"Are you sure you want to resign now?" Tanong ng boss ko.
"Yes, Sir." Sabi ko. Halata ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Isang buwan pa lang kasi mula nung ni-promote niya ako para maging manager ng kompanya niya. At kung ako ang nasa posisyon niya, sigurado akong malulungkot din ako kung may isang tao ako ni-promote na magre-resign.
Kinuha ko na ang bag ko kung saan nakalagay ang mga pampaganda ko at lumabas na ng opisina niya. Hay, salamat! Pagkatapos ng tatlong taon! Nagkaroon na rin ako ng sapat na pera para buhayin ang pamilya ko. Ililipat ko sila sa siyudad na puno ng teknolohiya. Puno ng kayamanan! Hindi katulad doon sa probinsya na ang halos makain mo lang naman ay puro mga prutas at iba pang makukuha sa mga halaman.
Wala man lang mga processed food like meatloaf, hotdog, ham at iba pa. Gusto kong iparanas sa kanila ang buhay-siyudad. Kaya nakapanghihinayang man na kung kailan ako na-promote bilang manager doon ay saka pa ako nag-resign, ayos lang. Makakasama ko naman ang pamilya ko.
Lumabas na ako ng building na iyon at naghanap na ng sasakyan para makauwi sa amin. Nung makasakay na ako ay nagsimula na akong mag-isip ng mga bagay na pwedeng mangyari sa pag-uwi ko.
***
Bumaba ako ng tricycle. Medyo nahilo ako pagbaba ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahilan lang ito ng jetlag ko. Nakita ko ang gate namin. Sobrang saya ko ng makita ko ito. Ito ang bahay namin. Medyo malaki rin ang bahay na ito. May second floor. Kami iyong tipong masasabi mong mayaman dahil sa kagamitan namin sa bahay pero sa katotohanan ay mahirap kami sa buhay.
Magtatawag na sana ako nang may kumalabit sa akin mula sa likod. Paglingon ko, si lolo.
"Lolo!" Niyakap ko siya. Wala siyang imik. "Lo! Kamusta ka na?! Medyo matagal din tayong di nagkita ah!" Biro ko doon sa parteng 'medyo' dahil tatlong taon kaming hindi nagkita. "Mas lalong kumulubot ang balat niyo! Halatang hindi kayo malusog. Pero huwag po kayong mag-alala. Iaalis ko na kayo dito at mas magiging malusog kayo sa siyudad!" Excited kong sabi. Wala pa rin siyang imik. "Wala ka bang sasabihin?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka naman kasi. Kanina pa ako salita ng salita dito. Sobrang saya at sobrang excited ko pa nga kung magsalita eh tapos siya ay walang imik. Ni wala man lang ka-expre-expression yung mukha niya. Ba't parang namumutla siya? "Lo, may sakit ka ba?" Tanong ko. Umiling siya. May sakit ito. Sigurado ako diyan. Ang hilig niya talagang magsinungaling. "Halina po kayo! Pasok na tayo sa loob." Sabi ko sa kanya at lumingon ako doon sa may pintuan ng bahay namin at tinawag si Mama.
"Mama!" Tawag ko sa kanya. Silang dalawa lang kasi ni Lolo ang naninirahan dito. Namayapa na kasi si Papa at si Lola at ako ang nag-iisang anak kaya silang dalawa ang naiwan ko dito para magtrabaho ako sa Maynila.
Bumukas ang pintuan ng bahay namin at bumungad ang magandang mukha ng nanay ko. Nilingon ko si Lolo. "Oh, Lo-" Napatigil ako dahil wala na siya sa likod ko. Tumingin ako sa paligid. Ang bilis naman niyang mawala.
"Sinong tinitignan mo diyan?" Nilingon ko si Mama na malawak ang ngiti na nakaharap sa akin. Niyakap niya ako. Naramdaman ko ang pag-iyak niya sa balikat ko. Hinagod ko ang likod niya. Halos maiyak na rin ako sa tuwa. Parehas naming na-miss ang isa't-isa. Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. Hinarap niya ako at sinuklay-suklay ang buhok ko gamit ang kamay niya. "Ang ganda na ng anak ko."
"Dati pa." Nagtawanan kami. Naalala ko na naman si Lolo. "Uhm, anyway, bakit mo nga po pala pinapabayaan na lumabas si Lolo? Nakita ko po siya kanina dito. Maputla siya. Parang may sakit. Hindi nga nagsasalita eh. Dapat, Inay, wag niyo pong pababayaang lumabas si Lolo dahil alam niyo naman na pong matanda na siya at madali na siyang magkakasakit." Habang nagsasalita ako ay putlang-putla si Mama. Huh? Bakit siya namumutla? Nahawa na rin ba siya ng sakit ni Lolo.
"Si L-lolo?" Tanong niya. Halata ko ang takot sa kanyang boses.
"Opo. Bakit po." Huminga siya nang malalim.
"Sumama ka sa akin. Pasok tayo sa loob." Sumunod ako sa kanya sa loob. "Maupo ka muna." Sabi niya sabay turo doon sa kahoy na upuan namin. Umupo ako doon. Umupo naman siya sa katapat na upuan. "Nakita mo ba si Papa?"
"Opo." Hinawakan niya ang braso ko.
"A-anak, imposible iyon. Patay na ang lolo mo dalawang taon na ang nakalilipas. Pasensya na dahil hindi ko man lang nasabi sa iyo." Bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Pakiramdam ko ay lumakas ang hangin sa paligid kahit na nasa loob lang naman kami ng bahay. Halata ko ang lungkot at takot sa mga mata ni Mama.
Sino kaya ang nakita ko doon sa gate kanina?
"A-ano pong ikinamatay niya?"
"Nung araw na iyon, nagtaksil siya sa isa sa mga kaibigan niya. K-kaya pumunta dito ang kaibigan niya at binugbog siya hanggang sa mamatay. Sa harap nang maraming tao. Kahit anong pigil ko ay ayaw nila magpapigil. Hanggang mamatay ito at pinutulan nila ito ng dila." Kita ko ang panginginig ng mga kamay ni Mama sa takot. At habang tumatagal ang pananatili ko dito sa bahay na ito ay padagdag nang padagdag ang takot na nararamdaman ko.
Umalis din ako sa bahay na iyon nung araw ding iyon. Hindi ko isinama si Mama.
Halata ko ang pagka-depressed ni Mama sa mga nangyari dalawang taon ang nakalilipas sa kanyang mga mata. Tuwing nag-aaway kasi kaming dalawa ay humihingi siya ng payo kay Lolo. Papa's boy si Mama kaya ganun na lang ang lungkot niya nung mamatay si Lolo. Magka-close silang dalawa at hindi nila kayang iwan ang isa't-isa. Hindi kaya iwan ni Lolo si Mama. At pakiramdam ko, kung makakasama ko si Mama, makakasama ko rin siya.
*Wakas*
aAvEv
BINABASA MO ANG
Wala Ka Bang Sasabihin? (One Shot)
HorrorNagbakasyon na. Pagkatapos ng tatlong taon na pagta-trabaho ni Jodie sa Maynila ay nagkaroon ng pagkakataong umuwi sa probinsya nila. Sino kaya ang maaabutan ni Jodie sa pag-uwi niya sa dati niyang tahanan?