Part 2

7 0 0
                                    



Hanggang sa dumating sa ang oras kung saan ay kailangan ko ng umuwi sa aking tunay na tahanan. Nakakalungkot isipin na ako'y mawawalay sa kanya ng matagal dahil alam kong matagal pa ulit ako makakadalaw at makakabalik sa bahay ng aking mga pinsan sa Marikina kung saan din siya nakatira. Nais kong magpaalam sa kanya ng personal ngunit dala ng hiya ay hindi ko nagawa. Simula ng umalis ako sa Marikina ay hindi na ulit nagtagpo ang aming landas. Sa facebook na lang kami nagkakausap ngunit dumating ang araw na maraming nagbago. Bihira na lang kami kung magusap hanggang sa dumating sa punto na nawalan na kami ng komunikasyon sa isa't isa. Lumipas ang tatlong taon pero hindi ko parin siya nakakalimutan. Hanggang sa dumating ang kaarawan ng aking pinsan kung saan ay nakita at nasilayan ko na naman siya. Sobrang saya ko nung araw na yun gusto ko siyang lapitan ngunit di ko nagawa kaya katulad ng dati ay sa facebook ko ulit siya kinausap. Sa chat ko pinaramdam sa kanya yung tunay kong intensyon. Sobrang sweet ko sa kanya lagi rin kaming nagchachat sa fb. Hanggang inimbta ako ng pinsan ko na sumama sa isang play na gaganapin sa UST at kasama niya ding inimbita sa Mary Jane. Nagulat nga siya ng makita ako na kasama ang mga kaibigan niya ngunit sa kasamaang palad ay di natuloy ang aming panunuod kaya napagdesiayunan na lang namin umuwi. Doon ulit nagsimula ang lahat kaya laking pasasalamat ko sa aking pinsan dahil isinama niya ko kaya nagkaroon ulit ako ng pagkakataon kay Mary Jane. Simula noon ay araw araw na ulit kaming nagchachat at kung minsan ay tumatawag ako sa kanya. Napagplanuhan naming magkita at ng magkita kami ay laking gulat ko dahil bigla na niya akong niyakap. haggang sa ikatlong pagkikita namin bigla niya akong tinanong kung seryoso daw ba ako sa kanya dahil kung hindi daw tumigil na daw ako sinagot ko ang kanyang tanong sinabi ko na oo seryoso ako hindi naman ako pupunta lagi dito kung hindi ako seryoso habang nag sasabi ako tuloy tuloy siya mag lakad at iniiwasan niya ako tinanog ko siya kung ano meron galit kaba sumagot siya at sinabing natatakot siya magustuhan ako. sabay hinawakan ko yun kamay niya at sinabing wala ka dapat ikatakot at ngitian ko siya bigla niya aako niyaya mag milktea sapagkat gusto niya pako makilala. halos dalawang beses sa isang linggo kami nag kikita kahit hindi kami parang kami dahil sa sobrang sweet namin pag mag kasama kami. isang araw pumunta kami sa intramuros at pinakilala niya ako sa mga kaibgan niya at nun hinatid ko siya pinakilala niya ako sa pamilya niya sobrang saya ng araw na iyon kase nakilala ko yun mga taong malapit sa buhay niya. makalipas ang apat na araw pumunta ako sa kanila wala kaming ginawa kung hindi kumain ng kumain haggang sa pag uwi ko nag paalam ako sa kanya kase alam ko pag dating ng abril ojt na siya matagal nanamaan bago kami ulit mag kita nun paalis nako sinabihan niya ako mag ingat at mamiss ko tyan mo sabay hawak bigla naiiyak kase alam ko sobrang mamiss ko siya. Sa ngayon ay naghihintay ako ng tamang panahon para ipakilala siya sa aking mga magulang dahil gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako kaseryoso sa kanya. Marami pang pagsubok ang pagdadaanan namin at alam malalagpasan namin ang lahat ng ito. Hindi dito nagtatapos ang aming kwento dahil marami pang susunod na kabanata ang mangyayari sa aming pagiibigan at alam kong hindi ito matatapos hanggat siya'y minamahal ko Hihintayin ko ang araw na mapasaakin ang matamis niyang oo dahil sa oras na maging opisyal na kami ay sisiguraduhin kong di na siya makakawala sa akin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UmiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon