Dear Crush,
Ayun. Di ako nakapag update ng Tuesday, Wednesday and Thursday. Periodical kasi natin nun that day. Routine ko lang kumain pag kauwi tapos review and then tulog na kaagad. Gusto ko kasi pag gising sa umaga hindi bitin. Para energize akong pumasok at yung mga nireview ko ay naaalala ko. Naranasan ko ng ma-mental block at ayaw ko ng maulit yun. Puyat kasi ako nun dahil sa kakapanood ng k-drama. Ayun bangag ako kaya nga-nga din Yung test ko. Tsaka kahapon. Hihihihi. Ihhhhhhh. Kilig iki ihhhhhhh.
Nasa pinakalikod ako nakaupo tapos ikaw sa tabi ng nasa unahan ko sa right. Kasi diba iniiba iba seating arrangement natin every exam? Tapos ayun dahil late kayo ng tropa mo ay sa sahig kayo pinaupo ni ma'am. Bali nakasandal ka sa upuan sa unahan mo tapos ayun. Hehez. Nakaharap ka sakin. Hindi naman sa assuming ako pero kasi nahuli kitang nakatingin sakin after long sagutan yung process part sa Math. Grabe tapos nakakainis si Bestie. Imbes na suportahan ako dino-down naman. Hayysss. Kinginerz. Sabi nango-ngopya ka lang daw. Tapos it's look like totoo nga. Pero ayaw ko naman maniwala. Alam mo yun? Yung alam mo sa sarili mo na ayaw mo aminin sa sarili mo? Magulo ba? Yan kasi tayo eh. Okay. Ang gara ko na. Hayysss. So Yun na lang muna hehe. Kanina pala nag gala kami ni kuya. Nag punta kaming Tanza tapos bumili ako ng damit na hanging na 3/4 tas si Baymax nakadrawing. Ang kyut lang. Tapos color gray pa. My favorite.
Bago ako matulog nag peel-off mask ako. Medyo masakit siya pero tiis ganda muna tayo HAHAHA. First time ko din. Hayss. Tapos akala ko sa toy kingdom bumibili ng Rubik's cube. Pag katapos tsaka ko lang naalala na sa National Book Store pala siya nabibili. Hayayayay. Ang tanga ko. Jinjja!!
K bye for now. Tulog na ko. Owemjiee. 12 am na pala so it means Saturday na. Ulala. Hehehehe.
Kyut kyut,
Joy.