chapter-3

30 2 8
                                    

BECCA.

umalis ako ng bahay at pumunta ako sa kainan na lagi kong pinupuntahan sa tuwing ako lang ang mag isa sa bahay..

"becca! nice to see you again" bati sakin ni lolo ed na may ari ng kainan na ito.. pumupunta ako dito minsan kaya kilala niya ako at ng mga kasama niya dito sa kainan

"haha.. same po lolo ed.." at nginitian ko siya

habang papasok kami nakita ko na may naka paskil na WANTED WAITRESS kaya napa isip ako

"lolo ed? naghahanap po kayo ng waitress?" tanong ko sakanya ng tuluyan na kaming makapasok

"ah oo anak.. dahil kulang na kami ng waitress lalo na't dumadami na din ang customers dito sa kainan. bakit mo natanong?" sagot niya sakin habang papasok ulit kami papuntang kusina

"natanong ko lang po dahil nakita ko yung nasa pinto sa labas. ahm.. pwede po ba akong punasok bilang waitress?"

"oo naman kung yan ang gusto mo.. at buti na din at di na kami maghahanap pa dahil kilala na kita.." napangiti naman ako sa pagpayag niya

"becca!" sabay sabay nila akong tinawag ng makapasok ako sa kusina

"jaze! erlha! raven!" tawag ko sakanila at nagyakapan kami.. sa lugar na ito lang ako nagiging ako, ako na masaya, ako na tumatawa ng walang pagpapanggap, at nagiging makulet hangga't sa gusto ko

"ngayon ka nalang ulit naka dalaw dito ah.. namiss ka namin" sabi ni erlha ng kumalas na kami sa yakapan namin at sumang ayon din ang dalawa

"namiss ko din kayo" naka ngiti kong sinabi

"becca anak? kung papasok ka dito.. di kaya magalit ang tita mo?" biglang tanong ni lolo

"wait! you mean?! ikaw ang makaka trabaho namin? yey!!" tuwang tuwa na sabi ni erlha at binatukan naman ito ni raven dahil talagang may pagka maingay si erlha

"lolo ed.. magpapaalam nalang po ako sakanila mamaya para bukas pag pumayag na sila.. makakapasok na ako dito" sabi ko

"anak.. gusto ko habang pumapasok ka dito ay pumasok ka na din sa eskwelahan" sabi ni lolo habang nakahawak sa balikat ko

"oo nga becca! para classmates na tayo" sabi ni raven

"tapos sabay sabay lagi tayong papasok sa school pati na din sa trabaho.. diba masaya yun?" sabi ni jaze

"oo nga. mukhang masaya talaga yun.. atleast dalawa na kaming babae! dahil lagi akong gulpi sainyong mga lalaki kayo!" sabi din ni erlha habang tinuturo ang dalawa

"lolo.. mahirap po ata dahil wala akong gamit pang eskwelahan.. kaya dito nalang muna ako papasok hanggang sa makaipon ako" sagot ko naman kay lolo at biglang nalungkot yung tatlo sa tabi ko

"anak.. tinuring ka na namin dito na pamilya dahil sa taglay mong kabaitan.. kaya susuklian din namin yun ng kabutihan na magpapasaya sayo.. alam naming lahat na kating kati kana makapag aral ulit.. kaya hayaan mong tulungan ka namin" sabi ni lolo ed at napangiti nalang ako sakanila dahil sobrang bait talaga nila at handa silang tumulong para sa pag aaral ko.. matagal na nila akong kinukulit tungkol dito pero di ko kaya dahil natatakot pa din ako kay tita

"pls becca" magkanabayang pakiusap ng tatlo ng umalis si lolo ed sa harapan namin

"di ko alam guys.. pero susubukan ko" sagot ko

"becca. tutulungan din kita sa lahat ng kailangan mo.. basta mag aral ka lang ulit.. dahil alam kong yun ang gusto at pangarap mo din na makapag tapos ka.. kaya pls. sana pumayag ka ng tulungan ka namin" paliwanag naman ni jaze na nakahawak sa braso ko habang naka harap sakin.. di pa man ako nakakasagot ay biglang lumapit ulit samin si lolo ed

The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon