Dear Crush,
Hays. Grabe crush ang sakit ng buong katawan ko. Pano ba naman naglinis ako sa school ni mommy. Di ko pa ba nasasabi sayo? Teacher mommy ko. Actually Lola ko siya. Mommy siya ng papa ko. Well bata pa si mommy. Maaga lang talaga siyang nag asawa at ganun din si Papa. HAHAHA. May observation kasi siya sa Monday kaya ayun. Tapos hapon na kami nakauwi. Kumain muna kasi kami sa sm. Nag halo halo kami sa razon's. Tapos pag uwi naman winax ko kili-kili Ni kuya. Tas nilagyan ko din siyang face mask. Yung sa Korea? Ayun. So Yun nga. Excited na kong mag Monday na Hindi. Kasi sa Monday iche-check test paper tas kakatamad pero makikita naman kita hehez. Tulog na nga ako.
Buhay mo,
Joy.