"Wait for the right time, at the right place and in the right state of mind. " -JAM
Author: cANTONoodles (J.A.M.)
Date Created: 1/19/17
P.S. Dedicated to Purple_madam since she was the first one to cast a vote and cast comments. Thank you.
***
Matangkad ako. Gamer. Otaku. Assistant ng mga guro.
Ngunit...
Lampa ako.
May malaking salamin ang mga mata ko.
Manga, laptop, PSP at Death note ang laman ng bag ko.
Okay lang naman yung buhay ko sa paaralan ko kahit may pagkatanga ako. Wala naman akong barkada kaya matiwasay ang grade 10 life ko. Magaling ako makipag socialize sa online world ka-chat ang mga gamers at otakus, pero paggising ko sa realidad, hangin lang ako.
Huling buwan ng Agosto 2016. Ilang months na lang, graduate na ako sa Junior High. Senior High na naman. Bagong mga mukha na naman ang aking masisilayan, at maaaring may dumagdag pa sa aking listahan sa Death Note na pangalan. Pero hindi ko inaasahang mapapa-aga ang pag-alis ko, at makakakita na agad ako ng mukhang bago pa lamang sa aking balintataw.
Ako ang napili ng aming punongguro na maging isang exchange student sa aming rival school dahil sa mga grado ko lamang. Hindi man lang ako kinunsulta kung gusto ko ba ito o hindi. Kinontak niya lang si Mama at sinabihan ng impormasyon ukol dito at agad naman siyang um-oo. Agad niya ngang inayos ang aking maleta at pinasok doon ang mga gamit na kakailanganin ko, para bang atat siyang makaalis na ako sa bahay niya at makapagsolo sila ng aking pangalawang ama.
Naaalala ko pa noon kung paano ninyo ako pinagtitinginan nang makarating ako sa inyong paaralan. Isa ba namang mag-aaral galing sa pangunahin ninyong kakumpetensiya ang nasa teritoryo nila kaya sino ang hindi makakakuha ng maraming matatalim na titig diba?
Sanay na ako sa mga titig na ito. Sanay na ako sa ganitong senaryo. Sinanay ko ang sarili ko. Dahil sa simula't sapul, ako lang ang tangi kong maaasahan. Kahit sa bahay walang pakialamanan. Basta huwag lang ako mangistorbo kay mama at sa aking tatay-tatayan. Ganito araw-araw. Matalino nga ako, matataas nga grado ko, pero aanhin ko naman ito kung wala namang sumusuporta? Ako lang ang nagmamahal sa aking sarili. Ako lang.
"I guess you're the exchange student based on the uniform you're wearing. Come in, and welcome to our school. I'm Ms. Precious Santillan, the adviser of this section." Yan ang wika sa akin ng aking magiging guro sa paaralan ninyo. Pumasok ako sa classroom at malalamig na titig na naman ang ginawad ninyo sa akin.
Sabi ni Bb. Santillan magpakilala raw muna ako kaya naman sinabi ko lamang ang pangalan ko dahil nakakabagot nang tumayo sa harap ninyo. Alam ko namang ayaw niyo na akong magbigay pa ng napakahabang talumpati dito.
YOU ARE READING
Just So You Know
Cerita PendekI confessed, indirectly. But I'll try to confess when I see you, again.