~Daniel's POV~
Nagkita kami ni Angela sa field tinarayan nya lang ako. Hayaan na natin sya. 2 days lang naman kami, di ko naman sya masyadong minahal. Tapos nakita ko rin si Kath kasama si Miko, sila ba? Kung maka-tingin kasi sila sa isa't-isa eh.
~Julia's POV~
Nakita ko si Miko tsaka si Kath sa field grabe sila. CLOSE AGAD? HAHA. Si Kath nga naman.
Kaya tinawag ko si Kah tsaka si Miko.
"Kath! Miko!" Lumingon naman silang dalawa.
"Bakit?"
"WOW! Sabay pa kayo ah!""Close agad kayo ah *wink*"
"Eh kasi naman.." sabi ni Kath.
"Si Miko kasi ang sarap kasama."
"Yiie! Sagutin mo na si Miko!"
"Ayoko muna. Pa-choosy muna ako noh?!" Pabulong nyang sabi sa akin.
"Haha! Basta sagutin mo yan ha?" Tapos tumango naman sya.
~Kathryn's POV~
Nakaka-inlove naman talaga to si Miko. Type ko na sya. Gusto ko na syang sagutin kaso parang ang landi ko naman.
"Kath, kailan mo ba ako sasagutin?" Sabi ni Miko. Yiiiii.
"Ewan. Basta."
"May ganong araw ba?"
"Oo."
"Di nga? Wala akong nababalitang ganong araw? Bago?"
"HAHA! *whispers* Basta kapag 1 month ka ng nanliligaw sa akin sasagutin na kita"
"HA?"
"Wala *smiles* Tara na!''
"Hatid na kita sa room mo."
"Oki."
-
Nandito na ako sa room, hinatid ako ni Miko.
Nakita ko si Daniel mukhang problemado, malapitan nga.
"Deej? May problema ka ba?"
"Huh? Wala ah.."
"Ahh.... Nga pala... a-ano nga pala yung sasabihin mo dapat sa akin nung isang araw?"
"A-ah.. W-wala... Wala rin namang kwenta na."
"Ano ba yun? Sabihin mo na.."
"Sige na nga.."
Nakinig ako sa kanya sabi nya..
"Nung nakaraang araw kasi naging kami ni Angela tapos nung sasabihin ko na nga dapat sayo yun dumating naman sya bigla.. Kaya 'di ko na nasabi sayo, Tapos nung nag-lunch kami susubuan nya dapat ako ng spaghetti pero tumanggi ako. Kaya parang nagalit ata sya. Tapos kahapon nung di na kita nakita pagkatapos ng uwian nakipag-break na sya sa akin. Pero okay lang naman yun, Di ko rin naman sya masyadong sineryoso kasi 2 days lang naging kami."
"Ahh...."
"Eh ikaw Kath, Kamusta kayo ni Miko?"
"Huh? Kamusta kami? Walang kami."