Chapter 2

96 15 5
                                    

Habang naka sakay kami sa kotse niya na pansin kong ang seryoso niya.

Kitang kita ko ang seryoso niyang mukha kita dito sa likod dahil sa salamin sa harap.

Ano yang iniisip niya?
Siguro yung asawa niya, pero nakaka pag taka bakit siya iiwan ng asawa niya lalo na may anak na sila, siguro may kasalanan si kuya or baka naman si girl ni kuya.

Hay ano ba yang iniisip ko, bat ko na pinoproblema yung problema nila basta ang role ko lang dito is tulungan si kuya na bantayan ang baby niya ngayong gabi.

Ang himbing tulog ni baby ano kaya pangalan mo?

Ang ganda ganda mo naman siguro maganda din mommy mo.

Pero sana bumalik na mommy mo para di ka matulad sa akin.

Naalala ko na naman yung araw na umalis si mommy 8 years old pa lang ako.
Madalas kong marinig na nag tatalo sila mommy nun at dahil bata pa ko nun wala pa kong pakelam sa mundo.

Pero isang araw iniwan niya na lang kami.

flashback

Mommy I'm home!!
galing akong school noon and excited akong makita so mommy at excited akong ipakita na naperfect ko yung mga exams ko.

Pag pasok ko pa lang sa sala wala si mommy then sa kitchen dahil madalas ko siyang maabutan dun pero wala pa din siya pero na isip ko na baka nasa room lang siya kaya umakyat ako,
pero pag bukas ko ng pinto wala akong kitang anino ni mommy dun pero nag babakasali pa din ako na kinakabahan indi kasi si mommy umaalis ng bahay ng hindi niya sinasabe.

Habang iniikot ko ang room na pansin kong naka bukas yung cabinet ni mommy at dahil bata pa ko nun sinilip ko yung cabinet pero dahil sa wala akong na kitang mha damit niya unti unting tumulo ang luha ko.

Halos na gulat din ako ng biglang pag bukas ng pinto ako na kita ko si daddy na hingal na hingal  siguro hinahanap niya din si mommy.

Na kita ako ni daddy na umiiyak kaya alam niya na kung anong kinakaiyak ko.

Isang buwan akong Hindi naka pasok sa school sobra akong na depressed ng dahil sa iwan kami ni mommy.

Yung dati kong sigla na wala na parang bula simula nun naramdaman ko ng may kulang sa buhay ko at ganun din si daddy every time na umuuwi siya minsan lasing at pagod na pagod.

Masakit sa akong makita na nasasaktan din si daddy at dahil bata pa ko wala akong magawa.

Lahat ng paraan ng pag hahanap ni daddy ginawa niya na.

Dahil sa kulang na si daddy sa pag aalaga niya sa sarili niya bumagsak ang pangangatawan niya at dinapuan na siya ng sakit. He passed away 3 years ago.

Hindi ko alam kung bakit ganito nangyari sa buhay ko si daddy na lang meron ako na wala pa kahit lahat ng investments namin na wala na din sa dahilang na lugi na lahat lahat.

Kaya ng dumating ang Tita ko mas lalo naging mahirap ang buhay ko, pinag sisilbihan ko sila kahit ako ang may ari ng bahay.
At ngayon wala ng akong matirahan  dahil sa nakaka inis Kong pinsan.

Di ko na malayan na umiiyak na ko at bumalik sa realidad ng tumikhim si kuya.

Nanandito na kami sa tapat ng bahay ni kuya.

Pag labas ko ng kotse ay umikot si kuya para kunin si baby at kinuha ko naman ang bag ni baby na dala ni kuya kanina.

Pag pasok ko palang ng bahay nila ay namangha ako,  ang elegante ng bahay sino kayang kasama niya dito?

Na gulat ako ng may nag salita sa aking tabi.

Mam kunin ko na po yung gamit ni baby

Her Nanny (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon