Part 1

6 0 0
                                    


Kung akala mo kulang sa pag-ibig ang mundo, tumigin ka sa paligid mo. Madaming mukha ang pag-ibig may puppy love, sibling love, pag-ibig na umaasa pero nganga, pag-ibig na natuldukan na, pag-ibig na pausbong pa lang, pag-ibig na urong-sulong, pag-ibig na matamlay at pag-ibig na handang umalalay. Lahat tayo, naghahanap ng taong nararapat sa atin yung tipong siya na hanggang dulo. Yung iba nakita na pero pinakawalan pa, ang iba naman ay akala siya na pero hindi pa, mayroon ring iba na ibinigay na lahat pero hindi pa pala sapat, at yung iba naman nakatagpo na ng taong nararapat para sa kanya. Sa ating mundo may mga taong nasaktan at nasasaktan. Minamahal at nagmamahal. May mga tao rin na hanggang ngayon ay umaasa paring mahalin ng taong kanilang iniibig. Marami sa atin ang hindi naniniwala sa Forever ngunit may mangilanngilan na umaasang meron at masasabi niyong isa ako roon. Nais kong ikwento sa inyo ang aking buhay pag-ibig, gusto kong katulad ko ay masaksihan niyo kung paano ako umibig. Maaari ba?

Magandang araw ang sumalubong sa amin kasama ang aking mga pinsan. Nakita ko agad aking isang pinsan kasama ang kanyang mga kaibigan. Napukaw ng aking atensyon ang isang babae na napakaamo ng mukha at tipong gagaan ng iyong loob kapag siya'y iyong nakita. Masuwerte ako at pinakilala ko sa kanya at nalaman ang kanyang pangalan. "Mary Jane" pati ang kanyang pangalan ay nakakabighani, bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kanya lalo na ng nakipagkamay ako at nahawakan ko ang malambot niyang mga kamay. Halos araw araw ay bumibisita sila sa aming bahay na akin namang kinatutuwa sapagkat ang maganda niyang mukha ay lagi kong nasisilayan. Gusto ko man siyang kausapin ng kaming dalawa lamang ay hindi ko magawa dahil alam kong tutuksuhin kami ng aking mga pinsan at mga kaibigan kaya naisipan kong kausapin siya sa pamamagitan ng facebook kung saan ay malaya naming nasasabi ang aming mga gustong sabihin sa isa't isa.

UmiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon