Lahat po ng sinulat ko dito ay opinion lang, at ito po ay isang story fiction lang. Sana po ay magustuhan at suportahan niyo po sana itong story na ginawa ko. THANK YOU PO :)
Mr. Varsity Player
by:Princessna
PROLOGUE
VARSITY PLAYERS? Hindi ko sila gusto.
Marami kasing nagsasabi na mga PLAYBOY sila, SNOBBER at ang higit sa lahat ay MANLOLOKO.
Pero meron namang mga taong baliw na baliw sakanila.
May mga klase ng tao na gusto nila dahil sa gwapo o ganda nito,
Meron rin naman dahil sa galing nila.
Parang mga Fanboys at Fangirls.
Ee, kung makatili at makasigaw ay kita na ang mga organs nila
Parang hindi lang sinasadya na matignan, kala mo may wangwang sa lakas ng sigaw nila.
Mangitian lang, makahampas sa katabi nila para ka ng kinakarate at kinakatay sa sakit.
Mahawakan lang, kala mo mamamatay na parang last day na nila sa mundong ibabaw.
Maraming may gusto sa kanila, pero ako? Hinding-hindi ako magkakagusto at lalong-lalo na ang mainlove sa kanila. PERIOD.
________________________________________________________________________
CHAPTER 1
“Gising na! Hoy, malelate na tayo”
“Tae. Ang epal mo. 5 minutes nalang” sigaw na sabi ko sakanya. Ang aga-aga epal lang?! Dinilat ko mata ko na para bang nag bubeautiful eyes. Hindi ko na narinig yung sigaw ng babaeng yun at bigla nalang akong nakatulog ulit.
**Nasayo na ang lahat, minamahal kitang tapat. Nasayo na ang lahat pati ang puso ko ooohhhh**
“Hhhooooyyyy! Nasa labas si DJ (Daniel Padilla) hinaharana ka”
“Shet, asan?” napabangon ako ng wala sa oras, with matching ayos ng buhok at punas ng panis na laway.
“Joke lang, Cesca”
“Ang epal mo, kala ko naman totoo na. Makaligo na nga” tumayo na ako at nagpunta sa banyo. By the way, iintroduce ko muna sa inyo ang aking magandang sarili. Ako nga pala si Cesca Flora, nag-aaral ako sa Monteclaro University. Isang pangmayamang university na scholar lang naman ako dun. Wala akong ibang talent kundi ang kumain ng mga desserts. Working student kaming dalawa ng BFF ko. Si Steph Reyes ang BFF ko, simula pagkabata BFF na talaga kami. Turingan namin ay magkapatid na dahil sa haba na ng pinagsamahan naming. Magkasama kami sa isang dorm, pinaghahatian naming ang pagbayad ng renta dun. Mura lang naman kasi sakto lang saming dalawa, atsaka malapit na sa university namin.
“Hoy, Cesca bilisan mo. Malelate na talaga tayo” Pagmamadaling sabi niya.
“Oo, eto na nga oh. Palabas na!!” lumabas na nga ako ng nakatapis at nagbihis na ng mabilis. Di uso sakin ang make-up no. Nilikha akong maganda kaya di na kelangan niyan.
*Habang naglalakad lakad sa hallway ng university*
“Twin, nabalitaan mo ung bagong Varsity Player natin? Basketball nilalaro niya”
“Wala akong interest jan, kaya tumigil ka sa kalandian mo” mataray na sabi ko sakanya, at sabay irap sakanya. Walang kasi akong interest jan sa mga Varsity Player nayan.
“Minsan lang eh, taray mo”
“Minsan? Araw-araw kaya!” sarap patayin netong babaeng to, pasalamat siya BFF ko siya.