The Killer [One Shot]

9 1 0
                                    

"Ugh" yan ang bungad ni Crimson pagkapasok palang niya sa kanilang silid aralan. Hindi niya namalayan na nagtuturo na si Senpaii Kessis.

"Good Morning Mr. Red, pleae take your seat." Ang sabi ni Ma'am Kessis kay Crimson.

Umupo na siya katabi ang upuan na ilang araw nang absent. Sumasagi minsan sa mga utak ng mga estudyante ng Jonaxx kung ano na ang nangyari.

Hanggang sa isang araw ay may narinig silang sigaw. Nagmula ito sa CR kaya dali-daling silang pumunta sa doon. Hindi makapaniwala sa kanilang nakita. Isa sa kanilang classmate ma babae ay nakahandusay sa sahig at duguan. Ang kanyang ulo ay durog dulot ng pagkadagan ng takip ng flusher at tila hindi matukoy ang mukha. Ang ipinagtataka nila ay walang bakas ng ebidensiya na nakita.

At sa araw rin yun ay nabalitaan nila na may namatay. Nakita ang kanyang bangkay sa likod ng Unibersidad na nakabalot sa garbage bag at may mahigit kumulang sa dalawampung saksak.

Sa sumunod na araw nagtataka sila kung bakit may nawawala sakanila. Nilibot ng buong section ang kanilang building hanggang si nakita ito ni Crimson sa Girl's Dormitory. Ang sahig at pader ng CR ay may bahid ng pula at ang tubig sa bathtub ay nagmistulang dugo sa sobrang pula. At doon nakita ang babae na nakahiga at kita ang mga lamang loob. Sa oras na yun ay nasusuka si Crimson pero inuna niya ang pagbalita na nakita na niya ang bangkay. Sumunod ang buong section sa kanila, pati na rin ang kanilang mga guro. Makikita estudyante na sila ay tila nasusuka, umiiyak sa sobrang takot, at bakas rin ang pag-aalala.

Sa pagkakataong ito, may nakitang kutsilyo sa lababo.

Sa mga sumunod na mga araw ay araw araw nang namamatay ang mga estudyante. Hindi akalain ng mga estudyante na may mangyayaring masama sa kanila. Lahat sila ay nakahanda sa kung ano man ang mangyari sa kanila.

Ito ang naging usap-usapan sa buong Unibersidad. Madaming nagsasabi na ito ay kagagawan ng isang masamang espiritu at marami rin ang nagsasabi na kagagawan ito ng isang estudyanteng gustong maghiganti.

Magdadalawang buwan na ang makalipas. Sina Shynleigh, Ként, Neon, Crimson, Caileigh, at Frederick ang natitira. Kahit na magkakaiba ang kanilang ugali ay nagawa nilang maging magkaibigan.

"Sa tingin niyo, kanino yung pinakabrutal na pagkapatay sa Section natin?" Out of the blue na tanong ni Ként.

"Apple" Sabay sabay nilang sabi. Nagtawanan sila pagkatapos.

(Plashbak) (wooooossshhh)
"G-g-guys!! Si Apple!" Hingal na hingal na sabi ni Shynleigh. Pawis na pawis at natataranta.

Ang mga natitirang estudyante ng Jonaxx ay sumunod kay Shynleigh sa Kitchen ng Cafeteria.

Doon nila nakita ang mukha ni Apple na nakahiwalay sa katawan niya at nakasabit. Magkahiwalay ang buto, lamang-loob at mga muscles na nakahiwa ng parang knorr cubes. Halo-halo ang nararamdaman ng mga estudyante. May nasusuka, nag-aalala pero nangingibabaw ang takot.

Nagtataka sila kung paano nalaman ni Shybleigh kung saan si Apple na tila alam na alam kung saan ginawa ang krimen.

(Present)
"Guys ihi muna ako" sabi ni Shynleigh tsaka lumabas ng room, naiwan ang apat.

"Nakita niyo ba si Caileigh?" tanong ni Kent. Ngayon lang nila napansin ang kanina pang nawawala na si Caileigh.

"Dahil gwapo ako, ako na maghahanap." Pagvovolunteer ni Frederick.

"Nakalimutan mo na bang may mamamatay tao dito sa building natin? Baka mapano ka." Sabi ni Crimson na nag-aalala. Totoo namang may mamamatay tao sa kanilang Building

"No worries guys, sasamahan ko si Fred." Saad ni Neon.

"Sige na nga. Basta magiingat kayo." Ang huling sinabi ni Crimson bago lumabas ang dalawa.

Maghahapon na pero hindi parin bumabalik sina Fred at Neon at kakadating palang nila Shynleigh at Caileigh sa kanilang classroom.

