BOOK 1
//Prologue//
Mahal kita, mahal mo siya. Magsama kayong dalawa!
Torpe ako, manhid ka. Oh sige, bahala ka!
Ako na lang, ako na lang ulit. Tayo na lang please?
Have you ever wondered which hurts the most:
Saying something and wishing you had not,
or saying nothing and wishing you had?
Bakit deactivated na facebook niya?! Wait. Bakit di siya nag-oonline sa YM? Isang buwan na ah? Bakit? Teka, bakit di man lang siya nagrereact sa mga kaartehan ko sa GM? Eh halos payatin ko na sarili ko mapaniwala lang siyang may sakit ako. Hindi kayaa... Hindi naman siguro.
Hi. Ako nga pala si Jane. 15 years old. Incoming 4th year high school. Ang boring ng bakasyon ko! Wala man lang akong makausap. Meron naman pero ano eh, I mean, di ko na nakakausap yung ah eh yung.. '' unofficial '' boyfriend ko. Unofficial ba dapat tawag don? Basta, yun tipong '' Walang nakaka-alam '' Walang nakaka-alam kasi, bawal ako.
Strict kasi parents ko. Isang doctor si papa tapos lawyer naman si mama. Parehas silang hinahanggan dito sa lugar namin kaya medyo, ah hindi.. talagang limitado yung mga kilos ko.. namin. May kapatid ko, isang incoming 3rd year high school naman. Opposite kami parehas pero nagkakasundo sa pagkain -____-''
May barkada ako, pito kami actually. Pakilala ko na lang sila kapag lahat sila kasama ko para bongga! XD At higit sa lahat, may mahal ako.. Ay wait. May mahal pa rin ako.. Si Jeff, ang one true love ko. Si first love~ Nakilala ko siya sa social networking site, friendster? AJEJEJE. Syempre, bata pa ako non. 3rd year high school at talaga namang wala akong kaalam alam sa love love love na yan. Pero nung nakilala ko siya, tumalino ako este.. Nalaman at naramdaman ko.
//Chapter 1//
Jane's POV
Grabe! Wala akong magawa, wala nanamang nagamit ng laptop ko eh. Sosyalan lang, '' KO '' talaga. -KO-. Makagamit nga! Tapos nanaman ako dito sa collage ko.
Internet Explorer *Click* (Taray diba, kapanahunan ng mga gaga, explorer talaga)
Tying '' www.friendster.com '' Pak! Lagitik si Enter plus flip ng hair.
*Loading*
*Loading*
*Loading*
Ay nako, pasko na di pa tapos mag-load -____-''asdfghjkl
*Loading*
*Loading*
K. Email address, PAK! Tuklap ang keypad protector! Password, slow motion ever.
Boring >___> Who's viewed me? *Click*
Ay K. Nag-view nanaman ang esuserang chismosa naming neighborhood.
*Scroll*
*Scroll*
*Scroll*
HU U? King_Jeff_28? Okey, ma-view nga.
*Loading*
Naks, ang bilis mag-loading. Okey, sino to? Di ko kilala, pero friends niya yung mga schoolmates kong 1st year lang. Watever. K. Balik. Wala talagang magawa, makapaghanap na nga lang ng ma-eedit na background para sa profile ko. Ayun, pink! Katakot takot na copy paste nanaman to.
BINABASA MO ANG
OMGee's Series: Unofficial (ON HOLD)
RomanceSabi nila, masarap daw yung bawal. Yung tipong hindi pwede. Yung hindi maari pero what if dun ka masaya pero di para sayo. Hindi sayo itinatadhana dahil madaming mga hadlang. Paano mo masasabing.. Tama ka at mali sila?