CHAPTER 3

18 0 0
                                        

CHAPTER  3

Bumalik na ‘ko sa counter at nagpatuloy na sa naudlot kong ginagawa kanina dahil dun sa halimaw na yun, pero infairness parang raket ko na yun, wala akong ibang gagawin kundi ang magpanggap lang na girlfriend niya. Pumayag lang naman ako dahil lang sa bayad at hinding-hindi magbabago ang tingin sa mga Players.

“Ok guys, break muna kayo. Andyan na yung mga papalit sa inyo” sabi ng boss namin

Yes, break na namin. Parang excited na ‘ko bukas ah, exciting to!!! Makapunta na nga kay Steph

“Steph, tara na. Break na kaya! Ang sipag mo masyado eh”

“Sige na nga!” umupo kami sa isang sulok para kumain at magkwentuhan ng mga kalandian namin sa buhay at nang kung ano-ano pa, naku! Buti pa siya lumalovelife eh, ako? Ay naku! Wag nang isipin yan! Hindi hinahanap ang LOVE kusa nga kasing dumadating yan.

Natapos ang buong araw, nakakapagod! Pero okay lang ganyan talaga ang life…  makatulog na nga! Good night everyone!

*kinabukasan*

“Frend, gising na! malelate na tayo oh!(alog, alog)”

“Istorbo! Ang aga pa eh!” sigaw ko sakanya habang nakatakip pa sa mukha ko yung unan kong may panis na laway, walanjo ‘to eh no!

“Bahala ka dyan, iiwan kita!” sows, iwan mo! Paki ko…

“Panira!” panira talaga ‘tong babaeng’to porket may date sila ni Sam! Nangiigit ang bruha?

“Maligo ka na nga kasi, ang dami mo pang daldal jan”

“Ang sarap mong buhusan ng mainit ng tubig, pinakealaman ko ba yang pagligo mo ha?” nakakainis na ‘tong babaeng ‘to, nangangailam eh! Hmp, makaligo na lang. kesa magtatalak tong babaeng ‘to kala mo naman nanay ko siya?

*Sa banyo*

“HMMMMMMMMMM,HMMMMMMMM, H MMMMMMMM” SARREH, feeling ko kasi ako si Snow White, yung tipong humihimig ako tapos tinutulungan ako ng mga hayop. Hahaha. Gets niyo? Nevermind na nga.

“Bilisan mo na friend!” ayan nanaman ang mala wang-wang na boses niya! Kung naririnig mo lang boses niya ngayun, siguro napasigaw ka na ng sunog kasi parang fire cracker yung boses niya!

“Oo na po! Matatapos na nga ako oh”

Nagpunas na ‘ko ng katawan at nagbihis ng uniform at nagsuklay para makaalis na, kasi nagmamadali tong friend ko eh, may date daw kasi sila ng Sam niya. Anong connect? Hahaha.

“Hoy, tara na Steph, malelate na talaga tayo, ang bagal mo kasing kumilos eh”

“Sinabi ko bang hintayin mo ‘ko ha? Edi dapat nauna ka na”

“Friend, bakit may sasakyan dun sa tapat ng gate natin?” aba? Tanungan ba ‘ko ng mga sasakyan sa harap ng gate?

“Aba! Isearch mo sa google, diba nagmamadali ka? O ‘bat ngayon yang sasakyang yan ang inaatupag mo?” mataray kong sabi sakanya habang ako naman ay busying busy sa pag aayos ng bag at sapatos ko

“Nagmamadali? Eh, di ka pa nga tapos jan eh. Basta baba na ‘ko, sumunid ka nalang, BYE”

“SHHHHHHH, ‘bat kasi kelangang maaga ang pasok?! Pwede namang tanghali o kay hapon! Letcheng University ituuuu!” pagdadabog ko sa sarili ko, wala naman akong ibang kasama ditto baka mamaya may sumagot pa tae.

Kinuha ko na yung bag ko at inaayos ang uniform ko kasi baka mamaya nga merong sumagot sakin. Sinara ko na yung pito at nilock para makaalis na pero biglang nagsisigaw si Steph at pumunta sakin

Mr. Varsity PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon