"Ayos lang kaya siya?"
"Dalawang araw na siyang walang malay."
"Dalhin na kaya natin siya sa sentro at ipatingin sa mga healer doon?"
Napakunot ang noo ko sa mga hindi pamilyar na tinig na naririnig ngayon. Dahan-dahan kong iminukat ang mga mata at mabilis na napapakit na lamang noong nasilaw ako! "She's awake." Tinig ng isang lalaki naman ang narinig ko. Who are they?
"Hey! Can you hear us?"
Nanatili akong nakapikit ng ilang segundo. Pinakiramdaman ko muna ang sarili at noong wala naman akong maramdamang kakaiba sa katawan ko, iminulat kong muli ang mata. Ilang beses akong kumurap at bumaling sa gawing kanan ko. There. I saw the owner of the voices I heard earlier. "Uhmmm. Ano... Kumusta pakiramdam mo?" Nag-aalangang tanong ng isa sa akin.
"Where am I?" tanong ko at pinagmasdan ang mga kasama ngayon. Really, where am I? Saang parte ng Xiernia ako inilagay ng aking ina gamit ng kapangyarihan niya? Mula sa pagkakahiga, maingat na bumangon ako. Inalalayan pa ako no'ng isa mga babaeng kasama ngayon. At noong tuluyan na akong makaupo, tahimik kong pinagmasdan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan ko ngayon.
It was an unfamiliar room. Hindi rin pamilyar sa akin ang mga gamit na narito ngayon. Nakatitiyak ako na hindi ito isa sa mga kuwartong mayroon kami sa palasyo! Mayamaya lang ay mabilis akong natigilan noong maalala ang mga huling nangyari sa akin! Bumaling muli ako sa mga kasama at muling tinanong kung nasaan ako.
"Sa... uhmm... sa kuwarto ko?" Kunot-noong sagot ng babaeng umalalay sa akin kanina sa pag-upo. Agad naman itong hinampas ng katabi niya kaya napaharap ito roon. "Aray naman! Masakit iyon, ah!" Angal nito sabay ganti nang hampas sa katabi. Natigilan ako at pinagmasdan sila nang mabuti. They looked the same! Same height, same hair color... same face! They're twins!
"That's enough." I heard a man speak. Tumigil naman ang kambal na babae at inirapan ang isa't-isa. Napabaling ako sa nagsalita at namataan ang seryosong titig nito sa akin. "You're in our house, west part of Lynus. Nakita ka ng mga kapatid ko sa bukana ng gubat at walang malay. You were not injured when they found you kaya naman ay nag-alala ang mga ito noong hindi ka magising kahit anong gawin nila," anito na siyang ikinaawang ng mga labi ko.
West part of what? Lynus? Tila tumigil ang pagtibok ng puso ko at hindi makahinga dahil sa mga narinig mula sa lalaki. What the hell? "L-Lynus? One of the divisions of Tereshle?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nagkatinginan naman ang magkakapatid at sabay-sabay silang tumango sa akin.
Paanong napunta ako sa lugar na ito? Bakit nasa Lynus ako at wala sa Xiernia? Bakit... Bakit dito ako dinala ng aking ina?
Lumipas ang mga araw at nanatili lamang ako sa silid ni Natasha, iyong babaeng may-ari ng silid na kinaroroonan ko ngayon. The twins, Natasha and Nathalie, found me. Akala nga daw nila ay patay na ako. Ngunit noong mapagtanto nilang wala lang akong malay, they stayed with me for a while, at noong hindi pa rin daw ako nagigising, napagdesisyunan nilang isama ang walang malay kong katawan pauwi.
"Tereshle." I whispered to myself. Why am I here? I'm not supposed to be in this place! Dapat ay nasa Xiernia ako ngayon at nakikipaglaban! Ipinilig ko ang ulo ko at pilit iniisip ang maaring naging dahilan ng aking ina sa ginawa niya. Why did she use that spell? For what reason? To save me from our enemies? But I'm the Queen of Xiernia! Dapat nasa palasyo ako at kasama nilang lumalaban para sa kaharian namin!
Mabilis kong ginulo ang buhok at napabuntonghininga na lamang. "Mababaliw na ako kakaisip sa sitwasyong mayroon ang Xiernia ngayon," mahinang bulalas ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Nagtungo ako sa bintana sa gawing kanan ng silid ni Natasha. Hinawi ko ang kurtinang naroon at pinagmasdan ang tahimik na paligid. "I trust you, mom." I whispered to myself. "Alam kong may magandang dahilan ka kung bakit ako narito ngayon sa Tereshle."
![](https://img.wattpad.com/cover/89787936-288-k638087.jpg)
BINABASA MO ANG
Shanaya: Queen of the Fairies (Soon To Be Published)
FantasyKingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niyang mamuhay ng matiwasay sa labas ng kanilang kaharian, ang Xiernia. Noon pa man, itinatak na ni Sha...