Maui's P.O.V
Matapos ang morning class namin pumunta na kami sa canteen para kumain ng lunch.
"Guys mauna na muna kayo sa canteen mag C-cr lang ako"
"Sige"sabay nilang sabi
Naglalakad na ako papuntang CR ng biglang may nakabangga ako
"Aray."
Peste sino bayan ang laki namang demonyo sabi ko sa aking isipan. Lalim ng tagalog. -,-
"Hoy lalaki! ang laki-laki ng daan ta's babanggain mo ako, bulag kaba?"
He just smirked at me na parang nang-aasar
"Hoy hindi kaba magsasalita, pipi ka ba ha?"
Pero tinalikuran lang ako ng demonyong lalaking ito, at dahil madali akong ma-asar, binato ko siya ng sapatos ko. At yun, sapol~
"Head shot!" sabi ko na nasasayahan sa nangyari. Galing ko diba?
Nakita ko namang papunta siya sa'kin, at mga 'te, ang sama ng aura ni koya ^_^
"Why did you hit me?" tanong niya na nakasalubong ang kilay.
"Trip ko lang, inasar mo ako eh." sagot ko naman.
"Papansin ka rin eh 'no?"
"Ako? Papansin? Hoy, lalaking demonyo, hindi ako papansin. And in fact, naiirita ako sa pagmumukha mo. So just get lost dahil hindi ako magso-sorry sa'yo. Kuha mo?!" at tinalikuran ko na siya.
Hmp, sana hindi ko na maka-bangga ulit 'yon. Tanga pa naman, ang laki-laki ng daan tapos binangga pa 'ko. Eh, sino yung papansin sa'min ngayon? Diba siya? Tsk, nagandahan siguro sa'kin 'yon. Paki-support nalang po sa'kin.
Umalis na ako doon at pumunta na sa canteen.
Dane's P.O.V
Naabutan namin ang galit na mukha ni Maui na parang galing lang sa gyera
"Oh bakit ganyan mukha mo"sabi ko
"Kasi meron akong nakitang malaking DEMONYO!" sabi niya na pagalit at talagang idiniin pa ang salitang demonyo.
"Demonyo? sabi naman ni Sage
"Ayy hindi, nakakita ako ng Anghel kaya ganito mukha ko" sabi ni Maui with sarcastic tone
"Tsk" sabi naman ni Sed
"Ehh sino ba ang nakita mo? sabi ko
"Hindi ko alam,common sense naman oh, bago lang tayo rito B-A-G-O!" sabi niya
"Hay naku Maui, ang abnormal mo talaga " sabi ni Sage
"Kailan bayan naging normal?" sabi ko in sarcastic tone
"Goshhhhh ang gwapo nila"
"Be mine prince Jeremy"
"Kyahhh pakasal na tayo prince Zyron"
"Marry me prince Yuan"
"Akin kanalang prince Keith"
"Tsk ang dadaldal naman ng mga tao rito"sabi ni Sage
"Sinabi mo pa, nakalunok yata sila ng Megaphone"sabi ko
"Ano ba meron diyan bakit sila nagkukumpulan" tanong ni Maui
" Hindi namin alam,bakit hindi mo itanong sakanila" sabi ko naman
"Ayaw ko nga, baka mabingi lang ako doon"sabi ni Maui
"Tayo na nga ang iingay ng mga tao rito" sabi ko
Nagsimula na kaming maglakad sa aming road to forever ^_^ echos lang.
Walang forever 'no. Tss, bitter lang mga 'te. So"Aray ko po!" sabi ko
Sino ba tong gago nato na hindi tumitingin sa dinadaanan."Stupid" sabi ng Halimaw nakabangga sakin
"Anong sabi mo?"
" Bingi na nga stupid pa"
"Gago ka palang Halimaw ka,hindi kamanlang mag so-sorry"
"Bakit naman ako mag so-sorry, eh ikaw iyong nakabangga sakin" sabi niya
"Ehh sino ba ang hindi tumitingin sa daan?"
"Ehh sino batong Stupida?"
"Ahh... ganoon hah,stupida pala ako, ehh ikaw Halimaw!" sigaw ko sakanya
"At hinahamon mo talaga ako h--
Hindi natapos ang sasabihin niya ng inilagay ko sa bunganga niya iyong sandwich na binili ko kanina
"Ohh... kainin mo iyan para naman tumigil kana sa kakaputak mo diyan!"
"I--fa---w" sabi niya na puno iyong baba sa sandwich na inilagay ko sa bunganga niya.
"Hep-hep hindi mo ba alam ang salitang Dont talk when your mouth is full?"sabi ko sa kanya
"Well... Babosh Stupidong Halimaw!"
diin 'kong sabi sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/96360088-288-k796153.jpg)
YOU ARE READING
Heart Academy: The Clash
Teen Fiction-HEART ACADEMY- by PsyRenNahGail *** Sa paglipat ng magpipinsan sa isang prestihiyosong eskwelahan ay makakasalamuha nila ang iba't ibang klase ng estudyante katulad ng mga NERDS, BULLIES, ARTISTS, MODELS, RICH PEOPLE, SOON TO BE POLITICIANS, SOCIAL...