Chapter 20

33.9K 387 21
                                    

CHAPTER 20

 

 

 

Kareeza’s POV

 Hanggang ngayon kinikilabotan parin ako sa mga kilos nina Karen kanina. Simula sa pagbati niya sa’kin hanggang dun sa pag-special mention niya sa’kin sa loob ng lab. Hindi ko lubos maisip na maaring nagbago na nga siya kasi iba ang nararamdaman ng radar ko eh. Kinakabahan ako na kinikilabotan. Para bang may alam siya na isang bagay na ayokong malaman niya tungkol sa’kin.

Nabalik ako sa ulirat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kumalabog ang puso ko habang nakangiting inaabot ang cellphone ko. Baka kasi si Nate ang nag-text. Whole day kasi kaming hindi nagkita, busy daw ito sa pagpe-prepare ng after party. Hay. Ang hirap maging Presidente talaga. Ang dami mong obligasyon. Umiling nalang ako at inunlock ang cellphone ko. Bahagyang kumunot ang noo ko nang matagpoan kong pangalan ni Hanz ang nakalagay sa screen.

Hanz:

Are you asleep? I’m outside.

Napabalikwas ako nang bangon at agad hinablot ang nakasampay kong university jacket. Napatingin pa ako saglit sa orasan na nasa bedside table ko. Hala. Alas diyes na ng gabi ah. Ano kayang ginagawa ni Siobhan dito? Nagugulohan man ay pinili ko nalang lumabas ng bahay para puntahan siya.

Pagkabukas ko palang sa main door ng bahay ay natanaw ko na agad ang kotse ni Siobhan.

“Oh my God! What happened to you?!” Napatakip pa ako sa bibig ko at agad tinungo ang dugoang si Siobhan. Nakasandal lang siya sa kotse niya habang nakapikit.

“J-just please heal me.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ba’t parang iba ang dating nun sa’kin?

Kinagat ko ang labi ko bago siya dinalohan. Inalalayan ko pa siya papasok ng bahay dahil sa hindi narin ito makalakad ng maayos. Napangiwi ako nang magdikit ang mga balat namin. Ayoko talaga sa amoy ng dugo. Hindi naman sa maarte ako o natatakot sa dugo, talagang ayaw ko lang sa amoy ng dugo. Pakiramdam ko kasi hinahalukay ang sikmura ko ‘pag naamoy ko ito.

Marahan ko siyang pinaupo sa couch namin pagkapasok namin ng bahay. Nang maayos na siya, lumayo pa ako ng kaunti kasi dumikit na naman sa ilong ko ang amoy ng dugo. Damn. Di bale ng maghapon akong umamoy ng utot, wa’g lang dugo ng tao. Kinagat ko ulit ang labi ko habang nakatingin kay Siobhan. Puno siya ng galos at pasa. May sugat pa ito sa bandang kilay at bibig niya. Napailing nalang ako. Daig niya pa ang na-Vhong Navarro ah.

“Aren’t you gonna heal me or what?” Napaatras na naman ako sa biglaang pagsasalita niya. Ayan na naman yung ‘heal’ niya. Humugot nalang ako ng malalim na hininga bago tinungo ang kusina namin – kung saan nakalagay ang first aid kit namin. Kumuha rin ako ng bimpo at tubig para pamunas ni Hanz. Napakamot pa ako saglit nang mapaisip ako kung saan ako kukuha ng damit niya. Sira-sira kasi ang damit nito at puno ng dugo. What the hell, Siobhan! You better have a good excuse about this! Masyado na niya akong binibigyan ng problema ah.

“Uhh. H-humiga ka nalang.” Utal utal kong sabi pagkarating ko sa sala. Kinagat ko pa ang dila ko dahil sa panginginig ko. What the? Ano bang nangyayari sa’kin?

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon