CHAPTER 2

21 0 0
                                        

CHAPTER 2

“HOY, ANONG MANLILIGAW? IKAW MANLILIGAW? BABAE KA TANGA, HINDI KA LALAKI!”

“Ano naman?” mataray niyang sagot at nakataas pa ang isang kilay

“Anong ano naman? Babae ka, tapos ikaw manliligaw. Nababaliaw ka na ata ee? Tara na dadalhin na lang kita sa mental!! Bangag ka na ata” seryosong sabi ko at sabay hila sakanya. Kababae niyang tao tapos siya manliligaw? Landi agad ang iniisip eh, dapat aral muna. Gayahin niyo ‘ko nag-aaral ng maigi, hahahahaha

“Ano ba Ces, okay lang yan! Para kakaiba diba? Atsaka Masaya yun. Lagi nalang kasi mga babae ang mga nililigawan, kaya siya naman ang dapat makaranas ng ganung feelings!”

“Bahala ka dyan! Iiwan na kita. Kakain na lang ako sa canteen!” pasigaw na sabi ko sakanya. Tae niya! Kababaeng tao siya manliligaw, dapat siya ang nililigawan! Nakakabadtrip to.

“OKAY!” okay? Nababaliw na ba sya? O may sayad lang talaga siya? Di ko nalang siya pinansin at pumunta nalang ako sa canteen para kumain ng kung ano-ano

Habang nakaupo ako sa canteen at kumakain , bigla akong nakarinig ng boses

“Baka tumaba ka nyan miss?” ang epal naman nito? Sino ba ‘to?

“Ang epal mong nilalang! Sino ka ba?” sinabi ko yun ng di ko man lang siya nililingon. Bakit? Sino ba sya? Di sya importante! Mas importante ‘tong pagkain ko kesa sa sakanya

“Di mo ba ako kilala?” aba?! Tanga ata ‘to ee?! Itatanong ko ba kung kilala ko sya? Ang engot.

“Sa tingin mo? Baka magtanong pa ‘ko sayo kung kilala na kita? Wag mo na nga ako kausapin! Mas lalo pa akong nababadtrip!!”

“Sorry ah! Ako si Khent Ocampo, Varsity ng basketball. Ikaw lang ata ang hindi nakakakilala sakin?” sabay upo sa tabi ko. Syet!

“Talagang ‘di kita kilala. Wala naman akong interes sayo. At kung meron man, wag ka ng umasa” prangkang sagot ko sakanya

“Makaalis na nga, dagdag ka sa kabadtripan ko eh” kinuha ko na ang bag ko at tumayo para maglakad paalis

“Oh bakit aalis ka na agad?” tanong siya ng tanong, papabitay ko to eh

“Paki mo ba? Nakakabadtrip kasi yang mukha mo! Mukha halimaw!!!”

“Ako pa mukhang halimaw, sino kaya mas mukhang halimaw satin?”

“Itatanong mo pa eh, diba kakasabi ko lang sayo. Ang bilis mo naman agad makalimut” ang lakas talaga makabadtrip nitong halimaw na ‘to

“I heard, ikaw yung may ayaw sa mga Varsity Players?” ang kapal ng mukha niyang magtanong at pano niya nalaman?

“Oo, ayaw ko sainyo! Kasi mga MAYAYABANG at mga MANLOLOKO kayo!!!” diniinan ko at nilakasan ko ung mayayabang at manloloko para dama niya at naglakad na ako palayo sa halimaw na yun baka ano pang magawa ko sakanya. Tinawagan ko si Steph para malaman ko kung nasaan siyapara mapuntahan siya

*Magkausap sa cellphone*

“Hoy! Asaan ka ba?”

“Kala ko ba wala kang paki sakin?”

“Tanga, ee bakit mo sinagot?”

“Edi ibababa ko”

“Hoy! Wag mong baba, asan ka ba kasi? Pupuntahan nga kita ee”

“Dito sa may kabilang canteen” kala ko pumunta na siya dun sa Sam na liligawan daw niya, hindi naman totoo!

“Ah, sige punta na lang ako jan” binaba ko na yung cellphone at naglakad na para pumunta dun kay steph, AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! Badtrip yung lalaking yun!! Ang sarap niyang imassacre. Kung pwede lang talaga, kanina ko pa siya napatay at siguro ngayon wala na ‘ko dito sa school baka nasa kulungan nako

Mr. Varsity PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon