Chapter 1

196 10 4
                                    


Samantha's POV

" LUMAYAS KA DITOWALA NA ANG TITO MO KAYA HINDI KA NA PWEDENG TUMIRA DITO !! "

"Eh Tita saan na ko nito titira?  "
Hayss ..  Ewan ko ba kong bakit galit na galit sakin si tita ..  Wala naman akong ginawa na ikagagalit niya .. Lagi na lang siyang galit sakin .  At ngayong patay na si tito Fred .. Pinapalayas na niya ko

"Wala akong pakialam !  Basta umalis ka na dito dahil sampid ka lang naman! "

Bigla nalang tumulo ang luha ko

Alam ko namang sampid lang ako sa pamilya nila ..
Araw araw nilang pinamumukha sakin yun
Bata pa lang ako Ulilang lubos na ko
namatay  ang pamilya ko dahil sa car accident ..

Ang daddy at mommy ko pati narin ang kuya ko namatay dahil don
Alam ko na lahat ng nangyari non dahil 9 years old na ko non
Umiyak ako ng umiyak non

Ang gabing nagpa-bago ng buhay ko

*FLASHBACK*
9 Years Ago

"Baby!! " pagtawag sakin ng daddy ko

Kaya tumakbo ako palapit sa kanya

"Dad, hindi na ko baby 9 years old na po ako eh.. "
Pag mamaktol ko.. 
Natawa naman si dad sa inasal ko

"Alam ko naman yun, Pero para samin ng mommy mo ikaw parin ang baby namin "
Ngumiti naman ako sa kanya

" Bakit niyo po ko tinawag daddyAalis po ba kayo? " tanong ko

"Yes baby, may pupuntahan lang kami ng mommy at kuya mo " sabi ni dad

"Okey po "  nakangiting sabi ko

Nakita ko naman si kuya na papalapit
14 years old na siya.  Mas matanda sakin ng limang taon ..

" Kuya!!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya ..

"Princess, How are you? "
Niyakap niya ko

"I'm Fine kuya, kuya dalhan mo ko ng pasalubong ah .." Natawa na lang ang kuya ko ..

"Oo naman ..syempre hindi ko makakalimutan yon " Hihi hindi talaga ako matitiis ni kuya . ..

"Samuel " tawag ni dad kay kuya .

"Yes dad? "

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon