chapter 5

22 2 0
                                    

Becca.

Nagusap-usap na kaming apat nina erlha na sila nalang muna mag asikaso para makapasok na ako sa school.. sabi kasi nila na ayaw na nilang dagdagan pa ang ginagawa ko eh samantalang sa bahay palang eh pagod na ko..

Ginabi na ako ng uwi dahil nasobrahan ata ang page-enjoy ko sa kainan ni lolo ed..

Habang naglalakad ako pauwi ay nararamdaman ko na may nakasunod sakin pero wala akong nakikita sa tuwing lumilingon ako.. medyo natakot ako dahil tanging street lights lang ang nagle-lead ng daanan ko at iilan lang ang sasakyan na dumadaan tapos malayo pa ang bahay namin.. i think guni guni ko lang yun.. and then di na ako ulit lumingon at di ko nalang pinansin ang mga nakakatakot na nasa utak ko..

"Bakit kasi wala akong pera!" sabi ko at sinipa ko ang bato na nasa harapan ko..

"Ouch!" napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko..

Hala! napalakas kaya yung pagsipa ko?! my god!

"Sorry.. natamaan ka ba?" nagaalala kong tanong at napahawak ako sa binti niya at hinanap ko kung saan ko siya natamaan.. Ang weird kong tingnan .. alam ko

"Ouch! don't touch it!!" sigaw na ng mahawakan ko ang paa niya

"Titingnan ko lang.." pagkasabi ko nun ay sumama ang tingin niya sakin kaya sa takot ko ay napa upo ako sa semento ng kalsada

"Get out of my way!" utos niya at naglakad siya kahit na parang masakit pa yung paa niya..

Na-sprain ata siya.. nayks! kasalan ko kasi eh!

Nakita ko yung bato na sinipa ko kanina at sa inis ko ay sinipa ko ulit yun pero nagkamali kaya napaupo ulit sa semento

"My god! yung pwet ko!"

patayo na sana ako ng makita ko ulit yung lalaki sa harapan ko pero naka lahad ang kamay niya

"Grab my hand, let me help you" nagulat ako sa sinabi niya kaya napatulala ako

"Ayaw mo na bang umalis diyan sa pwesto mo? napamahal ka na siguro diyan" sabi niya at narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya inabot ko na ang kamay niya upang makatayo ko

"Akala di ka na tatayo" sabi niya

"Ah. yang paa mo?"

"Paa pa din"

"I mean.. ahm.. sorry"

"Ok lang.. nung bumagsak na kasi yung bato mo saka ko naman naapakan" sabi niya

"So na sprain ka nga?"

"Ya. pero ok lang ako.. eh yang pwet mo? nadurog ba?" napatawa ako ng mahina dahil sa mga salita niya.. di ko tuloy maintindihan kung nagbibiro o seryoso siya kasi sounds like its a joke pero iba ang pinapakita ng mukha niya

"I'm Becca.. sorry and thanks for giving me a hand" pagpapakilala ko

"Ok" at umalis na siya sa harapan ko ng iniwan akong nasa ere ang kamay ko at halatang ayaw niyang magpakilala ah..

***

Tulad ng kinagawian ko nandito ako sa sala para hintayin si tito na makauwi..

Masyadong challenging na 'tong buhay ko.. pero alam kong makakayanan kong lampasan 'to.. makakabangon ako

***

"Halika tulungan na kita" sabi ni Grace habang nakalahad ang kamay niya upang tulungan ako mula sa pagkakadapa

"Salamat Gra- ouch!"

"Oh my.. may sugat ka.. halika na gamutin natin yan sa loob" pagkasabi niya nun ay pumasok na kami sa loob ng bahay at dumeretso kami sa sala

"Ouch!" sabi ko ng dumampi na ang bulak na may alcohol sa siko ko

"Haha.. alam mo ba may sinabi sakin si mama noon nung nadapa din ako" nakangiting sabi niya

"Ano yun?"

"Sabi niya.. balang araw.. dapat marunong na akong bumangon mag isa mula sa pagkakadapa.. at may time daw na di ko na kakayanin pero may dadating na tao para tulungan akong bumangon muli.."

"Aah..."

"Kaya ikaw! dapat lakasan mo ang loob mo para makabangon ka.. di yung tatambay ka pa sa sakit.. tulad nung kanina.. nanatili ka lang sa pwesto mo habang dinadama mo yung sakit.."

"Sorry..."

"Ok lang.. nakita ko kasi na di mo kaya kaya tinulungan na kita"

"Ahm.. thanks"

***

"Becca?" napatayo agad ako nung marinig ko ang boses ni tito

"Tito?! pa'no ka po naka pasok?"
tanong ko at itinaas niya ang kanang kamay niya na may hawak na susi

"Di ba nila sinabi sayo?"

"Hindi po eh.."

"Nagpa double key na ako para di ka na naghinhintay.."

"Ah.. ok po.. ahm gusto mo po bang kumain muna?"

"Wag na" sabi niya at umupo muna siya sa sofa

"Ahm.. tito may ipagpapaalam po sana ako" sabi ko at umupo ako sa tabi ni tito

"Hmm?"

"Papasok po sana ako sa kainan ni lolo ed and gusto ko po sana mag aral ulit" kahit kinakabahan ako ay di na ako nag dalawang isip... tiningnan ako ni tito kaya napa ayos ako ng upo

"When?"

"Tito.. gusto ko po sana bukas.. hahatiin ko po ang araw ko para sa trabaho at study" tumingin ulit si tito sakin.. kaya tuloy kinakabahan ako lalo

"Kakayanin mo ba?"

"Opo tito.. kakayanin ko po"

"Sige" sabi niya sabay tayo kaya napatayo na din ako

"Thanks po tito.." sa sobrang tuwa ko nayakap ko bigla si tito.. and dun ko lang na realize na seryoso siyang naka tingin sakin

"Ay! sorry po.. natuwa lang" sabi ko ng kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay tito.. medyo nahiya ako dun ah

"Becca."

"Po?"

nagulat nalang din ako nung niyakap din ako ni tito

"I'm sorry kung napapabayaan kita sa mag ina ko.. alam kong nahihirapan ka sakanila. i'm sorry.. sana sa pag payag ko maging sapat na yun at kung hindi man.. magsabi ka lang at ibibigay ko.."

"Tito?"

"Binilin ka sakin ng kapatid ko kaya ngayon ko palang ibibigay sayo ang pag aalaga na gusto niyang ipakita ko sayo"
pagkasabi nun ni tito ay humiwalay na siya sa yakap

"Di niyo naman po ako napabayaan.. at least nakaka-kain pa po ako ng tatlong beses sa isang araw at may bubong na masisilungan.." sabi ko at ngumiti lang si tito

"Sige.. matulog kana. maaga ka pa bukas" sabi ni tito kaya di ko mapigilang ngumiti..

"Sige po" sabi ko din at tinapik niya ako sa balikat bago siya umakyat"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon