Maui's POV
It's another day! May pasok na naman ngayon kaya kailangan ko nang bumangon para hindi malate sa klase.
Ginawa ko na ang nakasanayang morning rituals at bumaba na pagkatapos.
Naabutan ko si Dane at Sage sa dining na nagbre-breakfast. Asan na si Sed?
"Asan si Sed?" tanong ko sa kanilang dalawa at umupo na din.
"Nasa kwarto pa. Bababa na din yun." sagot ni Dane.
Kumuha na ako ng toasted bread at pinalamanan ng nutella tapos ay nilantakan ito. Maya maya lang ay dumating na si Sed at umupo sa tabi ni Sage.
"Opening ng mga clubs ngayon guys." sabi ni Sage.
"Talaga?" si Dane.
"Yup. Actually nakita ko lang siya sa bulletin board kahapon." sabi nito, "May napili na ba kayo?"
"Hmm wala pa. Ilan ba ang mga clubs nila?" tanong ko.
"'Di ko alam. Bago pa nga lang tayo diba?" pilosopong sagot nito.
Napa tss nalang ako sa kanya.
After naming mag-breakfast ay pumunta na kami sa parking lot. At dahil tinatamad na naman akong mag-drive ay makikisakay nalang ulit ako kay Sed.
Ewan ko at anong trip nung dalawa at nakisabay na rin sa trip ko. =_=
Mabuti nalang at hindi na nagsalita si Sed. SAFE.
**SCHOOL**
Pagdating namin sa school ay hindi pa naman nagsisimula ang klase. Hmm may 10 minutes pang natitira. Naglakad na kami papunta sa classroom at hindi talaga namin maiwasan ang mga titig ng mga tao sa amin. Tsk. Perks of being beautiful.
Hindi nalang namin sila pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Mahirap na baka manghingi sila ng autograph, 'di ko pa naman sineshare 'yon. Okay, so much for this.
Nang makaabot na kami sa classroom ay iilan lamang ang mga classmates namin na naroroon. Pumasok na kami at umupo sa designated seats namin tapos nagkanya kanya na ng mundo. ^-^
Exactly 10 minutes after ay walang teacher na dumating, kahit nga mga kaklase namin wala pa. Hindi ko na napigilang tanungin ang nasa harapan ko.
"Wala ba tayong klase?" tanong ko.
"Wala. Opening ng clubs ngayon, hindi niyo ba alam?" sagot nito.
"Alam namin kaso hindi pala namin alam na whole day ito. Akala kasi namin sa hapon pa."
"Ah." sabi niya, "Wala ba kayong sasalihan?"
"Hmm hindi kasi namin alam kung ano ang mga clubs dito." singit ni Dane.
Tss. Sisingit pa talaga.
"Marami ang mga clubs dito sa HA katulad ng Arts, Literature, Music, Dance, Theatre, Filipino, English, and Sports Club." sabi niya, "Tapos ang mga sports sa Sports Club ay chess, swimming, table tennis, sepak takraw, basketball for men and women ganun din ang volleyball, then soccer, baseball, gymnastics, badminton, archery at kung ano pa."
"Whaaat?! Ang dami naman!" react ni Sage.
Grabe naman 'to maka-pag react. =_=
"Wala ka bang sinalihan na club?" tanong ko sa kanya.
"Meron na. Actually, kasali na ako doon since freshmen year."
"Ahh. By the way, anong name mo pala?"
Kanina pa kami naguusap dito pero hindi ko alam ang pangalan niya and to think na bago nga lang pala kami dito. Another "ㅜ_ㅜ"
"I'm Rose Dela Rosa." sabi niya.
YOU ARE READING
Heart Academy: The Clash
Teen Fiction-HEART ACADEMY- by PsyRenNahGail *** Sa paglipat ng magpipinsan sa isang prestihiyosong eskwelahan ay makakasalamuha nila ang iba't ibang klase ng estudyante katulad ng mga NERDS, BULLIES, ARTISTS, MODELS, RICH PEOPLE, SOON TO BE POLITICIANS, SOCIAL...