Friend-zone 3

45 0 3
                                    

~Julia Gil's POV~

Sa totoo nyan.. Di'ko talaga crush kuno si Dj, Tinitignan ko lang kung makaka-amin sa akin si Kath kung may gusto talaga sya kay Dj. Ang plan ko para mapa-amin ko si Kath.. Papagselosin ko sya.. 

Alam na ni Dj lahat ng ito.. Ewan ko ba kung bakit gusto rin ni Dj..

Posibilty:

Lumayo si DJ kay Kath.

Wag naman sana.. Ugh!! Sana wag!!

Pinapunta ko si Kath sa gym.. remember?

At hindi naman talaga sya pinapatawag ni coach..

Si Dj aayain nya si Kath na mag-cutting.. At ang pupuntahan nila ay sa gym..

Ganun din ako.. magka-cutting ako at didiretso sa gym..

Sige! Pupunta na ako ng gym! Bye~

~Daniel's POV~

Kabalbalan ni Julia to lahat.. Ewan ko ba.. Ewan ko kung bakit gusto ko rin malaman..

Nag-kwentuhan kami ni Kath at maya-maya dumating na si Julia..

"Uy! 'bat ka naman pumunta dito Julia?" tanong ni Kath kay Julia.

"Wala lang.." sagot ni Julia..

"Nga pala Julia.. diba sabi mo kanina.. Pinapapunta ako ni coach.." sabi ni Kath kay Julia.

"Ah.. joke lang yun.. Di ka na kasi pumupunta ng pratice.." sabi ni Julia. Galing din magpa-lusot nitong gagang ito eh noh!

"Ah... hehe..." Nagtataka na ata si Kath.. 

Bumulong na si Julia sa akin.. at ang sabi nya "Simulan na natin ang flirt-flirtan kuno. Basta walang malisya to ha! sasapakin kita!"

Tumawa naman ako at umaktong kinikilig naman sya...

Bumulong ako sa kanya.. "Ano na ginagawa ni Kath?"

Tapos nilagay naman nya ang bibig nya sa may bandang leeg ko at umaktong hinahalikan nya yung mga leeg ko at nag-salita sya "Nakatingin lang sya sa atin" may hinabol pa sya.. "Para ngang nagagalit na masaya na ewan.. Pero sunod-sunod yung deep inhale-exhale nya.." sabi nya..

"Ganun ang ginagawa nya kapag nasasaktan sya.. Minsan ko na syang nakitang gumanon at ang sabi nya kapag daw medyo kumikirot ang puso nya gumaganon daw sya." at nag-smirk naman ako ng patago. Ewan ko kung bakit gusto ko tong ginagawa namin...

~Kathryn's POV~

Gusto kong tumayo at mag walk out pero baka sabihin ni Julia nagseselos ako..

Maya-maya parang naghahalikan na sila ng mga leeg. Pero teka.. bakit ba ako dito pinapunta ni Daniel kung ganito lang din naman gagawin nila ni Julia? UGH!!!! Magwo-walk out na nga lang ako!!

Lumabas ako at idinabog ang pinto dun sa gym..

Pumunta ako sa basketball court.. Dun lang kasi walang tao..

Dun ako pumwesto sa dulo at umupo sa sahig. At dun nagmuk-mok ako.

Kung ano yung mahawakan ko gamit ko man o basura tinatapon ko sa harap ko.

Nakita ko naman si Julia tsaka si Daniel na naglalakad papunta sa akin. Umalis naman ako agad.. Nahagip pa ng tenga ko yung boses nilang dalawa na nagsasabing "KATH! Teka lang! KATH!" Yes. Pinipigilan nila ako. Mga sira ang ulo! Hinabol ako ni Julia samantalang si Daniel naman kinukuha yung mga gamit ko..

Naabutan ako ni Julia at hinigit nya yung kamay ko tapos ang sabi nya

"Kath, May gusto ka ba talaga kay Dj o ano?" Nagulat naman ako sa tanong nya..

at ang nasabi ko nalang..

"Of course wala!" 

Nagulat naman ako sa sinabi nya..

"Hay nako ka Kath, Eh bakit ka nag walk out kanina?" sabi na nga ba! dapat di nalang ako nag walk out!

"Privacy nyo na kasi iyon" nag-rolled eyes naman sya

"Eh bakit mo pa idinabog yung pintuan? Ibig sabihin galit ka? Nagseselos ka?" huh? alam ba nya? alam ba nila?

"Bakit naman ako magseselos?" nagulat ako dun sa sunod na sinabi nya..

"Eh kasi may gusto ka sa kanya. Tell me the truth Kath."

"Anong ibig mong sabihin? Sinet up nyo ako?"

"Ie-explain ko sayo bestie *wink*" aba't nakuha pang mag-wink!

Pumunta kami ng canteen ni Julia at sinabi nya lahat ng plano nya.

Si Dj naman nawala na.. sa bagay.. uwian narin kasi..

Yung mga gamit ko.. Na'kay Dj, Ballpen lang naman yung tsaka kapirasong papel na kinrumpled ko na pinag sulatan ko ng pangal-----

HALA!!!!!!!!!!!!!!!!!!! OMG!!!!!!! Yung papel!!!! may pangalan nya yun na may heart heart pa!! HALA!!! Sana di na nya yun kinuha!! Sana di na nya yung makita!!!!

~Daniel's POV~

MISION COMPLETE! May nakita akong mga papel na pinagtatapon ni Kath kanina.. Tinignan ko yun lahat isa-isa. Natawa naman ako kasi yung mga sinusulat nya dun 'Kathryn love Daniel' tapos sa likod 'KathNiel' tapos yung isang papel naman 'I love Daniel Roquillo' tapos sa likod may sulat..

Dun sa sulat...

Daniel, mahal ko. Mahal na mahal kita <3 Sana maging more than best friend tayo. Haha. Masyado naman ako feeler. Pero okay narin siguro kung best friends lang tayo.. sana kapag nalaman mo na may gusto ako sayo di ka magalit.

Yun yung nakalagay sa sulat...

****************************************************************************************************************

Vote kayo tsaka comment ah! :D

Friend-zone (Kathniel Bernadilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon