayon! So... Alam na.." sabi ng president namin
Yup haha president pa namin ang pasimuno sa kakulitan dto. Kaya nga hindi ako nagsisisi na ditong section ako napunta eh.."Spin the bottle tayo!!!" sigaw ni Carlo
"Sige sige tara!!" Sigaw ng iba.
"Lahat kasali ah.. Ang hindi sumali ililista ko sa Noisy, HAHA" tawang tawang sabi ni pres.
"Tara sali tayo" sabi ni Nica samin ni BelleHabang nag uurong ng upuan ang mga boys para mas malaki ang bilog, ang mga babae naman ay naghahanap ng bote para sa gagamitin sa laro.
"Eto nakahanap na ako ng bote!" Sigaw ni JenBumilog naming lahat ng napakakaki para kumasya.
Inaayos ko ang upo ko ng nakita Kong si Joseph pala ang nasa harap ko.Tug tug-- tug tug--
Shut up heart... Aasa ka na naman.."Game guys! Ganito, kung kanino mahinto ang pwet ng bote.. Sya ang magtatanong if truth or dare, Kung kanino naman matapat ang bunganga ng bote... Sya ang victim, game?!" Sabi ni pres.
"Game!" Sigaw namin
Pinaikot na nila ang bottle
At ang unang hinto ay tumapat kila Nica at Michael..
Kay Michael ang pwetan at kay Nica ang bunganga
"Okay, truth or dare?" Tanong ni Michael
"Dare!" Sabi ni Nica
"Kiss mo ko" utos ni Michael
"Nakakahiya ka naman beb" sabi ni Nica sabay lapit Kay Michael at kiniss ito sa cheeksAnd as the bottle spins for about 20mins, hindi pa din ako natatapatan.
"Okay, I think may last 2 na tayo kasi baka biglang may dumating na teacher eh.." Sabi ni Pres. "Sige sige" sang ayon namin lahat
Ini- spin na nya ulit yung bottle..
At nag stop kay Belle and Joseph
"Sayang Lea, sana sayo tumapat" bulong ni Belle
"Tangeks okay lang" sabi koKay Joseph napunta ang sa bunganga at kay Belle naman ang pwetan
"Truth or Dare?" Tanong ni Belle
"Truth" agad agad na sagot ni Joseph
"At dahil ikaw ang isa sa famous sa classroom, Sino ang pinaka hinahangaan mo sa classmates natin?" Tanong ni BelleIt takes 3mins bago sya nakasagot.
"S-- si L-- Lea.." Sagot ni Joseph ng nakatingin sakin.
"Ha? Bakit ako?" Sabi ko
"Kasi noon pa manhinahangaan na kita! Hindi mo lang napapansin!
Nung na issue kami ni Lira, napansin ko na umiiwas ka sa akin! Eto para malaman mo.. Walang namamagitan sa amin ni Lira. Ikaw ang gusto ko Lea! nung Grade school palang! Kaya nga ayoko pa magka girlfriend kasi hinihintay kong pansinin mo ulit ako! Hinihintay kong mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo!" Sabi ni Joseph ng nakatitig parin sakin"Oh my!! Nagkaaminan na!!" Sigaw ng ibang classmate namin
"Okay classmates! Last one na! Kahit na nagka dramahan na dito haha" sabi ni Pres.Then he spins the bottle right away..
And stop!"Shet" bulong ko.
"Yieee!!!! Tadhana na itoooo!!!!" Sigaw ng mga classmates ko
"Pano ba yan, Joseph and Lea..
Si Joseph ang pwetan at si Lea naman ang sa bunganga" sabi ni Pres."Lea.. Truth or Dare?" Tanong ni Joseph
"Truth" agad kong sagot"Lea... Mahal mo rin ba ako?" tanong ni Joseph
"Nung Grade school palang, lagi na kitang tinititigan hanggang ngayon!
Nalungkot ako nung nalaman kong naging kayo daw ni Lira,
akala ko wala ng pag asa.. Oo mahal kita Joseph..
Alam mo bang ikaw ang isa sa pangarap ko? Ang pangarap kong hindi ko maaabot.
Kaya huminto ako, kasi pagod na pagod na akong maghintay.." Sabi ko ng may biglang pumatak na luha sa mata ko."Lea, hindi na... Hindi ka na maghihintay, nandito na ako.. Hindi kana mapapagod maghintay.. Mahal na mahal kita." Sabi ni Joseph sabay lapit at yakap sakin.
Hayyyy.. Eto yung hinihintay ko, eto yung pinapangarap ko, At sana hindi na ito magbago.. ☺☺☺