May nararamdaman sina Kent at Crimson sa kanilang dalawa sapagkat kakadating palang nila at hanggang ngayon ay wala parin sila Neon at Fred, pero hindi nila iyon pinansin dahil baka coincidence lang ito.

Pagkabukas ay wala parin sila kaya napagdesisiyonan ng apat na hanapin sila. Wala pang sampung minuto ay nakita na ni Shynleigh kung saan nakalatay ang katawan nina Neon at Fred.

Nakahubad sila at walang saplot sa katawan. Ang katawan nila ay binalatan kaya't sila ay naligo sa dugo. Makikita mo rin sa kanilang patay ngunit mulat na mata ang pagtataka at gulat. Ano kaya ang nakita nila? Tanong ni Crimson at Kent sa sarili.

Naghuhugas ng kamay si Crimson sa CR nang may naramdaman siyang malamig na bagay sa kanyang leeg, isang Kutsilyo. Isang maling galaw ay siguradong didiin ito at mamatay siya.

Tinignan niya kung sino ang tumutok ng kutsilyo sakanya sa salamin. Hindi nga siya nagkakamali ang killer ay si "-------"

Bago niya kung sino ang mamatay tao ay diniin na niya ang kutsilyo sa leeg ni Crimson.

Nagkalat ang dugo sa CR. Pati ang salamin ay napuno na nito.

Bago siya umalis ng CR ay pinutol niya ang mga paa at kamay ni Crimson, at hiniwa ang ulo. Kitang kita ang hurma ng kanyang Brain at basag na bungo. Bumaha na ng dugo sang CR. Nasatisfied na siya sa kanyang ginawa kaya umalis na siya. Hindi niya napansin na may naiwan na bakas ng dugo ang kanyang sapatos.

Napansin na ni Kent na nagtagal si Crimson sa CR kaya napagdesisyonan niyang tignan siya.

Nasuka sa Kent sa nakita. Magkahiwalay ang paa at kamay sa katawan at lumabas ang utak ni Crimson.

Napaluwa si Kent sa nakita. Napatigil siya nung may nakita siyang bakas ng dugo. Sinundan niya ito at hinatid siya nito sa isang abandunang building. Luma na ito at parang hindi pinuntahan ng ilang taon. Sinundan niya pa ito at huminto ito sa isang kwarto. Kinakabahan niya itong binuksan. Nanginginig ang kanyang kamay. Binuksan niya ito at pinaandar ang ilaw. Nakita niya ang mga litrato ng mga kaklase niya. Ang pagkakasunod-sunod ng litrato ay yun rin ang pagkakasunod-sunod ng pagkamatay ng kanyang mga kaklase. Nagulat siya nung nakita niya ang mukha niya sunod kay Crimson. Napansin niya na 49 lang ang litrato dun.

"S-si ano ang killer! Si----" Hindi niya natuloy ang sasabihin sapagkat may tumamang Axe sa gitna ng kanyang ulo. Hindi pa dun nakuntento ang killer. Pinagchopchop niya ang katawan ni Kent.

Nagulat ang killer nang may biglang sumigaw ng "ALAM KO KUNG SINO KA!" Sigaw ni Shia na tila hindi natatakot.

Kinuha ng killer ang kanyang mask. Sa likod nito ay isang magandang tao. Tao nga ba?

"CAILEIGH!!" Dugtong niya. Ito ang dahilan kung bakit sinugod ni Caileigh si Shynleigh. Mabilis si Caileigh pero mas mabilis si Shynleigh at mukhang mas bihasa ito sa pakikipaglaban. Parang alam na alam ni Shynleigh kung ano ang kayang sunod na galaw.

Sa gitna ng kanilang laban ay nagsalita si Caileigh.

"Alam kong alam mo na kailangan kong pumaslang ng Limampung tao para makabalik ako sa ating mundo. Bakit mo ako pinipigilan? Akala ko ay gusto mong muli tayong magkasama, aking KAPATID!" Saad ni Caileigh na mangingiyak.

"Kung hindi ka lang nagrebelde sa ating mga magulang, edi hindi ka pinatapon dito sa lugar ng mga tao!" Sigaw ni Shynleigh at nagpatuloy sila sa kanilang laban.

Sa wakas, napatumba ni Shynleigh si Caileigh. Nakatutok sa kanya ang Axe.

"Sige patayin mo na ako, KAPATID!" Sabi ni Caileigh.

Hindi nag-alinlangan si Shynleigh na patayin ang kanyang kapatid.

Nang idampi niya ang blade ng axe sa leeg ni Caileigh ay biglang naging abo ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Killer [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon