Chapter 13

41.7K 647 49
                                    

Gusto ko lang mag-thank you sa mga taong nagtha-thank you din dahil sa binigyan ko sila ng dedikasyon. Alam niyo na kung sino kayo. Sa mga nanghihingi at di ko pa mabigyan, antay-antay lang ha. Siya nga pala, pagpasensyahan ang mga typos. :)

Hi SparkleMaze, thanks for supporting BMP! Enjoy this chapter! :)

 

x

CHAPTER 13

 

 

 

Kareeza’s POV

Abala na ang lahat sa midterms at kahit ako, abalang abala na din. Hindi dahil sa exams kundi dahil sa punyetang singing contest na yun. Makakalbo ko talaga si Micaela pagkatapos nito. Hindi pa kasi ako handa. Wala pa akong susuotin at wala pa akong naisipang kanta. Pakshet!

“Besty, kakain ka pa? Mukhang nakaka-isang karton ka na ng Milo ah?” sinamaan ko siya ng tingin. Ang sarap balatan nitong nerd na ‘to. Parang hindi alintana sa kanya na isa siya sa mga naging sanhi ng problema ko. Grr.

Binigyan ko siya ng matatalim ng tingin habang nililigpit ang sandamakmak na Milo wrappers sa mesa. Nakaugalian ko na kasing pumapak ng Milo pag inaatake ako ng nyerbyos. Bukod kay Micaela at Brent, wala ng ibang tao pa ang nakakaalam nito.

Nagsimula nang humagalpak ng tawa si Micaela nang makita niya akong magkanda-ugagang ligpitin ang kalat ko. Tss. Sinamaan ko ulit siya ng tingin.

“Op! Op! Umuusok na naman ang ilong mo!” tinuro pa niya ako saka tumawa. Babalibagin ko na sana siya... “Hala, Nate oh!” pero natigil ako sa plano ko. Biglang nangatog ang dalawang binti ko habang unti-unting nilingon ang aking likoran.

Halos umusok ako sa inis dahil sa naisahan na naman ako ni Micaela. Muntik pa siyang madapa dahil sa kakatakbo. Impit pa itong tumatawa na para bang si Sisa. Natawa nalang ako sa baliw na ‘yun. Pailing iling lang ako habang nililigpit ang mga kalat sa mesa. Di ko maikakaila na botong boto siya kay Nate kasi halos araw-araw nitong sinasambit ang pangalan ng boyfriend ko. Kung malesyosa lang akong tao, malamang pinagdudahan ko na si Mica but knowing Mica? She’s not capable of doing that. Masyado siyang attached sa pinsan ni Nate.

“Kareeza!” napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Karen. Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ‘to?

Ni-head to foot niya pa ako bago ako tinaponan ulit ng tingin. Ang kapal ha.

“Layoan mo si Nate.” Pagdidiin niya sabay irap. Teka nga, may kutsilyo ka ba riyan? At gusto kong hiwain ang manggang ‘to.

 

“Ayoko nga.” Ngumisi ako sa kanya. Halos umusok ang tenga niya sa sinabi ko. Gusto ko ring matawa dahil sa reaksyon niya. Sing dilim ng kili-kili niya ang mukha niya ngayon.

“Ang kapal talaga ng mukha mo!” napapikit ako ng dumapo ang sangkaterbang laway niya sa mukha ko. Showering. Marahan kong pinahid ang mukha ko gamit ang puting panyo ko saka siya hinarap.

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon