The Dream

140 4 1
                                    

"Ma, alis na kami!"

"Sige, mag-aral ka ng mabuti dun ha. Wag kang bagulan. "

"Oo na"

"Ingat!" , ang sabi ni mama

Ang sabi ko naman, "Ikaw mag-ingat ma at wag magpapagod ng sobra, sige ka lalong dadami ang wrinkles mo nyan.'

"Che! Bata pa ako noh!'

" Tara na Marie, naghihintay na ang sasakyan sa labas at may pupuntahan pa tayo", sabi ni Tita Meg (real name is Maggy Dizon)

"Okay!"

"Babooshhhh, my beloved mudra!"

Habang papalayo na kami, si mama nakatingin lang, medyo luminawag na ang kanyang mukha di tulad ng mga nakaraang mga taon na stress na stress siya kung papaano niya ako bubuhayin pero ngayon sigurado na siya sa future ko pero nababakas ko sa kanyang mukha ang lungkot dahil malalayo kami sa isa't-isa. Ngayon lang kami di magkakasama. Parang miss ko na agad siya, charing masyado naman madrama ang inyong lola. Tama na, enough na ang drama.

********Makalipas ang ilang oras na biyahe nakarating na rin kami sa bahay ni Tita Meg*******

"Wow ang laki! Ahmm...tita, bahay niyo ba talaga ito?", tanong ko.

"Bakit, hindi ba ako pupwede magkaroon ng ganito kalaking bahay?'

"Hindi naman sa ganun, tita. Di lang ako makapaniwala na may kamag-anak pa la kami na ganito kayaman. "

"Well, hindi ko rin naman inaasahang aasenso ako ng ganito. Nagsipag lang naman ako, nakaipon, napromote at nagnegosyo na lumago. Pero mayaman nga ako, nag-iisa naman ako sa buhay. Kaya ng aksidenteng magkita kami ng mama mo at nalaman ko ang sitwasyon niya bilang  single parent, di na ako nag-atubiling kunin ka para pag-aralin. At least di na ko malulungkot dito sa bahay dahil hindi na ako nag-iisa. At pwede ba tawagin mo na lang akong mamita, mas gusto ko yun tutal 3nd cousin kami ng mama mo, parang pamangkin na rin kita."

"ahhh...............okay tita este Ma-Mi-Ta!"

"Siya nga pala tita...eh este Mamita, sana di mo mamasamain itong itatanong ko"

"Bakit? Ano ba yun?", curious niyang tanong.

"Bakit di ka na nagkapamilya?"

.....................Biglang nagkaroon ng awkward silence............................

Tapos nagsalita na siya....

" Ganyan talaga, hindi lahat ng bagay nakukuha natin" , ang sabi niya na nababakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

....Nag-iisip pa ako kung ano ang sasabihin ko kay mamita para mapagaan ko ang loob niya....

"Tita ah----Mamita, wag ka ng malungkot because Cutie Marie is here! Always at your service, ma'am!"

"Always at your service huh? Sige, masubukan nga kita. May isa akong request." 

"Basta ikaw Tita--- Arrggggghhhh--- Mamita nga pala, kahit ano!"

"Kahit ano? Sigurado ka?"

"Ano bang request mo Tita, Maaaaaaaamiiitttaaa! Habang pinapatagal mo lalo akong kinakabahan baka kung ano na iyan huh" curious kong tanong.

"Simple lang naman, pwede ko bang ituring kang anak habang nandito ka sa aking poder para maranasan ko naman kung papaano magkaroon ng isang anak"

Hooohhhhh.....Pinagpawisan ako doon kala ko kung ano na...........

"Yun lang pala, mamita, pinagpawisan ako doon ah"

"Sa wakas na dale mo rin. Nasabi mo rin ang Mamita na hindi ka nagkakamali. Pero hindi na iyan ang gusto kong itawag mo sa akin..... MOMMY MEG na lang."

THE UGLY DUCKLING TURNS INTO A SWAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon